“I was not.” She said in almost a whisper. Pulang-pula din ang mukha niya sa hiya at pagkaasiwa sa bagay na pinag-uusapan nila.

Ohh yes of course you are not. I took it from you for crying out loud.” Inis nitong wika. Napapailing nalang si Joni. She can’t believe na paniwalang-paniwala si Ivan na ito ang nauna.

“Ivan kasi—“ she stopped talking. Gusto niyang magpaliwanag dito pero naisip niya kung paano sisimulan. She can’t put the right words together.

What did you do to me? Alam mo bang hindi mo ako pinatulog dahil sa kakaisip sa iyo at sa nangyari sa atin. Lalo na at alam kung nasa kabilang silid ka lang. Were perfect for each other.” parang nahihirapan nitong wika. “Ang nangyari sa atin hindi ito isang bagay lang na madaling kalimutan. At handa akong panagutan ka Joni.” sabi nitong mataman na nakatingin sa kanya.

Really?,. At paano ang asawa mo?At ano ang plano mong  gawin sa akin maging kabit mo? The mistress, the other woman, home wrecker. Thanks but no thanks Ivan.” May inis at panunuya  na rin sa boses niyang wika.

“I’m sorry. I just… I don’t know Joni.” Frustrated nitong wika. “I really feel something for you simula ng makita kita sa kasal ko. And don’t deny it. The attraction between us is so strong kung hindi mo ito nilalabanan.  It may sound crazy but I can leave Aliyah for you.” Seryoso nitong wika.

Ivan knew that he really sound stupid and unbelievable. Pero simula ng makilala niya si Joni may nag-iba sa naramdaman niya kay Aliyah. He even stopped making love to her. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya sa Joni pag ginawa niya iyon. Funny it may seem lalo at si Aliyah ang asawa niya. Kung paano niya kadaling ipagpalit ang seven years nila ni Aliyah kumpara sa ilang linggo pa lang nilang pagkakakilala ni Joni at sa nangyari sa kanila kahapon ay hindi niya lubos alam. All he knew that yesterday with her was different. A good different for that matter.

“Please Ivan, let’s stop this kind of talk. I don’t want to hurt Aliyah.” She pleaded.

She can’t believe that Ivan will say those words. At sa totoo lang ay tinamaan siya sa mga sinabi nito lalo at nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. If she will be selfish gagawin niya ang gusto ni Ivan. She likes the idea of having him dahil sa kamukha ito ni Carl. Binubuhay ni Ivan ang pagkatao ni Carl. Isa pa totoong attracted din naman siya dito. Pero alam niyang hindi dapat. Masasaktan si Aliyah at mabait ito. At alam niyang hindi rin dapat gamitin si Ivan para sa personal niyang hangarin. Kailanman hindi nito mapapalitan ang bad boy knight niyang si Carl.

Ivan sighed. Hindi niya gustong pahirapan si Joni at alam naman niyang hindi ganun kadali para dito ang taggapin ang mga sinabi niya. Kahit nga siya sa sarili niya ay nahirapan siyang tanggapin ang sitwasyon nila.

Tipid niya itong nginitian. “Okay kung hindi ka ready na pakinggan ako I will give you time. And I guess you better finish your breakfast.” Sabi niya nang mapansin na hindi na nito ginalaw ang pagkain sa plato nito.

Yumuko naman ito at sinimulang kainin ang pagkain. “ Ikaw ang nag-luto?” tanong niya pagkatapos ngumuya.

 “yeah. Dalawa lang naman kasi tayo dito.” Nakangiti niyang sagot.

“Masarap. Mabuti marunong ka mag-cook.” sabi nito habang maganang kumakain. Parang nakalimutan na nito ang kanina lang na pinag-usapan.

He also noticed that she has a good appetite and he is enjoying himself watching her eat.

Ang payat mo pero ang lakas mong kumain.” Wala sa loob niyang bigkas.

Freunde Series 3: Captive Heart (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя