Kabanata 9: Unang Klase

64 1 0
                                    

(Callista's POV)

"Gising na!"

Iritang-irita ako sa boses ni Luna na umaalingaw-ngaw sa buong kwarto namin nila Kyshie. Hindi ko talaga hilig yung nagigising nang maaga; lalong-lalo na nung nakatikim kami ng malambot na kama. Gayunpaman, bumangon na 'ko dahil naalala kong may klase na kami. Nakita kong nakagayak na si Luna habang kakabangon palang namin ni Kyshie. Sa pagkuha ko ng mga pang-ligo ko, inirapan ko lang siya at dumiretso sa shower room ng palapag namin.

Hindi ko talaga alam kung bakit gustong-gusto ni Luna pumasok nang maaga.

Paglabas ko ng pinto, nagulat ako dahil biglang katabi ko na si Kyshie. Antok na antok pa siya, kinakamot ang mata niya.

"Bigla-bigla ka naman eh!" sigaw ko sa kanya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Anong bigla-bigla? Kasama kita lumabas ng pinto!" sagot niya pabalik. Hindi na ako umimik dahil madalas talagang nagugulat nalang kami sa presensya ni Ky. Ang dalas niya kasi kami pag-tripan.

Dumiretso na kami sa paliguan at laking gulat ko na maraming estudyante na ang nandoon. Agad na nakaramdam ako ng inis nang pagtinginan nila kami ni Kyshie. Nakahelera sila sa mga lababo at tumigil silang lahat sa ginagawa nila para tignan kaming dalawa. Dahil doon, sinamaan ko sila ng tingin bago kami namili ng sariling shower.

"Ah, yung mga pulubing kinaawaan ni Mr. Oh. Girls, 'wag kayong lalapit baka kung anong sakit pa yang dala nila!"

Itinikom ko ang mga kamao ko, at hinarap ang taong nagsabi noon. Maliligo na sana kami ni Kyshie pero hindi talaga namin pinalagpas ang pang-aalipusta nila. Pagharap ko, may tatlong babae na nakapamewang, at mapag-asar ang ngiti at tingin sa'min ni Ky. Napansin ko na nanggaling sa babaeng nasa gitna at, mas maliit pa sa'kin, ang mga mapanakit na salita. Mayroon siyang berdeng mga mata at light brown na buhok; habang ang dalawang katabi niya sa kanan at kaliwa ay may dark brown na mga mata.

"Kung makapagsalita ka kala mo alam mo buong kwento namin. O baka, fans namin kayo?" sagot ni Kyshie na may ngisi na rin sa mukha. Tumawa ako nang marahan sa sinabi ni Ky, mapag-asar na rin ang tingin sa tatlo.

"Bakit naman namin iidolohin ang mga taong mas mahina sa'min? Dapat nga kami yung nasa Grand GES team." sagot ng isa na nasa kaliwa ng babaeng may berdeng mata. Malaki ang pakpak niya sa likod kaya napagtanto ko kaagad na may lahi siyang adarna. Ang mga adarna ay kalahating tao at kalahating ibon; mataas ang lipad nila at marunong din silang umatake. Kaya rin nilang magpagaling gamit ang kanilang mga luha; ngunit hindi ko nakita sa mga mata ng babaeng 'to ang kapangyarihang iyon dahil iba ito sa mga adarnang nakilala ko sa gubat. Lahat sila ay may kahel na mga mata; dark brown ang sa babaeng ito.

"Kung sobrang lakas niyo pala, bakit kami pa rin yung pinili? Bakit nila kami pinilit mag-aral dito para lang sa Grand GES na 'yan?" mataray kong tanong sa tatlong babae. Lalong sumama ang tingin nila at napansin kong lumalapit na sila sa kinatatayuan ko. Ngumisi lang ako sa kanila dahil ang tagal nila bago sumagot.

"'Di pa tayo tapos. Tanya, Araya, tara na." madiin na sabi ng babaeng nasa gitna. Nagbulungan ang mga tao sa pag-alis nila habang mapang-asar naman akong kumaway sa kanila. Pumasok na kami ni Kyshie sa mga sarili naming cubicle at naligo na.

Pagkabalik namin ni Kyshie sa kwarto namin, nakita naming kasama na ni Luna sila Xapphrina at Josie na nakagayak na; kaya binilisan na namin ang pagsuot namin ng uniform. "Grabe, ang kupad!" naiiritang sabi ni Xapphrina paglabas namin ng kwarto. Sabay na kaming bumaba para makapag-almusal sa canteen.

"Pinuntahan namin si Boey habang naliligo kayong dalawa. Ang gara talaga nung pinagtitirhan niya! Tsaka, ang dami ring lobo roon kaya masaya naman siya." sabi ni Luna. Tumango lang ako sa mga sinabi niya dahil mas nakatuon ang pansin ko sa kapaligiran namin bago kami pumasok sa main building. Nabighani pa rin ako sa lawak at laki ng mga gusali sa LASH, sinusubukang alamin kung saan gaganapin ang mga klase ko. Kaya naman kahit nasa canteen na kami, nakatingin pa rin ako sa schedule ko.

LASH (Light and Shadow High): School for the GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon