Kabanata 7: Mall?!

57 1 0
                                    

(Kyshie's POV)

"Mall?!"

Pagkatapos ng serimonya, nananghalian na kami sa canteen. 'Yun nga lang, minadali kami ni Ms. Stones sa pagkain dahil kailangan niya raw kaming kausapin. Nagkagulatan kami ng limang lalaki na makakasama namin sa Grand GES nang magkita kami sa harap ng opisina ni Ms. Stones. Ngunit, may mas nakakagulat pa palang utos ang principal sa'min.

"Oo, sa mall. Sabi ni Mr. Oh na samahan niyo ang mga bagong estudyante sa mall para mamili ng damit." ulit ni Ms. Stones kay Thristan na hindi sinasadyang magtaas ng boses sa opisina. Natameme kaming lahat sa pagbanggit ng pangalan ni Mr. Oh, patango-tango nalang sa mga paalala ng principal. Pagbigay niya ng pera sa amin, pinaalis niya na kami ng Light and Shadow High.

"Bakit ako nasasabik pumunta sa err... mall." nakangiting sabi ni Xapp. Kahit naman ako nasasabik din kasi wala pa saming nakapunta roon. Bigla nalang napuno ang imahinasyon ko ng maraming lollipop sa mall habang sumasakay na kami ng school bus. Hindi ko na napansin na nagpares na yung mga pinsan ko sa pag-upo namin.

"Mga traydor kayo." mapait kong bulong nung pagdaan ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako kaya umupo nalang ako sa tabi ng lalaking may itim na buhok at brown na mga mata. Hindi kami nagkikibuan dahil syempre, nahihiya. Nang lumipas ang kakaunting segundo, napangisi ako sa sarili ko dahil naisip kong takutin 'tong katabi ko.

"Alam mong nababasa ko ang iniisip mo, diba?" sabi niya kahit nakatingin sa bintana at hindi sa'kin. Paulit-ulit nalang, napahiya ako at hindi nakasagot sa kanya. Paglingon niya, nginitian niya lang ako. "O sige, makikipagpalit ako, ha; para may matakot ka." maloko niyang binulong.

Pagtayo niya, doon ko lang naalala ang pangalan niya. Leon Deangelo.

"Boss Chance! Palit tayo! Tabi ako kay Nick!"

Chance?!

Nanlaki ang mga mata ko at saktong-sakto naman, paglingon ko, nakatayo na si Chance at nakatingin siya sa'kin. Umurong ako papunta sa tabi ng bintana bago siya umupo sa tabi ko. Buti nalang, wala siyang binanggit tungkol sa insidenteng nangyari sa canteen kaninang umaga. 'Di ko na kakayaning mapahiya pa ngayong araw.

Tahimik kaming bumyahe papuntang mall at sayang-saya naman ako makita ang nasa labas ng bintana. Bago palang kami dito eh; kumbaga, tour na namin 'to.

Sa pagtigil ng sasakyan, tumayo na kaming lahat para bumaba. Nabighani ako sa laki ng mall sa harap namin kaya naman hindi ko napansin na medyo mataas pala yung bababaan ko. Paglabas ko ng kanang paa ko, agad akong natapilok dahil wala pa palang sahig. Napatili ko, nakapikit ang mga mata ko. Inintay ko ang pagsemplang ko sa sahig ngunit may biglang kamay na inalalayan ako.

"Tsk."

Gulat na gulat kong tinignan si Chance bago ko inayos ang tayo ko. Tumango nalang ako bilang papasalamat sa kanya. Pagkatapos ng kahihiyan na nangyari (ulit), nakita kong ibinigay ni Nick ang kamay niya kay Xapphrina at inalalayan siyang bumaba. Napataas ako ng kilay, hinuhusgahan ang namumulang mga pisngi ni Xapphrina pagkatapos.

"Gentleman ka talaga, pre!" mapaglarong sabi ni Thristan kay Nick. Umirap nalang ako habang naglalakad kami papasok. Sa pagpasok namin, namangha ako sa dami ng tindahan sa mall. Nagtinginan kami ng mga pinsan ko sa tuwa bago kami sumunod sa mga lalaking kasama namin.

"Ngayon lang ba kayo nakapunta rito? Manghang-mangha kasi kayo." sambit ni Leon sa direksyon namin. "'Di kami taga-poblacion. Malapit kami sa bayan." sagot ni Xapphrina pabalik. Napataas siya ng kilay, naguluhan nang kaunti sa sinabi ni Xapp. "Edi san kayo nakatira?" diin niya.

"Sa bahay namin." maiksing sagot ni Callista, blanko ang mga mata. Napailing si Leon, hindi na tinuloy ang pagtatanong niya.

Dinala nila kami sa bilihan ng mga damit at nagliwanag ulit ang mga mata namin. Hinawakan ko ang malambot na tela, tuwang-tuwa dahil kakaiba siya kesa sa mga damit naming kupas na.

LASH (Light and Shadow High): School for the GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon