Kabanata 5: Mga Bagong Estudyante

64 1 0
                                    

(Xapphrina's POV)

Nagkalat ang mga tao sa istasyon ng tren, arugang-aruga sa pinagkakaabalahan nila kahit umaga palang. Habang iniintay naming magpipinsan ang tren patungo sa mataas na bahagi ng poblacion, naupo kami sa metal na upuan. Manghang-mangha ako sa napaka-futuristic naming paligid dahil hindi ako sanay dito. Sa 17 taon, 'ni minsan ay hindi ako napuntang poblacion. Ang babala samin nila papa noon ay baka alipustahin lang kami sa poblacion dahil mahirap kami; kaya haggang bayan lang ang punta namin. Ngayong wala na sila, bigla kaming hinahatak papuntang poblacion...

Anong nangyayari?

Kahapon lang eh nagbibilang lang ako ng itlog ng mga manok namin. Linggo-linggo kong gawain yun; tapos biglang, nabigyan kami ng Light and Shadow High fully-paid scholarship at kami rin ang kailangan nila para sa Grand Geize en Suduin? Paano nangyari na kami ang gusto nilang magrepresenta ng Light and Shadow High sa labanan ng lahat ng paaralan dito sa Biringan?

"Xapp,"

Nagulat ako sa pagkakapitik ni Callista sa akin dahil tulalang-tulala na pala ako sa kakaisip ng mga pangyayari. Tumingin ako sa kanya at nakita na naiinis na siya. Agad na tumayo na sila Kyshie, Josie, at Luna; tuwang-tuwa sa mapaglarong ugali ni Boey.

"Aalis na tayo; nandiyan na yung tren." taimtim na sabi ni Calli bago niya binitbit ang kakaunti naming gamit. Tumayo nalang din ako at naglakad na kami papasok ng napakalaking tren.

Sa pagbukas ng mga pinto, naramdaman ko ang lamig ng aircon. Mabilisang pumasok sila Callista para ilagay ang mga gamit namin sa ibabaw ng mga upuan at para mapaupo na si Boey. Pinagmasdan ko ang napakalinis at napakagandang loob ng tren; pero naputol ito nang mabangga ako ng mga tao na nagmamadaling pumasok sa loob.

"Ate Xapphrina!" sambit ni Kyshie bago siya tumayo at hinablot ang kamay ko papaupo sa kinauupuan nila. Natawa si Josie at Luna sa'kin at napangiti naman nang kaunti si Calli habang hinihimas ang balahibo ni Boey.

Inayos na namin ang upo namin nang marinig namin ang boses ng konduktor sa speakers, sinasabihan kaming aandar na ang tren. Nang gumalaw ito, nakaramdam ako ng pagkakasabik dahil unang beses lang din namin makakasakay ng tren dahil hindi naman kami napapadpad ng poblacion. Napalawak ang bukas ko ng aking mga mata nang bumungad sa bintana ang ilaw at ang nakakabukas-bibig na pangitain nito.

Mula sa bintana ng tren, kitang-kita ang napakaraming bahay at gusali na nagsisiksikan sa mabundok na hubog ng Biringan. Nagkalat ang mga puno sa kapaligiran namin at kung ikukumpara ito sa bayan na may nagsisitangkaran din na mga torre, ang pinagkaiba lang nila ay mas moderno ang tingin ng poblacion.

(itsura ng "Poblacion" ng Biringan City, retrieved from GMA News)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(itsura ng "Poblacion" ng Biringan City, retrieved from GMA News)

Tinignan ko ang mga pinsan ko at nakita rin ang kinang sa kanilang mga mata habang pinagmamasdan ang nasa labas ng bintana. Hinablot ko ang nag-iisa naming mapa at nakita na hindi ito sapat para sa mga detalye ng Biringan; lalong-lalo na ang poblacion. Magagamit lang ito kung gusto mong malaman ang pangalan ng mga lugar sa Biringan o kung gusto mo malaman ang pagkakaayos nito.

LASH (Light and Shadow High): School for the GiftedWhere stories live. Discover now