Kabanata 7: Mall?!

Start from the beginning
                                    

"'Pag magbabayad na kayo, lapitan niyo lang ako dahil nasakin yung pera." ulat ni Chance sa'min. Tumango lang kami bago kami tumingin ng mga damit.

Mabilisan kong hinablot ang mga coat, palda, at kung ano-ano pa. Masarap siguro magsuot ng mga ganito dahil hindi naman mainit dito sa Biringan dahil mataas ang lugar na 'to. Napangiti ako nang makita ko na magkakaiba kami ng mga damit na pinili. Komportable at maluwang ang mga kinuhang damit nila Josie at Xapp; si Luna naman ay mga skinny jeans at blouse; at kay Calli naman ay puro itim o puti.

"Bagay sa'yo 'yan!" narinig kong sabi ni Nick. Nakita kong sinamaan lang siya ng tingin ni Callista bago naglakad papalayo.

Pagkatapos naming magsukat at mamili, sama-sama na kaming nagbayad. Nag-abang ako sa likod ni Chance habang nagbabayad siya at parang nasagot ang lahat ng mga hiling ko nang makita ko na may pera pa siya sa bulsa niya. Tahimik at dahan-dahan kong sinungkit ang pera mula sa kanyang bulsa. "Makabili nga ng lollipop," naisip ko.

Tuwang-tuwa ako nang masungkit ko ang pera; pero naputol ang masasaya kong araw nang may humablot ng pera mula sa kamay ko.

"Hoy—!"

Bumusangot ako kay Thristan na may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Tinapik niya si Chance at ibinalik ang pera sa kanya. Mukhang hindi nagulat si Chance na nawalan siya ng pera; dahil tinignan niya ako at ngumisi.

Aba, gago 'to.

"Miryenda tayo! Tara sa food court!" masayang sabi ni Leon bago niya inakbayan si Nick at Christian. Sang-ayon naman ako na kumain kaya masaya akong naglakad kasama sila Xapphrina.

Sumakay kami ng escalator pababa at nalaglag ang panga ko sa laki at dami ng nagbebenta ng iba't ibang pagkain. "Wow!" ulat nila Luna at Xapphrina habang nagmamadali kaming puntahan ang sinasabi ni Leon na food court. Naglaway ako sa mga matatamis na pagkain kaya naman agad kong pinuntahan ang mga lollipop at iba pang candy. Takam na takam na ako nang malaman ko na wala nga pala akong pera.

"Chance!"

Napantingin siya sa'kin mula sa kabilang stall at inabutan ako ng pera kahit di pa 'ko nanghihingi. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi na ako nakapagpasalamat nang maayos sa kanya. Nakita kong bumili silang lahat ng ice cream kaya ginaya ko nalang din sila. Nang makita ko na may cookies and cream, lalong kumulo ang tiyan ko. Tuwang-tuwa ako, bumibili ng ice cream sa isang baso.

"Ky, dito!" kaway sa'kin ni Luna. Nakaupo na silang lahat at ako nalang pala ang iniintay. Pag-upo ko, masaya ang lahat na kumakain ng ice cream; kahit si Callista na palaging nakaismid (lalong-lalo na 'pag may ibang tao) ay may maliit na ngiti sa mukha.

"Wala palang SEF dito 'no." panimula ni Thristan habang nagmamasid siya.

Strength, Endurance, and Fitness; SEF. Isa 'to sa mga strand ng Light and Shadow High. Nabasa ko sa binigay ni Ms. Stones na papel sa amin ang tungkol sa sistema ng pag-aaral doon at nalaman kong nahahati sa dalawang kategorya o track ang mga kapangyarihan ng mga estudyante. Ang unang kategorya ay ang Physical track kung saan nakadepende sa pangpisikal na katawan o elemento ang kapangyarihan ng isang tao. May dalawang strands ito at isa rito ang SEF kung saan ang kapangyarihan ay nakasalalay sa pisikal na kaunyaan ng katawan. Isang halimbawa ay ang super-strength.

"Ah, oo, apat na NEE lang nandito." sagot ni Leon, tinuturo sila Luna, Josie, Nick, at Christian gamit ang nguso niya.

Nature, Environment, and Elements; NEE. Ito ang isa pa sa mga strands ng Physical track at mapupunta ang isang nadaren o taong may kapangyarihan sa strand na ito kapag may kinalaman sa apat na elemento ang kapangyarihan nila.

"Tapos, anim na pala tayong nasa Non-physical track..." mapag-alam na sabi ni Xapphrina. Patuloy ang pagkain nila ng ice cream habang pinag-uusapan ang tungkol sa paaralan. Tinignan ko ang aking ice cream at nakitang lusaw na ito. Napapalakpak ako, sarap na sarap sa lusaw na ice cream. Mas gusto ko kasi pag ganun.

"Puro MCA naman kayo. Dalawa lang kaming MSP." ani ni Thristan, nakatingin kay Callista na kasama niya sa MSP strand.

Katulad ng physical track, may dalawang strands para sa non-physical track. Ang MCA o Mental Capacity and Application ang isa sa strands nito at ito ay para sa mga may kapangyarihan na may kinalaman sa utak, pangitain, o damdamin. Ang salitang, epekto, ang pinakaimportante sa strand na 'to dahil ang mga kapangyarihan dito ay nakakaapekto lamang ng utak, pangitain, o damdamin ng tao. Kapag MSP o Manipulation, Strategy, and Psychology naman, kontrol at kilos ang pinakaespesyal sa kanila. May kinalaman pa rin ang utak, pangitan, o damdamin dito kaya siya nahihiwalay sa pisikal.

"Marami na ba kaming 'di naabutan? Baka mahuli kami." mapag-alalang sabi ni Luna. Tumango si Josie sa sinabi niya at halata naman sa mukha ni Xapphrina na gusto niya rin malaman.

"Kakasimula palang din naming pumasok nung nakaraang dalawang linggo. Pero pag bago, syempre mahirap sa una." paliwanag ni Thristan. "Teka nga, tama na nga 'yang tungkol sa school." dagdag niya.

"Ikaw nagsimula ng usapang-school, 'tol." natatawang sabi ni Christian. Natawa kaming lahat, ubos na ang mga ice cream. Binuksan ko na ang isang lollipop na binili ko, agad-agad na sinubo ito.

"Uy, complementary colors yung buhok natin!" pangungulit ni Nick kay Callista. Tinitigan lang siya ni Callista kaya dire-diretsong sinalba siya ni Xapphrina. "Oo nga 'no!" pamamansin ni Xapp kay Nick. Nginitian ni Nick si Xapp bago sinabi na katerno naman ng buhok ni Xapp ang buhok ni Thristan.

Napansin kong nagsisimula na kaming mas maging komportable sa isa't isa. Nakaramdam ako ng labis na kasiyahan dahil dating nasa utak ko lang ang pagkakaroon namin ng iba pang kaibigan.

"Tara, punta tayo sa arcade!"

LASH (Light and Shadow High): School for the GiftedWhere stories live. Discover now