Kabanata 1: Anino

138 2 0
                                    

(Xapphrina's POV)

Wala akong nagawa kung hindi tumakbo nang tumakbo; at itanong sa sarili ko kung nasaan ako, anong nangyayari?

Napatingin ako sa likod ko at nakitang nandoon pa rin ang aninong kanina pa ako hinahabol. Nakaramdam agad ako ng matinding pagkakakaba sa aking dibdib. Kusang tumatakbo ang mga paa ko papalayo. Wala rin akong nagawa kung hindi isigaw nalang ang mga pangalan ng mga pinsan ko. 

"Ky! Jo! Luna! Calli!"

Hinihingal na ako pero ayokong tumigil—ayoko. Ayokong maabutan ako ng aninong 'yon. Hinanap ng mga mata ko ang mga pinsan ko. Gusto kong masiguro kung ayos lang ba sila, hindi ko kakayanin kung mapapahamak sila. 

Sa kalagitnaan ng pagtakbo, doon ko lang nalaman na ako ay nasa loob ng isang madilim na lugar— isang kuweba.

Gayunpaman ay tumakbo pa rin ako, wala na akong pakialam kung nasaan ako. Ang kailangan ko lang ay tumakbo palayo sa aninong iyon.

Bigla akong napahinto sa aking mabilis na pagtakbo nang may maapakan ako. Pumintig nang malakas ang aking puso, nang magkaroon ako ng sapantaha tungkol sa inaapakan ko. Sa dahan-dahan kong pagtingin, nakita ko ang isang katawan ng tao. Agad na nanlamig ang aking mga kalamnan sa takot. Mabilisan kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang tili na gustong kumawala, tinitignan nang mabuti ang katawan na nakasadlak sa kadiliman.

Nanlaki ang mga mata ko pagkalipas ng ilang segundo nang mapagtanto ko na kay Josie ang katawan na nakahandusay sa sahig.

"Jo!" sigaw ko. Nawala sa isipan ko na kailangan kong tumakbo dahil nalagay sa peligro ang aking pinsan. Habang ako ay natataranta na, lumuhod ako sa harap ni Josie. Hinawakan ko siya at may naramdaman akong basa dugo. Parang kinurot ang puso ko sa nadatnan kong kalagayan ni Josie. Tumulo nang sunod-sunod ang mga luhang hindi ko na nagawang pigilan.

"Jo! Hind-"

Naputol ang sasabihin ko nang may narinig akong malakas na tili.

Boses pa lang, alam kong si Callista iyon; kaya mabilis akong tumakbo papunta sa lugar kung saan galing ang sigaw niya. Hindi ko na pinansin ang pagkakahingal ko dahil nadatnan ko si Callista na nakaupo sa damuhan. Alalang-alala ako dahil mukhang wala siya sa sarili niya.

"Calli" agad na namang bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ko kung saan siya nakatingin. Basa sa pawis at nanlalamig ang aking mga paa at kamay nang makita ko sa harapan namin ang anino.

Mabilis ang mga pangyayari at laking gulat ko na lamang nang biglang may lumabas na patalim sa kamay ng lapastangang iyon. Tumakbo ako para ipagtanggol si Callista ngunit naunahan ako ni...

"Luna!" sigaw ko pero huli na ang lahat; natamaan si Luna ng mga patalim. Nabigla masyado si Callista; lalong-lalo na nung biglang isinakripisyo ni Luna ang buhay niya para sa kanyang nakatatandang kapatid. Dahil dito, naramdaman ko ang galit na dumadaloy sa katawan ni Callista bago pa man ako makapagsalita. Galit ang sigaw na lumabas sa kanyang bibig at agad-agad siyang tumakbo papunta sa anino.

"'Wag!"

Nangingiyak-ngiyak na ako nang tamaan siya ng kadiliman. Tila bang naglaho siya na parang isang bula noong dumikit ang katawan niya sa kadilimang iyon. Hindi ako makagalaw sa bigat at dami ng emosyon na naramdaman ko. 

Ang labis na pangungulila ang nagdulot sa akin ng malubhang kalungkutan at pagsisisi na wala man lang akong nagawa para iligtas sila; ngunit ang aninong iyon ang rason kung bakit ako ay puno ng poot at galit. 

LASH (Light and Shadow High): School for the GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon