Habang nakatayo ako, nakatingin lang siya sa akin. He folded his arms as he looked at me. Matangkad siya. Actually, hanggang balikat niya lang ako. I think, he’s around 25 siguro. Neat ang dami. Long sleeve na kulay apple green at nakatuck-in. ‘Yung ayos naman ng buhok niya, clean cut? Basta, ewan, kung si Sir Rye ay medyo bad boy ang datingan, eto, “boy next door”.

So, nakuha ko pang nag-classify ng professors huh?

“Hey, Miss. If you do not know whom are you talkin’ with, better shut your mouth, or else, I’ll let my mouth, shut it,” he smiled.

***

“Roxanne! Nakakainis ‘yung prof mo na ‘yun! Kung alam mo lang kung anong sinabi niya sa akin!”

“Bek. Sorry hindi kita na-inform agad. Napahamak ka tuloy.”

“Nako. Next time naman kasi, sabihan mo kong may teacher pa kayo.”

“Eh kasi, dapat tapos na ‘yung klase namin, nag-extend lang siya.”

“Hay. Araw-araw na lang ata kong minamalas.”

“Pero ang gwapo niya no?”

At muntik ko ng mailuwa ang kinakain kong fries. Naglalakad kami ngayon papalabas ng school. 

“Utang na loob, Roxanne. ‘Wag mong gamitin nang hindi tama ang word na gwapo. Uhmm. Mukha lang siyang malinis, pero uhm. Hindi pa rin! Hindi!”

“I like your reaction. Pero, may affection pa rin ako kay Sir Jael. Hindi mo na maalis ‘yung friend. Kaya, please. Aralin mo ng maging mabait sa kanya kasi baka maging kami na after. You know naman. Hahahaha,” at tinawanan niya pa ako.

“My dear friend. Pili-pili rin kasi ng magiging crush. Hindi ako payag sa kanya. Ang arogante kaya ng taong ‘yun. Anong subject ba tinuturo niya?”

“Ethics!” she answered enthusiastically.

“Really? Parang hindi naman. Layo kaya.” sagot ko.

“Pero magaling siya Bec. As in, sa kanya lang kami pumapayag na maiextend ang klase,”

“Wala pa rin akong paki. Nakakainis si Rye.”

“Nag-away na naman ba kayo?”

“Hindi. Ata? Ewan. Not sure. All of the above? Ayy. Malabo.”

“Ang gulo mo, Bek.”

“Bakit kasi may mga taong mahirap intindihin. Willing naman ako umintindi, kaya lang ang ilap niya pa ring umintindi sa akin eh,”

“Kahit gaano mo kasi kamahal ang tao, dumadating rin ang oras na hindi mo siya maintindihan. Hindi dahil hindi kayo compatible, kundi dahil may differences kayong dalawang dapat pagtagpiin.”

“Wow. Galing sa’yo ‘yan ah.”

“Oo naman. Kaya kami ni Sir Jael, pag-graduate na pag-graduate ko, liligawan ko na siya agad.”

“Baliw!”

Pauwi na kami ng mapag-usapan naming ‘to. Last class niya na rin pala. Kaya lang nakakainis. Gusto kong sapukin lahat ng taong makikita ko ngayon.

“Rebecca. Medyo, minamahal ka ata ng kamalasan?”

“Anong random statement ‘yan? Tanong ko.”

“Si Sir Jael… Ayun oh,”

At nakita ko sa labas ng gate ‘yung lalaking nakatingin sa amin ng  hindi-maipaliwanag-na-ngiti. Nakasandal sa isang wall gamit ang isang kamay, habang nakatingin sa amin.

Shocks.

*****

Sorry for super late update. Pagbigyan niyo na ko kasi nawalan kami ng net. Pero, bumalik na siya. 

For more updates: Add me, fb.com/imtheweirdapple, or like fb.com/lee.miyaki

Tweet for more infos at @imtheweirdapple

Enjoy this UD! :)

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now