“Mamaya ka na mag-aral! Samahan mo muna ako!” 

Hindi pa rin siya sumagot. Sa totoo pa nga, sinesenyasan niya akong umalis.

“Anong umalis? Reporting lang naman ‘yan. Wala namang prof. Halika na!”

Nag-aagaw eskena na ok, dahil halos lahat ng mga kaklase niya, nakatingin na sa akin. Ako naman, eto, ngumiti ng 10% upang makapagpasensya sa ginagawa kong istorbo sa kanila.

“Roxanne naman eh…” nawalan na ako ng gana sa pagtawag sa kanya.

I decided ulit na pumasok sa loob ng room. Tama, kailangan ko talaga si Roxanne para may pagsabihan naman ako ng nararamdaman ko.

Nang tumapat ako sa room, isang binata ang humarang sa akin.

“Excuse me,” sabi ko. Hinaharangan niya ako, pero pinilit ko pa ring silipin si Roxanne mula sa kinatatayuan ko.

“Sandali lang naman ‘to,” inihakbang ko na ang mga paa ko. Kaya lang, naumpog ako sa dibdib ng binatang nasa harapan ko at consistent sa pagharang sa akin. “Ano bang problema mo? Kakausapin ko lang naman si Roxanne. Excuse nga!” pati ang reporter eh napatigil sa kanyang ginagawa.

Sa wakas. Bago ko pa bungguin ‘yung lalaki sa harapan ko, lumapit na si Roxanne. Huh? Kung hindi pa siya lilingunan ng lalaking ‘to, hindi pa ko lalapitan? What the…

At nang lumapit siya, sinabi niyang…

“S-Sir. Sorry po sa abala,”

Pagkarinig ko sa isang sentence na sinabi ni Roxanne, parang… Uh-oww…

“Good. MISS,” sabi ng lalaki sa harapan ko kay Roxanne.

Hinarap niya naman ako. Hinila  mula sa tapat ng pinto ng classroom nila. Uhmm. Without Roxanne, of course.

“Don’t you know how to say “Excuse me?” he asked.

“Of course, I do! It’s just that, I wasn’t aware that a professor’s inside the room,” I answered. Hawak niya ko sa braso habang sumasagot ako.

“Well if you don’t mind, MISS. Will you please respect the reporter inside the classroom at least? Mind your manners, please. If you know what manner is,” he inserted sarcasm.

“So what are you trying to imply? That I am rude, and you are not? Bitiwan mo nga ko. Parang hindi ka professor sa inaasta mo,” at inialis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now