“Pero kahit na... Sana hindi kita iniwan noon. Sana... Ugh!”

“Ssssh... Stop acting like a kid, Taejoon. Walang may kasalanan kung bakit ganyan ka ngayon. I know, challenge lang yan sa iyo. Malalampasan mo yan!”

“Nakakabwisit pa itong mga tao dito. Noon, kung makapuri sila sa akin, wagas, kasi ang galing-galing ko daw. Tapos ngayon, wala na silang lahat. Laos na nga talaga ako. Pati mga fansites ko isa-isa nang nagsara. Naging inactive lang ako sa high jump, iniwan na nila ako.”

“Ano ka ba! Nandiyan pa sina Taemin, Kibum, Jonghyun, Jinki, Amber, Luna, Victoria, Hanna, Eungyeol at si K-Krystal... TAPOS AKO! Kung wala na lahat ng batalyon mong fans noon, nandito pa rin ako. Ako ang number one fan mo noh!”

“HAHAHA. Ano ba yang mukha mo kapag binabanggit mo si Krystal, nangingiwi na ewan.”

“Eh kasi naman...” tapos nag-pout siya. Ang cuuuute.

“Sige na, pumasok ka na sa school. May exam ka ngayon diba? Galingan mo ah. Perfect dapat!”

“Oo naman! Sige na, bye. Matulog ka na din. Goodnight.” Tapos nag-flying kiss ako sa camera, ganun din siya.

Ang hirap talaga ng sitwasyon namin ngayon, gusto ko siyang lagi kasama. Siya nalang kasi nagpapalakas ng loob ko ngayon. Grabe na rin kasi ang criticism ng mga tao sa akin. Simula nung nalaman ng buong bansa at buong mundo ang tungkol sa pansamantalang pagtigil ko sa competitions (pero hindi nila alam na nagttraining pa rin ako all by myself sa gym namin sa bahay), parang pinandidirian na ako ng lahat.

Halos i-kick out na nga ako sa Genie High School. Mga walang utang na loob! Nakalimutan na ba nila na ako ang unang nagdala ng pangalang Genie High School sa international scene? Ako ang unang nanalo sa World Junior Championship na galing sa Genie High, at Korea. Ako rin ang laging gold medalist sa Olympics. Psh. Pero kahit na ganun ang trato ng lahat sa akin, isang wala nang kwentang laos na athlete, hindi pa rin ako umalis sa school. Nandoon pa rin naman ang mga kaibigan ko na nagpapalakas din naman ng loob ko.

Anim na buwan. Pang-anim na buwan na ngayon na wala si Jaehee sa tabi ko. Medyo nag-iimprove na ulit ako sa high jump. Ang last record ko at 2M and 21 CM. Medyo malayo pa sa totoong record kong 2M and 30 CM. Dahil Friday naman ngayon, pumunta ako sa gym dito sa school. Wala naman sigurong masama kung panoorin ko sila sa pagttraining diba? Lalo na may competition si Min Hyeonjae next week. Siya na kasi ang bagong star high jumper ng Genie High.

2M and 29 CM ang latest record niya. Isang centimeter nalang at mapapantayan na niya yung 2M and 30CM ko. Siya nga din daw ang ilalaban sa World Junior Championship, next year. Ako dapat yun! Pero syempre, wala naman akong magagawa. Tinalikuran na ako ng Coach ko, ng sports agency ko, ng manager ko. Tinalikuran na ako ng lahat!

“Ayoko na. Itigil ko nalang ata ito.” Kausap ko na naman si Jaehee ngayon sa Skype. Medyo humahaba na ang buhok niya. Anim na buwan ba naman? Pero naka-cap at boyish pa rin. Maging babae ka na nga ulit!

Marrying My Ex [MinSul]Where stories live. Discover now