19th: I Just Want to Feel...

Začít od začátku
                                    

"Okay na ba ang puso mo?" pangungumusta ko sa nararamdaman niya. Alam ko kanina lang nangyari ang tuluyang maghinagpis siya ng labis at ma-realize na ayaw na niyang magtiis sa kasuklam-suklam na panloloko sa kanya pero gusto ko pa ring malaman ang kalagayan ng nararamdaman niya.

Huminga siya ng malalim at nagpakawala ng hangin. Pilit siyang ngumiti. "Masakit pa rin. Pero wala akong magagawa kundi hintayin na gumaling ito."

Gagaling din 'yan. At ako ang maghihilom niyan para sa 'yo.

Mabilis na nag-iba siya ng topic na mapag-uusapan. Halatang umiiwas pa rin siyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Hina

Ilang saglit lang ay nakapara na ako ng jeep. Nagpaalam na ako sa kanya bago ako sumakay.

Ang swerte ni Hina sa iyo. Bakit ka niya sinaktan?

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa condominium. Pagpasok ko sa unit ay tumambad si Spencer na nakasalampak sa sofa at umiinom ng alak.

"Ano 'ng nangyari sa inyo sa discipline office?" walang paliguy-ligoy na tanong ko. Nilapag ko ang gamit ko sa mesa.

"You left us there," lintanya ni Spencer matapos sumimsim sa baso.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kayo may kasalanan diyan, ah. Sa school pa kasi kayo nagse-sex, eh, ang yaman-yaman niyo, hindi kayo sa hotel gumawa nga krimen." Siguro kapag hayok na hayok na, thrill na sa kanila ang magniig sa kung saan-saan na lang anumang oras. "Ano ngang nangyari?"

"Ofcourse, we were sanctioned due to obscenity. Hindi pa nga natatapos 'yung oras ko sa community service because of Loiterring, nadagdagan pa. Hanggang sa susunod na semester ko pa iko-consume 'yung nadagdag na oras."

Napangiwi ako. Parang nakonsensya ako dahil sa pag-iwan ko sa iPhone kong nagkalat sa lobby noon na kay Spencer nasisi. Well, siya naman kasi nanira niyon, eh. Karma niya iyon.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang baba niya upang iangat ang mukha niya.

Nagsalubong ang tingin namin.

"Nagamot na ba 'yan?" puna ko sa mga sugat niyang natamo niya sa pagsususuntok sa kanya ni Michael.

Binaba niya ang baso sa mesa. "No need. Gagaling din 'to."

"Kailangan pa ring magamot 'yan para mabilis gumaling. Nasa'n 'yung medicine kit mo?"

"Sa cabinet sa may kitchen."

Pumunta ako sa kusina at hinanap ko sa cabinet ang medicine kit.

Binalikan ko siya sa sala at nilagyan ko ng betadine ang bulak at dinampi sa mga parteng may sugat. Ang namamagang mata niya at putok na labi.

"Magtatagal pala ako rito. Wala akong choice, eh," sabi ko mayamaya nang matapos ako sa paggamot sa kanya.

"It 's okay."

"Pero sa susunod na linggo, susweldo na ako. Hindi na ako makakaistorbo sa 'yo rito. Hahanap na ako ng matitirhan."

"You may still stay here whenever you want."

Pero ngayon pa lang, ayaw ko nang manatili rito kahit noong una pa lang. Kung may mapagpipilian lang ako ay sa noon pa lang hindi na ako tumuloy rito.

"I bought you your clothes."

Sinundan ko ng tingin ang tinuro niyang mga paper bag na nasa kabilang couch.

"Bakit?" hindi makapaniwalang usal ko. Binalik ko ang tingin sa kanya.

"What? Do you want to wear my clothes and your underwears repeatedly?"

"Babayaran kita." Ayaw ko kasing may gumagastos na iba para sa akin. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit sino lalo na sa mga taong kinaaayawan ko.

"No need."

"Babayaran kita," ulit ko.

"As if you can pay me."

Pinandilatan ko siya ng mata sabay sinundot ko ang sugat niya. Ipamukha ba naman sa akin na wala akong pera? Na mahirap lang ako?

Nasapo niya ang mukha niya. "Ouch! That hurts!"

"Buti nga sa 'yo."

Napatalungko siya habang tutop pa rin sa parteng sinundot ko at halos tumambling siya sa sofa na parang namimimilipit. "Aawww... It really hurts."

Napasinghap ako. Nasaktan ko nga yata siya masyado.

Napaupo ako sa tabi niya at inaluan siya. "Sorry."

Bigla niya akong kinabig sa dibdib niya at mahigpit na pumaikot ang mga bisig niya sa akin.

Tinulak ko siya pero hindi ako nakawala sa kanya.

"Wait. I need a hug."

Natigilan ako sa inanas niya. Pero agad din akong nakahuma at sinubukan ko ulit kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.

"Ayoko nga! Baka minamanyak mo lang ako."

"No. I don't. I just need a hug. Please. Just a hug."

Hindi ko pinakinggan ang pakiusap niya. "Libog ka ngayon, 'no? Wala ka sigurong naka-sex ngayong araw? 'Di natuloy 'yung pagbu-boomboombambam niyo ni Hina. Spencer, 'wag ako!"

"Please, Ami. I need this not because I 'm horny. I just want to feel... I 'm not alone."

Hindi na ako nanlaban pa. Hinayaan ko ang sarili ko sa loob ng mga bisig ni Spencer at iparamdam ang init ng isa 't-isa hanggang sa pagtagal ay nakatulog siya.

ExhibitionKde žijí příběhy. Začni objevovat