Chapter 27: Wish I Could Push Rewind

5.2K 116 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

Isang taon na ang lumipas simula noong umalis si Den sa buhay ni Alyssa at sa Team. Isang taon na rin simula nung gabing binitawan ni Alyssa yung mga salitang kakalimutan nya na si Den. Nakalimutan nya na ba? Oo. Nasasaktan pa ba sya? Hindi na. Mahal nya pa ba? Hindi na. Galit ba sya? Oo. Tinotoo nya lahat nang salita na binitawan nya sa puntod ng Kuya Lance nya.

Noong gabing umuwi sya ay nagtaka ang buong team. Akala kasi nila ay isang wasak at umiiyak na Alyssa ang uuwi sa dorm pero kabaligtaran ang nangyari. Isang Alyssang nakangiti at masaya ang bumungad sa dorm. Kahit nagtataka ay hindi na nila naisapan na magtanong kay Alyssa. Naging masaya pa nga sila kasi hindi nya dinamdam ang pagkawala ni Dennise.

Sa isang taon na lumipas ay wala namang gaanong nangyari sa Team. May 3 team mates lang sila na nadagdag at isang bagong Coach na galing pa sa thailand.

Sa career naman ni Alyssa ay walang nagbago, ganon pa rin. Hindi nya na itinuloy ang binabalak nyang itigil ang career nya. Lalo pa syang sumikat nung umalis si Dennise dahil malaya na nyang nagagawa yung mga gustong gawin ng Manager nya gaya nang pagppartner nila ni Kiefer. Yung mga sweet moments nila ay mas lalong naging sweet at aakalain mo talaga na sila na pero hindi . Oo, nanliligaw sakanya si Kiefer pero ilang beses nya na binasted ang lalaki pero sadyang makulit ang lalaki kaya hinayaan nya na lang wala naman syang nasasaktan na ibang tao. Single sya so who cares? Naituloy nya na rin yung pagpapatayo nang coffee shop malapit sa Ateneo. Successful naman sya pero kahit sinasabi nang mga tao ay nasa kanya na ang lahat, ramdam nya sa sarili nya na mayroon pang kulang sa pagkatao nya.

Malaki rin ang naitulong sa pagmmove on nya yung pananahimik ng Team mates nya about sa past nila ni Dennise. They never talked about it since that night and sobrang thankful nya don.

Sa pagkatao ni Alyssa ay napapansin nila may nagbago. Mas naging tahimik ito, naging distant sa ibang tao, naging cold hearted pero she's still the same when it comes to her team mates, family, friends and fans. Naging business minded na rin sya, mas ginugugol nya ang oras sa business, photoshoot and whatever kesa makihalubilo sa ibang tao.

Wala namang magawa ang mga Dudes sa pagbabago nang ugali nya. Naiintindihan naman nila na nasaktan sya at alam nila na kahit sabihin nyang hindi na sya nasasaktan ay alam nilang sobrang durog ang kaibigan nila. Nagpapanggap lang ito na masaya at pinapaniwala nya lang ang sarili nya na naka move on na sya. Sobrang galit nang Dudes kay Dennise for leaving Alyssa kaya mas minabuti na lang nila na wag na pagusapan si Den dahil natatakot sila na baka makita nila ulit yung Alyssa na nakita nila nung unang gabi na umalis si Dennise. Kaya kinausap nila ang Team na wag na iopen yung topic about kay Den. Wala ni isa sa kanila ang may alam kung nasan si Den.. well, atleast iyon ang alam nila.

ALYSSA'S POV

"Sabi na nga ba't nandito ka lang." Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa taong nagsalita.

"Oh, Dude? May kailangan ka ba?" Tanong ko kay Gretch. Nandito kasi ako ngayon sa office ng bar namin.

"Nothing. Dinalan lang kita nang foods, Alam kong di ka na nanaman kakain dahil sa dami nang ginagawa mo." Sabi nya at inilapag yung dala nyang Jollibee. Alam nya talaga yung favorite ko.

"Thanks, Dude." Sabi ko at binalik yung tingin ko sa laptop ko.

"Hey, pause ka muna dyan." Sabi nya at isinara yung laptop ko kaya wala na akong nagawa kundi kainin yung dala nya.

"Kamusta ka, Dude?" Tanong nya sakin kaya nagtaka ako. Araw araw naman kaming nagkikita sa training at sa Dorm.

"Ha? Okay lang ako. Weird mo today." Sabi ko sakanya atska ko sya binato nang tissue. Natawa naman sya.

'till Our Infinity EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon