Chapter 26: Unopened Letter to the World

5.5K 131 14
                                    

ALYSSA'S POV

Alyssa,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to. Hindi ko rin alam kung saan papunta to. Ang alam ko lang e, habang binabasa mo 'to ay wala na ako.

I'm sorry if I have to do this. Napapagod na kasi ako Ly, Napapagod na ako sa kakahintay sayo o kung kelan mo ako mabibigyan ng oras. Napapagod na ako sa kakaintindi sayo. Napapagod na ako na makisabay sa mga taong nasa paligid mo. Sinabi ko na okay lang sakin tong sitwasyon natin. Oo, okay lang sakin pero it's too much to handle. Darating talaga sa point na mapapagod at magsasawa ang isang tao. Well, for me, napagod at nagsawa na ako.

You're a star now while I'm nobody. Maraming tao na humahanga sayo samantalang sakin naman ay maraming naiinis dahil ako ang sisira sa pangalan mo dahil sa relasyon natin. Nagsasawa na akong intindihin yung mga fans mo na nagsasabi na mas bagay kayo ni Kiefer sa mukha ko? Nasan ka ba nung mga panahong nasasaktan ako? Nasa kung saang lupalop ka kasama si Kiefer at gumagawa kayo ng sweet moments. Hindi mo nga siguro alam na pinapamukha nila sakin na dapat na kitang hiwalayan.

Umalis ako nang walang paalam sayo kasi alam kong pipigilan mo ako. Don't try to find me kasi ayokong magpahanap sayo. All I want for you to do is continue your career. Alam kong masaya ka sa ginagawa mo, masaya ka na nagpapasaya ka ng ibang tao. Sinabi ko lang sayo yung nararamdaman ko kasi feeling ko ay sasabog na ako pag hindi ko pa nilabas yun.

Umalis ako kasi ayokong ako yung maging dahilan kung bakit masisira ang pangalan mo, Someday. Kasi feeling ko if magstay pa ako dyan mapipigilan kang gawin yung mga bagay na dapat mong gawin kasi iisipin mo nanaman ako o yung mararamdaman ko.

Ako na ang tatapos kung ano man ang meron satin. I'm breaking up with you Alyssa. Sorry kung sa sulat ko lang sinabi ha? Hindi ko kasi kayang makita na nasasaktan ka at hindi ko kayang sabihin sayo sa personal kasi baka bawiin ko lang yung mga sinabi ko sayo. Gusto ko maging masaya ka, Alam kong mahirap pero gusto kong kayanin mo. I know it's too much for me to say na maging masaya kahit sinaktan kita.

Ly, natatandaan mo yung ginawa mo dati? Yung nagsacrifice ka para samin. Well, that's what I am doing now. I'm sacrificing our relationship for your happiness and for your career. Love is sacrifice ika nga nila. I'm hurting too. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula after nito kasi nasanay ako na naandyan ka palagi pero kakayanin ko at sana ikaw din. Nandyan naman yung mga team mates natin para tulungan ka.

May isa pa pala akong hihilingin sayo. stop waiting for me and stop hoping na babalik ako someday 'cause I won't. Sa pagalis ko ay tinalikuran ko na lahat including my love for you, our memories.

Open your heart to others. Good bye Alyssa. Thank you for loving me. I'm sorry if I'm not good enough for you. I'm sorry for breaking your heart.

Stop loving me 'cause I don't love you anymore.

Dennise.

"HAHAHAHAHA. OKAY GUYS ! TAMA NA 'TONG JOKE NA 'TO." Sabi ko habang tumatawa. Ayokong maniwala na iniwan na nya ako, Ayokong maniwala na hindi na nya ako mahal.

"Nasan si Den? Ilabas nyo na sya. Hahaha. Den! Labas na dyan." Sabi ko at binuksan yung CR sa banyo namin para hanapin sya pero wala. Sinunod ko yung mga kwarto ng mga team mates ko pero wala sya.

"Ly, tama na..." Mahinahon pero puno nang pagaalala na sabi ni Dude Marge.

"Aha ! Alam ko na. Nasa rooftop sya." Sabi ko sakanila at umakyat papunta sa rooftop. Nanginginig ang kamay ko dahil kinakabahan akong buksan yun.

"Den, please. I know you're here." Bulong ko sa sarili ko pero wala, wala akong nakitang Dennise.

"Hahaha. Okay, ang galing nyo talaga magprank. Bebes, labas nyo na si Den." Sabi ko kila Ate Dzi pero iling lang ang sinagot nila.

'till Our Infinity EndsWhere stories live. Discover now