Chapter 23: The First Cut Is The Deepest

6.2K 119 3
                                    

A'S POV

Lumipas ang isang linggo na weird sila Dude. I know they're hiding something from me pero ayoko naman magtanong baka mamaya ako lang ang nagiisip non.

Paano naging weird? Halos oras-oras tinetext nila akong tatlo kung nasaan ako at kung sino yung kasama ko. Lakas ng tama diba? Tapos pag hindi kami magkasama ni Dzi ay sinasamahan ako ng isa sa kanila minsan pa nga ay silang tatlo pa. Kagaya ngayon, magkasama kaming tatlo na nakatambay sa GYM. E, diba dapat kasama nila yung mga Girlfriends nila kasi alam ko wala silang klase. Eh si Dzi naman kasi may tinatapos na group report.

"Bakit ang weird nyong tatlo?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanilang tatlo.

"H-ha?" Takang tanong ni Ly sakin.

"You're acting weird these past few days. May tinatago ba kayo sakin?" Tanong ko ulit sakanila. Bago sila sumagot ay tinignan pa nila si Gretch na seryoso lang ang mukha.

"A-ah... A-ano ba yang p-pinagiisip mo Dude. G-gusto lang naman namin magbonding. Just like the old times." Sagot ni Marge sakin. May mali talaga.

"Kilala ko alam ko kung kailan nyo ako gusto makabonding at alam ko rin kung may tinatago kayo sakin." Seryosong sabi ko sakanila. Sabay sabay naman silang napalunok at pasimpleng nagsikuhan.

"Uhmmm. Kasi D-dude sh---" Hindi na natapos ni Gretch yung sasabihin nya nung may tumawag sa phone ko. Nagsignal ako sa kanila na wait lang kasi si Dzi yung tumatawag. Baka magpapasundo na and tama nga ako magpapasundo na sya sa library. After non ay binaba ko na yung tawag.

"Mamaya na lang natin pag usapan yan Dude. Sunduin ko lang si Dzi." Sabi ko sakanila at tumayo na. Tumayo na rin sila at malamang ay susunod nanaman sakin pero agad ko silang pinigilan.

"Hep ! Dyan lang kayo. Wag kayong sumunod." Sabi ko sakanila. Tumango naman sila at bumalik na rin sa upuan nila.

Nagmadali akong makalabas sa GYM dahil baka mamaya ay nakasunod nanaman yung tatlong ungas. Para nga akong tanga habang naglalakad kasi palingun-lingon ako pag nararamdaman ko na may sumusunod sakin. Pagkasakay ko sa kotse ko ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sure na kasi akong hindi ako susundan nung mga yun dahil wala silang dalang kotse.

Pagdating ko sa library ay nagpark na ako atska bumaba. Tinext ko na rin si Dzi na nasa labas na ako.

"Carol?" Tawag nung kung sino pero hindi ako lumingon. Sino ba namang matinong tao ang tatawag sakin ng Carol sa loob ng Campus? May isang tao na tumatawag sayo ng Carol sa Campus dati.... Ha ! Wala na sya. Nasa kung saan lupalop na sya ng mundo.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Baka naman kasi hindi ako yun. Ang dami kayang Carol sa mundo.

Nakaka ilang hakbang palang ako nung may tumawag ulit sa pangalan ko pero this ay hindi na Carol.

"Nacachi?" Doon ko na nilingon yung tumawag sakin. Nagsisi ako na nilingon ko pa sya. Nakita ko lang naman yung babaeng nanakit at nangiwan sakin. Si Aia, my first love and my first heartbreak.

Gusto kong tumakbo o kaya maglakad palayo sakanya pero ayaw makisama ng mga paa ko. I just stand there.

"Grabi ka. Snob ka pa rin hanggang ngayon." Pagbibiro nya. Which irritates me. Inam ! Parang wala syang ginawang kagaguhan sakin.

"Akala ko kasi kung sino yung tinatawag." Cold na sagot ko sakanya.

Hindi ko maiwasan na tignan sya. Ang laki ng pinagbago nya. Hindi na sya yung innocent and simpe girl na minahal ko noon. Naging intimidating na sya, revealing ang suot and mukha na syang liberated. Iba talaga ang nagagawa ng America.

'till Our Infinity EndsWhere stories live. Discover now