Chapter 1

23.4K 286 34
                                    

THIRD PERSON'S POV

4months na ang nakalipas nung sinagot ni Den si Aly. Sa 4months na yun ay sobrang saya nung dalawa. Tuwang tuwa nga ang mga kaibigan nila dahil atlast ay nakikita na daw nila yung softside ni Alyssa. Todo alaga ito kay Den pero sinisigurado nya naman na hindi nasasakal si Den at ito namang si Den ay ganon din. Suportado sya sa lahat ng ginagawa nung Girlfriend nya. Dean's lister din silang dalawa kaya sobrang tuwa nila Tito Mike dahil ginawa nilang inspiration ang isa't isa at hindi ginawang sagabal sa pagaaral ang relasyon nila.

"Baa? Uwi muna ako samin ha?" Pagpapaalam ni Den kay Alyssa habang nagaayos ng gamit kasi may training sila.

"Hmm. Bakit Baa?" Tanong naman ni Alyssa sakanya at inakbayan ang Girlfriend.

"Ah eh, Gusto daw akong makausap ni Dad e. Important matter daw." Sabi ni Den kay Alyssa.

"Okay. Gusto mo hatid kita?" Tanong ni Alyssa kay Den.

"Hindi na baa, Susunduin ako ni Manong e atska para makapagpahinga ka :)" Sabi ni Den sa kanyang Girlfriend.

"Hmm, Sige Baa." Sagot lang ni Alyssa. Sa totoo lang ay labag sa loob nya yung sagot nya dahil gusto nya sanang ihatid ang Girlfriend nya pero gaya nga ng sabi nya, Ayaw nyang masakal si Den sakanya.

"Oh ! Tama na landian. Warm up na !" Sigaw ng Coach nila. Medyo mas naging intense na kasi yung training nila dahil ilang araw na lang ay start na ng UAAP.

DENNISE'S POV

Hindi ko alam kung bakit biglaan akong pinapauwi ni Dad ang sabi nya lang ay kakausapin nya ako at importante daw iyon. Nagpaalam naman ako agad sa Girlfriend ko and as usual gusto nya ako ihatid. Napaka caring talaga ni Alyssa at isa lang ang masasabi ko. Napaka sarap nya maging Girlfriend. I swear ! Sa 4 months namin ni Alyssa ay doon ko naramdaman ang tunay na meaning ng Love at Happiness. Hindi ko 'to naramdaman kay Myco at LA. Lagi nyang pinaparamdam sakin na ako lang yung mahal nya kahit na madaming lalaki at babae ang nagpapacute sakanya. Hatid sundo nya ako sa klase ko, She treats me like her princess and she's my knight in shining armor. Sabi nga nung iba ay Relationship goals daw kami. Ngumingiti lang kami ni Alyssa, Akala ko nga ay magiging mahirap ang relasyon namin pero hindi pala kasi nandyan yung mga Shippers ng loveteam namin na pinagtatanggol kami sa mga taong makikitid ang utak at syempre gusto naming magpasalamat ni Alyssa dahil din sa kanila kaya lumalakas ang loob namin at hindi nahihiya sa kung anong meron kami. Syempre nandyan din yung parents ko and friends na nagiging gabay naming dalawa.

"Den,Nandyan na si Manong." Seryosong sabi ni Alyssa. Gusto ko man na ihatid nya ako ay hindi pwede kasi nga sinabihan na ako ni Dad na susunduin ako ni Manong. Pinisil ko naman yung ilong nya. Ayaw na ayaw nya kasi yun. Haha. Aasarin ko lang yung cute kong girlfriend.

"Wag na magtampo. Di bagay sayo. Hahaha." Pangaasar ko sakanya habang pisil pisil ang ilong nya.

"Araaay ! Baa naman e :3. Oo na, Sige na. Bye na, Just text me when you get there okay?" Sabi nya sakin, Medyo natawa naman ako kasi namula yung ilong nya at kinakamot kamot nya pa. Ang Kyuttt talaga ng Girlfriend ko.

"Yes Mom. Haha. Joke, Bye na. I'll text you I promise. Behave okay?" Sabi ko sakanya. Alam ko naman na behave lang tong si Alyssa e pero syempre di pa rin maiwasan na may mga babae at lalaki ang nagpapacute sakanya. Eto naman dahil friendly sya e pinapansin nya. Minsan nginingitian nya o kaya minsan kinakausap nya pa pero alam ko naman na alam nya yung limits nya kaya may tiwala talaga ako dito.

"Oo na Baa. Manong, Pakiingatan ho tong bubwit na to ha? Haha." Pagbibiro nya kay Manong. Bubwit ang tawag nyan sakin minsan pag nagaasaran kami kasi maliit daw ako. Oo aminado naman ako don tapos sabi nya pa kahit maliit ako ayos lang daw kasi nagkasya daw ako sa puso nya. Kung sa iba corny yun sakin hindi, Kinilig pa nga ako ng bongga e. Haha. Ganon ata siguro pag mahal mo no? :D

'till Our Infinity EndsWhere stories live. Discover now