Chapter 5

10.3K 179 7
                                    

DENNISE'S POV

"Anyare don?" Tanong ni Bebe Dzi sakin habang nakatingin kami sa hagdan kung saan sya umakyat.

"She's having a bad day Capt." Sabi ni Ella kaya napatingin kami sakanya.

"Ha? May nangyari ba kanina?" Tanong ko kay Ella. She nodded her head before sya nagsalita.

"Kilala nyo naman si Bitchy Marty diba? Yun sinalubong ng sampal si Alyssa nung papasok kami sa class namin. She's blaming Alyssa and us kung bakit napaalis si Miguel dito. Eh ang kapal ng apog ng babae na yun ! Mukha syang clown. Pikon talo naman sya kay Alyssa." Sabi ni Ella. Nagulat naman kaming lahat sa sinabi nya. Wrong move pa ata yung joke ko kanina sa kanya kaya siguro lalo syang nawalan sa mood. Tinanong namin si Ella at Yel about sa nangyari. Inabot lang ni Yel yung phone nya at pinanuod samin yung video. Kaya daw nya vinideo kasi baka baligtarin nung Marty na yun yung story e bitch yun kaya may tendency na gumawa sya ng story atleast may proof kami. For the nth time, pinagtanggol nya nanaman kami.

"Oh gosh! Tapos jinoke ko pa sya ng ganon. Damn, I'm doomed." Sabi ko after ko mapanuod yung video.

"Ha? Ano bang jinoke mo?" Tanong ni Bebe Fille.

"I was complaining kasi kanina sa kanya. Sabi ko ang hirap pag sabayin yung studies and sports then she said buti daw di nya sinama yung love life. Then, Naisip ko na biruin sya sabi ko kasama nga yung lovelife. Tapos bigla na syang nawala sa mood." Kwento ko sakanila. Nakatanggap naman ako ng batok kay Bebe Dzi tapos ay binato naman ako nila ng unan.

"Ghad! Dennise, Nasaktan yun si Ly. Hala ! Umakyat ka don at suyuin mo." Sabi ni Bebe Dzi at tinulak tulak pa ako. Kaya umakyat na nga ako.

Pag akyat ko ay naabutan kong natutulog sya. Pero yung paa nya e nakalawit sa sahig. Inayos ko yung higa nya at kinumutan ko sya. Hayaan ko muna syang magpahinga malamang bukas ay mapapagod to dahil sa practice game. Bumaba muna ako at kinausap si Bebe Fille para tulungan akong mag bake ng cupcakes. Kailangan kong effortan si Ly kahit ito man lang.

Buti na lang ay may stock kami dito ng ingredients.

"Ilan ba yung ibabake natin bebe?" Tanong nya sakin.

"13 sana kaso sobrahan na natin, Lam mo naman yung team mates namin." Sabi ko sakanya. Taga halo lang ako ng ingredients tapos sya naman yung taga timpla. Red velvet cupcakes yung binake namin kasi nasabi sakin ni Ly nung isang araw na nagccrave daw sya don.

"Nga pala, Den? Bakit ka nga pala pinauwi ni Tito nung isang araw?" Tanong ni Bebe Fille sakin. Hindi agad ako naka sagot kasi nagulat ako and hindi ko alam kung anong palusot ang gagawin ko. I know her, she knows me more than I know myself.

"May problema ba Bebe?" Tanong nya sakin while looking at my eyes. Nag iwas agad ako ng tingin, kasi yung tingin nya ay parang inaaral ako.

"W-wala naman Bebe. Namiss lang ako ni Mosh." Sabi ko sakanya.

"I know you're lying Bebe. C'mon may problema ba baka makatulong ako?" Sabi nya. Kahit kelan talaga may pagkausyoso tong si Fille. Pero tama sya, baka nga makatulong ako. Hindi ko kaya mag isa to, Baka mabuko pa ko ni Ly.

"Promise me na hindi mo pagsasabi kahit kanino. Specially kay Gretch." Sabi ko sakanya. Tinignan nya naman ako and she agreed. I know I can trust her.

"Pinauwi ako ni Dad kasi gusto akong makausap ng parents ni Ly which happens to be my parents college bestfriend." Sabi ko sakanya. Nanlaki naman yung mata nya at nashocked.

"WTH?! Anong sabi sayo? Pinaghihiwalay ba kayo? Tara sugurin na na--" Napatigil sya nung binatukan ko sya. Babaeng to talaga, Exagg !

"Lower down your voice. Patapusin mo muna ako kasi pwede?" Sabi ko sakanya tumango lang sya.

'till Our Infinity EndsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα