Chapter 15

6.7K 164 10
                                    

ALYSSA'S POV

Nakatulala lang ako habang hinihintay yung prof namin. Naguguluhan ako sa mga nangyari kanina. Diba inis sya sakin? Diba kumukulo yung dugo nya pag malapit ako sakanya? Bakit ngayon sakin pa sya magpapasama? Nasan ba yung Antonio na yun?

"Hoy ! Tulala ka dyan?!" Sabi ni Ella sakin with matching batok pa.

"Aray naman !" Mahinang sigaw ko sakanya.

"Maka tulala ka kasi dyan, nababaliw ka na ba?" Tanong nya sakin.

"Nababaliw agad? Di ba pwedeng nagiisip lang?" Sarcastic na sabi ko sakanya.

"Ano namang yang iniisip mo aber?" Sabi ulit nya sakin.

"Iniisip ko lang si Dennise." Sagot ko sakanya.

"Sus, lagi mo namang iniisip si Besh. Wala namang bago don. HAHAHA." Pangaasar nya sakin.

"Tss. Naguguluhan lang ako. Sabi nya kanina, samahan ko daw sya sa Manila Bay like seriously? Diba ayaw nya akong makasama? Diba naiirita sya sakin? Hindi ko sya maintindihan." Sabi ko sakanya at nagpangalumbaba.

"Ayan nanaman po ang pagiging Over-Thinker ni Alyssa Valdez. Ly, alam mo wag mo na isipin yung mga ganyang bagay. Go with the flow na lang, Ang tagal mo ring hinintay yung chance na yan diba? Malay mo, ayan na yung magiging way para magawa mo yung plano mo, Grab the chance Ly, hangga't wala yung Myco-tong na yun. Balita ko 3 days sya mawawala e." Sabi nya sakin. Napaisip naman ako, tama nga sya. Baka ito na yung hinihintay ko. Oo, Hindi ganong kadali ibalik yung memory nya at hindi yung makukuha sa tatlong araw lang pero diba, atleast nasimulan ko na? Baka ito na rin yung way para maging close kami, pag naging close kami mas madali kong maipapaalala sakanya kung ano talaga kami at kung sino talaga ako sa buhay nya.

"Good Morning Class !" Pagbati ng prof namin kaya natigil yung pagiisip ko. Nagstart na yung class namin kaya nakinig na lang ako.

"Shit talaga ! Wala akong nasagot sa test kanina. Ba't kasi napaka hilig mag pasurprise test yung prof na yun." Reklamo ni Ella nung natapos na yung class namin. Kanina pa sya nagrereklamo about sa test na yun. Loko loko kasi, hindi nakinig kanina. Inaantok daw sya. Baka nagmarathon nanaman sila ni Mae ng one tree hill.

"Babe !" Speaking of Mae, ayan na sya at mukhang kanina pa hinihintay yung girlfriend nya. Napalingon naman ako kay Ella at iyon kung makangiti akala mo nanalo sa lotto parang kanina lang di maipinta yung mukha nito.

"Hi, Ate Ly. Sabay ka ba samin?" Tanong ni Mae nung nakalapit na sya samin. Sasagot na sana ako nung biglang may nagvibrate sa bulsa ko.

*bzzzt* bzzzt*

Kinuha ko naman yun at tinignan kung sino yung nagtext. Pagkita ko ay unknown number. Hmm, Sino kaya to?

From: 09*********

Meet me at Cafeteria. Now

-Dennise

Si Den? San nya naman nakuha number ko? I mean, diba nasira yung phone naming dalawa dahil sa accident. Sa pagkakaalam ko ay hindi nya alam yung number ko kasi nga hindi nya naman kinuha sakin.

"Hoy ! Sino yang nagtext sayo kung maka ngiti ka nama dyan." Pag-epal nanaman ni Ells.

"Si Den. Hindi na ako sasabay guys. Dala ko rin car ko e. Bye." Pagpaalam ko sa dalawa. Hindi ko na hinintay yung sagot nila at umalis na ako. Masamang paghintayin ang isang Dennise Lazaro.

Ano kayang nakain non at inaya ako ngayon? Bahala na, sabi nga ni Ella "Go with the flow"

Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa Cafeteria. Hinanap ko naman sya, Ayun ! Nasa isang sulok pero teka… Bakit ang daming pagkain sa table nya? Hmm. Baka may kasama kaming iba. Teka nga, makalapit na.

'till Our Infinity EndsWhere stories live. Discover now