Chapter 22; Your Ex-Girlfriend Sucks

7K 134 1
                                    

GRETCH'S POV

Naramdaman mo na ba yung ang awkward ng paligid dahil sa dalawang taong kasama mo? Well, ngayon nararamdaman ko sya.

May kung anong tension ang namumuo kay Fille at Robi. Hindi ko alam kung ako lang ba yun o talagang may something sa dalawang kasama ko? Parang galit sila sa isa't isa. Hmmm.

"Gretch, So tama ba tong sagot ko?" Sabi ni Robi kaya napatingin ako sa side nya tapos ay tinignan ko kung tama nga ang sagot nya sa assignment namin.

"Uhmm, Tama naman pero may mali sa sign. Paki check na lang ulit." Sabi ko sakanya atska ko sya nginitian. After non ay ibinalik ko yung tingin ko kay Fille na busy sa pagbabasa ng hand outs nya.

"Okay ka lang Hon?" Tanong ko sakanya kaya napatingin sya sakin.

"Yeah." Maikling sagot nya.

"May problema ba?" Tanong ko sakanya atska ko hinawakan yung kamay nya.

"Wala naman. I just don't get this." Sabi nya at may itinurong part sa hand outs nya.

"Let me see." Sabi ko sakanya atska ko binasa yung part na nahihirapan sya.

"Hmm. Hon, ganto kasi y--" Hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil biglang nagsalita si Robi.

"Gretch. Eto na o." Sabi nya atska ihinarap sa mukha ko yung ginawa nya. Tinignan ko naman yun and narining kong siniringan ako ng katabi ko.

Selos ba sya? Hmmm

ALYSSA'S POV

" Baaa, San mo gusto kumain?" Tanong ko kay Dennise habang naglalakad kami papunta sa parking.

Tinatamad pa daw kasi syang umuwi sa dorm kaya kumain na lang daw muna kami sa labas na syang ikinatuwa ko. Minsan na lang kasi kami magdinner na kaming dalawa lang. Minsan kasama yung buong team o kaya sila Ella.

"Hmmm. I want to eat Ramen Baa." Sabi nya while clasping her hands. Nagpapacute nanaman sya.

"Okay, Let's eat Ramen. Stop being so cute baa." Sabi ko sakanya atska ko ginulo yung buhok nya.

"Aisshh ! It's not my fault na cute ako atska mahirap pigilan yun 'cause it comes out naturally." Mayabang na sabi nya kaya natawa na lang. Minsan talaga ang lakas ng self-confidence nitong babae na 'to e.

"Hop in, Mi lady." Sabi ko sakanya atska ko binuksan yung pinto ng kotse ko.

"Well, Thank you Mi amor." Sabi nya with matching kindat pa.

Well, this is our own kind of flirting. Hahaha.

Nagdrive na ako malapit na Ramen House dito sa QC. After ilang minutes ay nakarating na rin kami.

"Welcome Ma'am." Bati samin nung guard.

"Thanks Kuya." Sabi ko atska ko sya nginitian tapos ay pumasok na kami sa loob.

Medyo soothing yung ambiance nitong Ramen House kaya nakakarelax sya.

After kunin ng waiter yung order namin ay nagusap lang muna kami ni Den about certain things. hahaha. Joke. Puro joke lang pinaguusapan namin.

"Osige, ito. Ano yung tawag sa patatas na pulis?" Tanong ko sakanya.

"Ano?" Tanong nya ulit sakin.

"Edi Potato Chief." Sabi ko sakanya.

"HAHAHAHAHAHA" Infairness kay Den tuwang tuwa sya kahit corny yung joke ko. Ganon talaga ata pag girlfriend/boyfriend mo responsibility na nilang tawanan yung joke mong walang kwenta. Hahaha.

'till Our Infinity EndsWhere stories live. Discover now