Chapter 14

6.5K 161 8
                                    

ALYSSA'S POV

Ang ganda ng ngiti nya, Sana ako na lang binibigyan nya ng mga ngiting yun. Ang sarap pakinggan ng tawa nya pero hindi na ako ang dahilan ng mga yun.

1 week na ang nakalipas simula nung makalabas si Dennise sa hospital, 1 week na rin akong nasasaktan at 1 week na rin akong nagkukunwaring matatag kahit na ang totoo ay unti-unti na akong pinapatay ng sakit na nararamdaman ko.

"Matunaw yan Dude." Sabi ni A sakin at inabutan ako ng gatorade. Odiba? Ayos na kami. Nasasaktan lang daw sya sa nalaman nya, nauna yung galit nya kasi ayaw nya daw na masira pa kami ni Dennise, ayaw nya na daw kasi akong bumalik sa Alyssa 2.0. Pinatawad ko na rin sya, ayoko naman na itapon yung ilang taon naming pinagsamahan.

"Sana ako na lang ulit ang rason kung bakit sya ngumingiti, Sana joke ko na lang yung tinatawanan nya." Sabi ko sakanya. Inakbayan nya naman ako.

"Bakit kasi hindi mo ipaglaban?" Sabi nya sakin.

"Ipaglaban? Pano? Wala akong laban Dude ni hindi nya nga ako kilala e, ni ayaw nya ngang akong makasama sa isang kwarto. Dude, gustong-gusto kong lumaban pero hindi ko alam kung pano." Sabi ko sakanya at pinunasan yung mga luhang kanina pa gustong tumulo.

Oo, totoo na ayaw nya akong makasama sa isang kwarto, Hindi ko alam pero nung unang uwi nya sa dorm ay nagfreak out sya nung makita nya ako. Kaya ngayon, sa sala ako natutulog papasok lang ako sa kwarto pag wala sya. Nag offer naman yung mga team mates ko na palit na lang daw kami ng room pero hindi ako pumayag. Ayoko namang makaabala sakanila. Ang init rin ng dugo nya sakin, naiirita rin sya pag malapit ako sakanya.

Nakukontento na lang ako na tinitignan sya sa malayo, binabantayan sya sa malayo at minamahal sya sa malayo. Kagaya ngayon, nasa gym kami dahil may training pero sya hindi pa sya pinayagan mag training kaya ito kasama nya si Myco at nagtatawanan sila. Hindi rin ako pinayagan nila Coach na magtraining ulit dahil sariwa pa yung sugat at tahi ko sa ulo pero dahil pinanganak akong matigas ang ulo ay wala na silang nagawa.

"Maraming paraan Alyssa kung gusto mo talaga. Ano? Hahayaan mo na lang na makita syang masaya sa taong hindi nya naman talaga mahal? Akala nya lang mahal nya kasi nakalimutan ka nya. Pano pag matagal pa bago bumalik yung alaala nya sayo? Pano pag sa sobrang bagal mo magising ka na lang isang araw na may mahal na syang iba? Oo dude, nakalimutan ka ng utak nya pero hindi ang puso nya kailangan mo lang iparamdam sakanya." Sabi nya at tinapik pa ang balikat ko.

Pano ko ipaparamdam sakanya e bantay sarado sya ng Myco na yan. Akala mo naman sya yung totoong boyfriend.

"Guys, una na ako." Sabi ko sa team mates ko after mag training.

"Aano ka?" Tanong naman ni Dude Gretch.

"Uuwi muna. Napapagod na ako e, Sige na. Bye." Sabi ko at sumakay na sa kotse ko. Uuwi muna ako, I need a break, I need to think, I need to make a move.

DENNISE'S POV

"Babe? Una na ako ha? I'll see you on Wednesday." Pagpapaalam ni Myco sakin after training, sinamahan nya lang talaga ako para may kausap ako. May business trip kasi sya sa Davao ngayon.

"Bye, Babe. Text me when you get there okay?" Sabi ko sakanya after non ay sumakay na sya sa kotse nya. Ako naman ay sumabay sa mga team mates ko.

Pansin ko ang pagkailag nila kay Myco t'wing nasa dorm sya atska parang galit sila dito and they're pushing me kay Alyssa kaya mainit ang dugo ko sakanya. Hindi ko rin alam, The moment that I saw her sa hospital parang inis talaga ako sakanya lalo na nung nalaman ko na room mate ko sya, nagfreak out talaga ako non kaya ngayon hindi na sya sa room namin natutulog ewan ko kung saan sya natutulog.

'till Our Infinity EndsWhere stories live. Discover now