Chapter 21: Three words

6.9K 138 1
                                    

DZI'S POV

"Nasan si A?" Kalmado pero kabadong tanong ko sa isang staff nila A. Lahat sila ay nagkakagulo. Anong nangyayari? Wala akong alam. Ang alam ko lang sa mga oras na 'to ay kailangan kong makita si A. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko at feeling ko ay any moment ay aatakihin na ako sa sobrang kaba. Ilang santo na rin ang natawag ako at dinasalan ko para iligtas ang taong nagbibigay ng buhay sa kin.

"Ma'am nasa rooftop. May mga police na rin po don." Sabi nung staff. Dali dali akong pumunta sa elevator at sumakay don. Tinatawag pa nga nila ako pero wala akong pakialam. Police? Bakit may police? May nakita rin akong police tape sa labas. Lord bakit ngayon pa? Bakit sa araw na 'to pa?

*ting*

Dali-dali akong lumabas nang elevator. Kaba, takot, pagalala yan ang nararamdaman ko nung inapak ko ang paa ko sa labas ng elevator. Ilang hakbang pa at nakita ko ngang may mga police na nakakalat sa paligid...

Pero imbis na baril or whatever ang hawak nila ay sky lanterns ang hawak nila... what the hell? Ayan na ba ang bagong armas ngayon? shit ! Dzi ano bang iniisip mo dyan? Ang bobo lang ! Take a deep breath, Hindi nagffunction ang utak mo pag kinakabahan ka.

So I took a deep breath and I closed my eyes to calm myself. Pero pag bukas ko ng mata ko ay nakita ko si A sa gitna ng mini stage at may hawak ng gitara? I looked around and nakita ko na sobrang ganda ng place, May table for you sa gitna, may mga petals ng roses na nakakalat. Sa gilid naman ay yung mga police na may hawak na lantern. I can't really describe the place. All I can say is para akong nasa isang fairytale sa ganda nang ayos nung place. And in that moment, nag sink-in sakin lahat ng mangyayari, She just surprised me na muntik ko na ikamatay dahil sa kaba kanina. I mentally noted na makakatikim sya sakin ng limang dagok.

"Hi, There my love. I know you're cursing me in your head dahil sa ginawa ko. I'm sorry okay, Iyon lang yung naisip kong way para papuntahin ka dito ng hindi mo nahahalata na may surprise ako sayo. Sorry din at hindi sya kasing ganda ng mga pasabog ni Alyssa para kay Den or ni Gretch para kay Fille but ito lang kasi yung kaya ko and hindi naman ako kasing creative nila. Alam ko ring tinatanong mo sa isip mo ngayon kung bakit may ganito at para saan to, Yes, napagusapan natin na hindi natin kailangan ng magarbong celebration para sa monthsary natin, hindi natin kailangang gumastos ng malaki kasi ayos na satin yung magkasama tayo. Yes, I'm happy and contented with the way we celebrated our previous monthsaries kasi ganon naman dapat diba? ang mahalaga is yung ikaw at ako, yung masaya tayo but I wanna give you more 'cause you really deserve more Dzi, you really deserve the best things and the best memories, experiences in this world. Yes, you're not asking for more but every time na kasama tayo sa pakulo nila Ly I can see na naiinggit ka, I can see in your eyes na gusto mong maexperience yun. And that's what I'm doing right now.

Dzi, Alam kong paulit-ulit ko nang sinasabi sayo 'to pero I'm so blessed and thankful 'cause I have you. Hindi ako cheesy na tao and hindi ako maalab magsalita katulad nila, You know that I sucked at saying words. I don't know if tama ba ang sasabihin ko or kung kikiligin ka ba sa mga sasabihin ko. Wala naman kasing teacher na nagturo kung paano o kung ano ang dapat sabihin, Wala namang libro yung nagturo ng tamang way para pakiligin yung taong mahal mo and wala naman ding rules para don. Shit, what the hell am I saying.. I'm really bad at this thing but for you, I'll let my heart speak not my head.

Buong buhay ko, nakadepende ako sa libro, nabuhay ako sa sarili kong mundo. I even pushed people away kasi mas okay sakin yung mga character sa loob ng isang librong binabasa ko. Comfort zone ko na ang libro. Buo na ang araw ko pag nakakapagbasa ako but then you came, You made me feel the feelings that is new to me, natakot ako, tinanong ko ang sarili ko, Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to? Yes, I loved someone before pero iba yung feeling ko nung nakita kita sa GYM non. Love at first sight? Damn! I don't even believe that pero sayo, parang maniniwala na ako. There's something magical when I'm looking at you. Lumipas ang panahon na pinipigilan ko yung nararamdaman ko para sayo kasi ayokong sumugal, ayong isugal yung kung anong meron tayo. Masaya na ako na bestfriends lang tayo pero lahat pala ng saya ko non ay isang synthetic happiness lang. I'm not really happy 'cause I wanted more Dzi. Nung time na naconvince ko na yung sarili ko na aminin sayo yung nararamdaman ko pero huli na pala lahat. Kayo na non, Sabi ko,masaya ako para sainyo, napaniwala kita na masaya ako pero hindi ko mapaniwala yung sarili ko. I've waited so much time until this time come.

'till Our Infinity EndsWhere stories live. Discover now