Chapter 24: Closing Time

6.4K 133 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

Lumipas ang 2 months na ang daming nangyari.

Nagchampion ang team sa UAAP. Mas lalong nakilala si Alyssa bilang isa sa pinaka magaling na volleyball player sa bansa. Mas dumami pa ang mga fans nya dahil na rin sa pagiging humble at down to earth na tao. Marami na rin syang guestings, tv commercials, photo shoot sa iba't ibang magazines pero nanatili pa rin sya bilang isang simpleng babae na syang nagustuhan ng mga tao.

Sa relasyon naman nila ni Dennise ay going strong pa rin naman. Iniintindi ni Den ang kasikatan na natatampo ng Girlfriend nya. Supportive Girlfriend ika nga nila. May mga times na hindi nakakarating on time si Alyssa sa date nila pero ayos lang naman kay Dennise yun dahil alam nyang busy ang girlfriend nya ngayon. Minsan ay hindi na nga sila nagkikita. Magkikita na lang sila pag sa dorm na at patulog na si Alyssa dahil sa pagod pero ni minsan hindi sya nag demand ng oras kay Alyssa. Bumabawi naman din si Alyssa pag kaya ng oras nya at sinisigurado nya na hindi nya nakakalimutan na may Girlfriend sya. Araw araw nyang tinetext si Den pag hindi sila magkasama para sabihing mag ingat ito at kumain sa tamang oras.

Kung ang ibang love team naman ang tatanungin nyo ay well, merong nagbago sa 2 months na nakalipas.

2 months na ang nakalipas simula noong naghiwalay si Dzi at A. Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi pa sila nagkakabalikan since nung incident about kay Aia. Well, ang sagot dyan ay hindi pa kasi sila naguusap. Bakit? Una, dahil hindi nagpapakita si Aia. Pangalawa, busy sila sa training at studies. Pangatlo, ayaw syang payagan ng Dudes.

Nalaman na rin ni A kung bakit naging weird ang tatlo nyang ungas na kaibigan. Wala na rin kasing nagawa yung tatlo nung nalaman nila na nagkita nga yung dalawa at nung nalaman nila na si Aia ang dahilang kung bakit naghiwalay ang ADzi at syempre nagalit ang tatlo. Naintindihan naman ni A kung bakit ganon ang reaction nung mga kaibigan nya. Nasaksihan kasi nila kung paano sirain si A nung nakaraan nya at ayaw na rin nilang maulit pa ito.

2 months na rin na awkward ang dorm dahil sa hiwalayang ADzi at sa pagkakalabuan ng FilleChen.

Sa ADzi naman ay araw araw awkward dahil aware na nga yung mga team mates nila sa hiwalayan na naganap sa dalawa.

Pag nagkakasabay ang dalawa ay hindi nila mapigilan na hindi mapatingin sa dalawa. May mga times pa nga na nahuhuli nila na kinukumutan ni Dzi si A sa madaling araw pag bumababa sila. Since kasi na naghiwalay sila ay pinakiusapan ni Dzi na kung pwede ay sa sala na muna si A matulog baka daw kasi hindi nya mapigilan ang sarili nya na makipagbalikan kay A pag nagsama sila sa iisang kwarto. Wala na ring nagawa si A kundi pumayag dahil iyon amg gusto ng mahal nya. Araw araw ay torture kay A at Dzi ang nangyari.

Mayroong umaga na gigising si Dzi na hinahanap nya si A sa pagdilat ng mga mata nya. May times pa din na araw araw nyang ipagtitimpla si A ng gatas tuwing umaga tapos ay bigla nyang maaalala na wala na nga pala sila kay binibigay nya na lamang ito kay Ella na sya namang ikinatuwa ni Donya Ells.

Sa side naman ni A ay araw araw nya pa ring hinihintay na matapos ang klase ni Dzi pero nasa malayong lugar lang sya nakatanaw. Araw araw nya ring nilalagyan ng sandwich o kaya naman skyflakes ang bag ni Dzi para hindi ito magutom sa gitna ng klase. Hindi rin sila naguusap na dalawa pwera na lang kung importante ito. Kung maaari ay iniiwasan talaga nila ang isa't isa dahil alam nila sa sarili nila na once na nagkaroon ng chance na makapag usap silang dalawa nang sila lamang ay alam nilang hindi nila matitiis ang isa't isa.

Gusto na rin naman ni Dzi na makipagbalikan kay A pero dahil nga hindi pa ayos ang issue ni A tungkol sa past nya ay nagtitiis na lang sya sa ganito. Alam naman nila na miss na miss na nila ang isa't isa.

Sa side naman ng FilleChen ay napapadalas ang away ni Fille at Gretch. Sa anong dahilan? Well, dahil lang naman kay Robi. Gusto kasi ng Papa ni Gretch na mapalapit sila sa isa't isa. Mag business partners kasi ang mga magulang nila at parehas silang may dugong chinese. Tanggap naman ng Papa ni Gretch ang relationship nila ni Fille at parang anak na nga rin ang turing nya kay Fille. Sadyang epal lang talaga ang magulang ni Robi na nagsusulsol sa Papa ni Gretch na paglapitin ang loob ng dalawa kahit magkaibigan lang daw. Nalaman kasi ng parents ni Robi may gusto ang lalaki kay Gretch. Simula non ay lagi na silang magkasama. Kasama rin naman si Fille pero naiinis sya minsan pag napaguusapan na ang about sa culture ng mga chinese na wala syang kaalam alam. Naiinis sya kasi nagmumukha syang tanga pag hindi sya nakakarelate sa kanila.

'till Our Infinity EndsKde žijí příběhy. Začni objevovat