Chapter 20: Unexpected proposal

7.2K 145 6
                                    

DZI'S POV

After training ay diretso na agad ako sa class ko dahil may test nga pala kami. Isasantabi ko muna yung pagiisip kay A. Hindi pa naman natatapos yung araw e, baka mamaya ay maalala nya kung anong meron ngayon.

"Dzi, Okay ka lang ba?" Tanong nung seatmate ko.

"Oo naman." Sagot ko sakanya at pilit ko syang nginitian.

Hayy. Teka nga, alam kong nagtataka o gusto nyo malaman kung pano nga ba kami naging official ni A. Hmm, Kasi ganto yan...

FLASHBACK

After nung accident ng mga Dudes ay pinahanap na ng mga magulang namin sila Jeriel at Lino. Hindi talaga ako makapaniwala na pati mga babae ay papatulan nila. Sarap banatan diba?

"Ang lalim naman ng iniisip ng nurse ko." Sabi ni A. Yas, since nakalabas sya ng Hospital ay ako na yung nagalaga sakanya. Nung una ay ayaw nya pero nung pinandilatan ko na sya ng mata ay pumayag na rin sya.

Bakit ko nga ba 'to ginagawa? Hmm, Una, kasi feeling ko ako yung may kasalanan kung bakit sila nabugbog, Second, kasi gusto ko and Third, kasi mahal ko sya. Since umamin sya ay hindi naman namin napagusapan yung tungkol don dahil ayaw nya pag usapan. Natatakot daw sya na baka mareject ko sya o iturn down ko sya.

Pero since that day ay nagpapadala na sya ng mga roses, chocolates, sinusulatan nya na rin ako ng mga tula and naging extra sweet sya. Hindi ko alam kung panliligaw na yun kasi hindi naman nya ako tinanong atska wala syang direct na sinabi na liligawan nya na ako. Hello, ayoko magassume noh baka kasi bumabawi lang sya or what.

"He, Inumin mo na nga 'to." Sabi ko sakanya atska isinubo yung gamot nya.

"Sungit..." Mahinang bulong nya kaya pinandilatan ko sya ng mata kaya nagpeace sign lang sya sakin.

"Ay A, aalis pala ako mamaya." Sabi ko sakanya. May bibilin kasi ako sa National bookstore. May release na daw kasing bagong book yung favorite kong Author, Si Colleen Hoover.

"Aano ka?" Tanong nya sakin with matching sad tone pa.

"Sa Mall lang, may bibilin kasi ako." Sabi ko sakanya.

"Samahan na kita? Maraming tao ngayon sa Mall, Payday kaya." Sabi nya sakin. Tama nga sya pay day ngayon at malamang ay marami talagang tao which is ayaw nya kasi nahihilo talaga sya pag crowded yung pupuntahan.

"Ikaw na rin ang nagsabi na maraming tao ngayon kaya ako na lang baka mahilo ka pa e." Sabi ko sakanya.

"Eh, Kaya ko naman yun. Gusto ko kasi masiguradong safe ka makakapunta don at makakabalik dito." Sabi nya sakin. Enebe eng sweeet nya. Hahaha.

"Hay, may magagawa pa ba ako? Sige na, magpalit ka muna don. Ililigpit ko lang to." Sabi ko sakanya.

"Yes ! Hahaha. Sige." Sabi nya at umakyat na. Hindi naman halatang tuwang tuwa sya diba? Minsan talaga may pagka childish yan pero mas madalas seryoso sya.

Nung unang pagkita ko kay A nun. Summer yun, Pinapunta na kami dito sa Ateneo para magtraining. Unang impression ko kay A is suplado atska may attitude. Pano lahat nung kumausap sakanya. Tango o kaya one word lang yung sagot nya. Hindi sya palasalita, Mas gusto nyang magbasa ng libro kesa makipag usap sa mga tao. Misteryoso, yan yung impression naming lahat.

Pano nga ba kami naging close? Hmm. Isang gabi yun. Naglalakad ako non pauwi galing 7/11. Malapit lang naman kaya hindi na ako sumakay sa trike. Wala pa kasi akong sasakyan non. So yun nga, Naglalakad ako pauwi and medyo madilim non. Tapos ay may dumaang dalawang lasing na lalaki at hinawakan ako sa braso. Pinipilit nila akong halikan at molestiyahin. Akala ko nung mga oras na yun ay mararape na ako. Takot na takot ako non tapos ay biglang dumating si A sakay nung isang motor at pinagbubugbog nya yung mga lalaki hanggang sa hindi na sila gumagalaw. Yung gabing yun ay natuklasan ko na isa syang mabait na tao,matulungin at may puso rin sya. Since nung araw na yun ay hindi na sya umalis sa tabi. Hatid sundo nya na rin ako kahit saan sya pumunta.

'till Our Infinity EndsWhere stories live. Discover now