"Good morning classmates. My name's Janella De Lacosta. I'm fifteen years old. It's a great pleasure for me to see you all." pagpapakilala niya.
Si Janella pala yun? So magkaibigan pala sila Nerd Girl? Jusko, tama sana ang hinala ko ngayon.
"Good Morning Ms. De Lacosta." nilapitan siya ni Ma'am na may hawak na box. "You know what to do next, right?"
Nginitian nalang niya ang adviser at bumunot na rin ng papel sa kahon kagaya ng ginawa ni Nerd Girl. kanina.
"The question for you is," ibinuklat na ni Ma'am Jean ang papel na nabunot ni Janella at binasa ang tanong dito. "What course will you apply after you graduate highschool?"
"Hmm, since I was a little girl, I always wanted to be one of the scientists here in the Philippines." panimula niya. "And I also wanted to be with my bestfriend, who also dreamed of being a scientist." sabay tingin kay Frances.
Tama nga ako ng hinala. Bukod pa sa matalino tong nakilala ko kanina sa baba, ay magbestfriend pa sila nito ni Nerd Girl.
Maya-maya ay nakarinig ako ng bulong mula sa katabi ko, sino pa ba? Edi si Steff. "Edi sila na matalino, tae."
"Psst! baka marinig ka ng iba diyan." bulong ko sa kaniya.
Totoo naman diba? Baka mamaya, maging masama pa yung tingin ng iba dito kay Steff. Ayoko nun! Kahit na baliw yan, ayoko na masira ang tingin ng iba sa kaniya! Joke lang!
Dumaan na ang karamihan sa mga estudyante. Nang mga limang estudyante nalang ang magpapakilala, ay nakaramdam na talaga ako ng kaba! Lalabas na talaga tong puso ko sa dibdib ko!
Habang nakikinig ako sa mga estudyanteng nagiintroduce, napansin ko na may apat na lalaking lumilingon sa direksyon ni ko. Well, nasa harapan ko lang kase sila. They're also at the left side of the room, but 2nd row. Nagtatawanan sila maliban sa isang lalaking binubulungan nila, aba manyak tong mga toh ha! Tss, bat ko ba inaalala to? Makikinig nalang muna ako!
***
At nang ilang segundo nalang ang natitira para sa 'turn' ko, biglang dahan-dahang bumukas ang pintuan sa harapan ng kwarto. Nanatiling tahimik ang lahat at napatingin doon sa may pintuan.
"Good Morning Ma'am Lopez, I'm sorry I'm late. May I come in?" si Chean, the SPG President. Nakita ko rin kase siya kanina sa school ground, ang daming inaasikaso kaya di ko nalang muna nilapitan at kinausap.
"Sure Ms. Dacera. I understand. Please go find yourself a seat."
"Okay Ma'am, Thank you." nagikot ikot ang ulo ni Chean para maghanap ng mauupuan. So far, may nakita na siyang upuan pero sa kasamaang palad, sa corner ng kwarto siya nakahanap ng upuan.
Marami rin kase kami dito ngayon eh. Less than fifty but more than forty students ang nasa kwarto ngayon.
"You may now continue." Miss Jean ordered to the student standing infront.
"Good Morning Everyone. I'm Justin Aguas , sixteen years old."
Maya-maya ay nagsihiyawan na ang mga apat na lalaki na kanina pang lumilingon sa amin banda. Wala akong idea kung bakit sila naghihiyawan. Di ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pakikinig sa estudyante sa harapan.
"Nice one bro!" guy classmate #1
"Yeah! Nakilala ka na rin niya!" guy classmate #2
And somehow, I find that guy cute. Pointy nose, soft skin, well-combed hair, charming smile and tall, the guy standards that I find attractive. Jusko! Akin ka nalang!
"Bro! Tininignan ka niya ngayon!" guy classmate #3
Sa gulat ko ay napatingin ako sa lalaking sumigaw nun, Alexander ata yung name nun? Tapos na siya magpakilala kaya alam ko yung name.
Nginitian nalang ni Justin si Alexander pati ang mga kabarkada niya at iniling-iling na lang ang kaniya ulo. Maya-maya, bumunot na rin siya sa loob ng kahon.
Matapos niya ito ibigay kay Ma'am Jean para basahin ang tanong ay biglang napangiti si Ma'am at parang malapit na matawa. I wonder why.
"The question is," bigla niyang tiningnan si Justin at ngumingisi.
Nang matapos na basahin ni Ma'am Jean, ay nanlaki ang mukha ni Justin at kita ko ngayon sa mukha ang pagkakabigla at gulat. At heto pa haa, namumula siya!
Ang cute niyaaa! Please be mine! *kilig kilig*
+++++++++++++++
AUTHOR'S NOTE:
*~ Ano kaya sa tingin niyo ang tinanong ni Ma'am Jean at nagkaroon ng pamumula sa mukha ni Justin? At sino naman kaya itong Justin na ito?
*~ And what do you think about the two nerd girls? Their name actually came from my friends', they gave me an idea.
- Just Comment below!
Sorry na rin pala kung may konting naedit dito sa chap, pabago-bago isip ko eh.
Thank you all and be ready for the next UD! Happy Reading Everyone! ^_^
YOU ARE READING
The Only Exception
Teen FictionJamie Allison, a typical highschool student whose surprisingly left by special someone in her life three years ago. She shed tears, became depressed and cried like a little girl she was before. But after years of coping up with the help of her loyal...
Exception ♥ 5 - The Introduction
Start from the beginning
