Chapter TwentyNine - Truth

4.8K 142 8
                                    

Note: Hi guys! Ito po yung continuation ng Chapter TwentyEight. Basa na! Lols

James POV

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, bakit nandito yung picture ni... Taylor?! Bakit nakalagay sa picture frame yung picture nya at take note ang dami nya pang picture na nakaframe at nakasabit pa.

"Sino po 'to?" Tanong ko sabay hawak sa picture frame na may picture ni Taylor.

Kumunot-noo ang nanay ni Johnny. Tila para bang hindi nya alam ang sinasabi ko.

"Hah?" Imbes na sagutin nya ang tanong ko ay tinanong nya ko.

"Sino po 'to?" Tanong ko.

Nagsisimula nanamang gumulo ang isip ko. Ang daming tanong na bumubuo sa utak ko!

Kung bakit nandito ang litrato ni Taylor? Siguro...kapatid ni Taylor si Johnny at kaya siguro inapi-api ako no Taylor noon para gantihan nya ko, siguro sinabi ni Johnny kay Taylor na gantihan ako pero paano naman magiging ate ni Johnny si Taylor eh sa pagkaka-alam ko wala namang kapatid si Johnny.

"Si Taylor, akala ko ba kaklase mo sya?" Sagot ng nanay ni Johnny. Oo, alam kong si Taylor pero bakit nandito ang litrato nya? Hindi ko na papahabain 'to! Gusto ko ng malaman ang totoo.

"Eh nasan po si Johnny?" Tanong ko ulit. Halatang nagulat ang nanay ni Johnny pero bakit nya naman 'to ikakagulat?

"Si Johnny at si Taylor ay iisa at.-" hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil halatang nagulat sya sa sinabi at tinakpan nya ng kamay nga ang bibig nya. Yung tipong parang nadulas sya sa sinabi nya.

Dali-dali akong lumabas, bigla nalang akong naiyak. Ang bestfriend kong si Johnny ay si..si...Taylor. Maling mali na ako, gusto kong patawarin ako ni Johnny sa lahat ng nagawa ko sa kanyang mali pero anong ginagawa ko?! Ginagantihan ko pa sya. Hindi ko alam na si Taylor at Johnny ay iisa! Hindi ko alam.

Siguro nga, kailangan ko ng ihinto ang paghihiganting 'to. Kailangan kong humingi ng tawad kay Taylor at kailan nya din malaman na ako si James.

Dali-dali akong tumakbo papuntang bahay. Kung kanina ay hindi mabilis ang takbo dahil nga nagjo-jogging ako pero ngayon ay mabilis na.

Lisa's POV

Napatakip ako ng bibig ng bigla kong nasabi ang sikreto ng anak kong si Johnny sa kaklase nyang babae.

Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman ng anak kong si Johnny na nasabi ko sa kaklase nya ang sikreto nya. Hindi ko naman sinasandya yon at talagang nadulas ang dila ko.

Hindi ko rin maintindihan sa babaeng yon kung bakit ganon nalang ang pagkagulat nya ng malaman nyang si Johnny at Taylor ay iisa at hindi ko rin alam kung bakit nya kilala si Johnny.

James POV

Nang makarating ako sa bahay, umakyat agad ako sa taas at pumunta sa kwarto. Nagbihis ako, nagsuot ako ng red dress.

Pero bago ako bumaba, tinawagan ko muna si Taylor este Johnny para alamin kung nasaan sya.

Taylor's POV

Nandito ako sa condo ni Spencer. Wala dito si Spencer dahil sabi nya may bibilhin lang daw sya at babalik daw sya dito pag nabili nya na yung bibilhin nya.

Biglang nagring yung phone, tinignan ko kung sino ang tumatawag,

Steph is calling...

Oh! Bakit naman kaya ako tinatawagan ng bruhang 'to? Sigurado akong mang-iinis nanaman 'to! Syempre hindi ako papayag, ayokong masira ang araw ko na'to ng dahil lang sa kanya. Monday to Friday na nga kaming nag-aaway, pati ba naman Saturday bwi-bwisiten nya 'ko. No way! Hindi ko sya sinagot.

Revenge ni Beki (Complete)Where stories live. Discover now