Chapter TwentyFour - Ligaw

4.9K 145 6
                                    

Spencer's POV

Paano 'to?

Hindi nanamin alam kung nasaan kami. Ang nakikita lang namin sa lugar na ito ay mga puno at halaman. Mukhang nasa loob kami ng gubat, patay.

"Nasaan na tayo Spencer?! Natatakot ako!" Sabi ni Steph na halatang takot na takot nga.

"Wag kang mag-alala kasama mo naman ako" sabi ko naman.

Nakahinga naman sya ng maluwag at medyo nawala ang pagkatakot nya.
Bigla nalang may umungol na parang isang oso kaya naman nagulat si Steph at napayakap sa'kin.

"Spencer!!" Nanginginig na sabi ni Steph. Muling bumalik ang takot nya dahil sa ungol na yon.

Pinaandar ko lang ang kotse ng bigla itong huminto. Kaya naman nainis ako lalo! Anong nagyari bakit biglang huminto ang kotse ko?

"Dito ka lang at lalabas ako. Titignan ko kung bakit huminto yung kotse hah" sabi ko.

Tumango nalang sya. Binuksan ko na ang pinto at pumunta ako sa likod ng kotse, nakita ko na naflat yung gulong ng kotse dahil may nagulungan itong isang matulis na bagay.

Paano 'to? Bwiset! Paano na kami makakaalis dito? Nag-isip ako ng paraan kung paano kami makakaalis dito. Nang makaisip na ako, agad ko tong sinabi kay Steph.

"Wag kang lalabas ha at maghahanap lang ako ng daanan papalabas ng gubat o kaya maghahanap ako ng tao dito na pwede tayong tulungan. Baka kasi may nagiikot dito" sabi ko kay Steph.

"Ayokong maiwan dito Spencer, sasama nalang ako sayo" sabi nya sabay labas ng kotse.

"Pero Steph, masyadong delikado!"

"Please! Isama mo na ako" pagpupumilit nya.

Mukhang mas ligtas nga sya kung isasama ko nalang sya. Baka kasi kapag naiwan sya dito, lumabas sya ng hindi ko alam at baka maligaw sya.

"Sige pero sa isang kondisyon, dito ka lang sa likod ko" pagsang-ayon ko.

Nagsimula na kaming maglakad at maghanap. Lumipas ang isang oras pero wala pa rin kaming nahahanap.

Putek! Saan ba ang labasan ng gubat na ito?

Malamig dito sa loob ng gubat. Marahil ay madaling araw na. Napatakbo kami sa ilalim ng puno na nakita namin ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman mas lalong lumamig.

Umupo kaming pareho sa ilalim ng puno. Hindi ko na alam ang gagawin ko?! Nakakainis!! Ang malas ng araw na'to!

"Spencer, nilalamig ako!" Nanginginig na sabi ni Steph sa'kin. Nakita kong nanginginig sya dahil sa lamig. Basang basa pa sya ng ulan.

Patay! Wala akong jacket na dala! Kahit naiilang ako, yinakap ko sya at inilagay ang ulo nya sa loob ng braso ko para mawala ang konting ginaw nya.

Nabigla ako ng bigla nya rin akong yakapin kaya ang kinalabasan ay nagyayakapan kaming dalawa. Hinayaan ko nalang na yakapin nya ako.

"Spencer, salamat sayo kahit masama ang ugali ko hindi mo ako pinabayaan" mahinang sabi nya.

Sa totoo lang, hindi naman talaga sya masama. Akala ko rin noon masama ang ugali nya dahil sa pinapakita nyang kilos kay Taylor pero ng makasama ko sya nakita ko ang totoong ugali nya. Mabait pala sya.

"Okay lang. Ganito lang talaga ako sa mga babae" ang tangi kong nasabi na mahina rin.

Tumingin sya sa'kin at ngumiti. Tinignan ko rin sya, tinignan ko ang mata nya. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang mata ni James, magkaparehas silang mata.

Nagulat ako sa kanyang ginawa ng bigla nyang hawakan ang ulo ko at hinimas himas nya ang pisngi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng ginawa nya yon, inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at bigla bigla nya nalang akong hinalikan.

Naramdaman ko ang labi ni Steph, malambot ito. Linabanan ko ang kanyang mag halik pero bigla nalang pumasok sa utak ko si Taylor, ang girlfriend ko.

Kumalas ako sa pagkakahalik at halatang nagulat sya.
"Mali ang ginagawa natin Steph" ang tangi kong nasabi.

"Sorry" yumuko sya at halatang nalungkot.

Makalipas ang isang oras, nakatulog na ako. Nakatulog na rin si Steph sa dibdib ko habang nakayakap sa'kin.

Nagising nalang ako bigla, pagbukas ko ng mata ko ay agad akong nasinag sa liwanag ng araw. Umaga na, pwede na kaming maghanap.

Ginising ko na sya at pagkagising nya ay dali dali syang tumayo, halatang gusto nya ng umuwi. Tumayo na rin ako.

Habang naglalakad at naghahanap kami, may nadaanan kaming isang lalakeng sa tingin ko ay may edad na dahil sa itsura nya at may dala syang box.

Sya na siguro ang tutulong sa amin para makabalik na sa Hotel at Manila.
"Pwede nyo po ba kaming tulungan?" Tanong ko. Tumango si Manong.

"Nawawala po kasi kami at hindi namin alam kung nasaan na kami. At bukod pa po don, naflat din po ang kotse na sinasakyan namin." Sabi ni Steph.

"Ah ganon o sige dalhin nyo ko sa kotse nyo at ako na ang gagawa ng kotse nyo. Mekaniko kasi ako" nasayahan kami sa sinabi ni Manong.

Yes! Buti nalang at mabait tong nahingian namin ng tulong. Dinala namin sya sa may kotse namin at pagdating doon ay binuksan nya ang dala nyang box, ang laman pala ng box na yon ay mga gamit nya sa pagmemekaniko.

Nang naayos na ni Manong ang gulong ng kotse ko, binayaran namin sya ng three hundred pesos. Itinuro nya ang daan papalabas ng gubat at papunta sa Hotel namin, alam nya din ang papunta sa Hotel na pinagis-stayan namin dahil matagal na daw syang nandito sa Vigan at kabisado nya na ang mga lugar at daan dito.

Nang makalabas kami ng gubat ay agad kaming nagtungo sa Hotel.

Laking tuwa namin ng makabalik na kami sa Hotel. At napagdesisyunan namin na babalik na kami sa Manila para puntahan na ang iba pang pinaproject samin ng prof namin.

Nang mapuntahan nanamin ang lahat ng pinaresearch ng Prof namin, inihatid ko na si Steph sa bahay nila at pagkatapos non ay umuwi na rin ako.

Pagdating ko sa bahay ay pumasok agad ako sa kwarto ko at nagpalit ako ng damit. Biglang nagring ang phone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Girlfriend is calling...

"Hello"

[Nasaan ka na? Nakauwi ka na ba?]

"Oo nakauwi na ako."

[Oh anong nangyari? May ginawa ba sayo yang Steph na yan?]

Bigla kong naalala ang ginawa ni Steph sa akin kagabi, yung hinalikan nya ako. Mas mabuting wag ko nalang sabihan kay Taylor yon dahil baka magkagulo pa. Papanatilihin ko munang sikreto ang nangyaring yon.

"Wala naman" pagsisinungaling ko.

[okay. Punta ko dyan!]

"Ah wag na lang Taylor, matutulog kasi ako at magpapahinga. Bukas nalang tayo magkita sa school. Bye love you"

[Okay. Magpahinga ka muna, love you too]

Ibinaba ko na ang tawag at inilagay ko yung phone ko sa ilalim ng unan ko. Humiga na ako at pumikit at nagsimulang matulog.

Note: Hello guys! Oy sorry kung may konting SPG 'to ah. Pero atleast nagud ako! HAHAHA!! Keep reading and supporting. Muah!

Twitter: edrianxkathniel

Revenge ni Beki (Complete)Where stories live. Discover now