Chapter Sixteen - Party

5.1K 166 16
                                    

Note: Hey what's up! ready ka na ba? kung ready ka na!! sige magbasa ka na hahahaha.


James POV


Nandito ako ngayon sa baba ng bahay. Nanonood ako ng TV, wala pa rin si Mama. Hinihintay ko nalang mag10pm ng gabi para pumunta na sa Party sa bahay nila Taylor. May kumatok sa pinto kaya naman tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang pinto. 


Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang isang lalakeng may hawak na isang box. May hawak hawak syang box na mahaba, i dont know kung ano 'to. 


"Ikaw po ba si Mr. Lopez?" tanong nya sa'kin. Tumango naman ako, may inabot sya sa aking papel at sinabi nya na pirmahan ko daw iyon, pagkatapos kong pirmahan yung papel ay inabot nya na sa akin yung box. Sino naman kaya ang nagbigay nito? Baka si Mama, baka ito na yung suprise nya sa'kin.


Sinarado ko na yung pinto dahil umalis na yung lalake at inilapag ko yung box na ibinigay sa akin sa ibabaw ng lamesa. Binuksan ko na 'iyon, nagtaka ako bigla ng makita ko yung laman ng box. Isang costume ni Barney!? Yes, costume sya na barney.


Ano naman ang gagawin ko dito? May nakita akong papel. Kinuha ko yung papel at may nakasulat doon. Binasa ko yung nakasulat sa papel. 


'Babe, ito ang isuot mo dahil costume party daw ang party na 'yon. Barney ang pinasuot ko sa'yo dahil barney rin ang isu-suot ko, para couple tayo diba? Ang sweet ko ba? Baka langgamin ka na. Kaya nga pala Barney ang napili ko dahil sabi nya "I love you and you love me" hahahaha. Corny ko nanaman ba? Sorry na. Sige na! Kitakits, muah.' 


Hay, ang sweet naman ni Spencer. Kaya nya pala ako pinadalan ng costume na barney dahil barney din ang costume na susuotin nya, para COUPLE kami. Ang sweet sweet nya talaga! Grabe. Baka nga langgamin ako dito. 


***


Nandito na ako sa tapat ng bahay ni Taylor. Halatang maraming pupuntang tao dahil maraming pumapasok. Parang parehas lang ng laki yung bahay namin sa bahay nila. Bago ako pumasok, isinuot ko na yung costume ko na Barney.


Pagpasok ko, nagtaka ako dahil tanging ako lang ang pumuntang naka-costume, baka naman hindi talaga costume party 'to! baka gusto lang ni Spencer na parehas kami ng suot para couple kami. Hay nako!


Nakarinig ako ng mga tawa galing sa mga tao dito, ayan nanaman inaapi nanaman nila ako. 


"Look, diba sya yung ultimate ugly gay sa school? hahaha hanggang dito ultimate ugly gay pa rin sya?"


"Grabe. Bakit sya nakacostume? Costume Party ba 'to?"


"Hindi lang pala sya panget, isip bata rin sya." 


Yan yung mga naririnig ko galing sa bibig ng mga demonyong mapanglait na estudyante dito. Bawat lakad ko may magtatawanan. Nasaan na ba kasi si Spencer!? Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makita ko si Spencer at Taylor na..na...


Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko dahil sa nakita ko, ito ba ang dapat kong malaman? Na magjowa si Spencer at Taylor. Nakita ko kasi silang naghahalikan, naramdaman kong basa na ang pisngi ko dahil sa mga luha na galing sa mata ko.

Revenge ni Beki (Complete)Where stories live. Discover now