Chapter Eight - ON

4.4K 165 3
                                    

Chapter Eight – ON


James POV


Nagising nalang ako ng may biglang may umupo sa tabi ko. Sa una, hindi ko maaninag kung sino yon pero habang nagtatagal nakita ko na rin kung sino. Teka? Anong ginagawa ni..


"Anong ginagawa mo dito Spencer?" tanong ko. Tumingin sya sa akin.


"Sinunsundo kita. Sabi ko sayo gumising ka ng umaga!" sagot nya. Bigla ko nalang naalala na tinawagan nya pala ako kagabi. Tinignan ko yung orasan ko na nakapatong sa mini table na katabi ng kama ko. Nagulat ako ng makita kong 5:40am na.


Tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni Spencer yung braso ko kaya napaupo ako sa kama. Napakunot noo naman ako, hindi ko alam kung bakit nya ako pinigilan.


"May pasok pa tayo. Late na nga tayo eh" sabi ko.


"Mamayang recess nalang tayo pumasok." Sabi nya naman. Nagulat ako at nagtaka, anong mamayang recess? Baka mapagalitan ako ng teacher ko at ibaksak na ako sa lahat ng subject imbes na sa Araling Panlipunan lang.


"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.


"Mamasyal tayo at wag kang mag-alala, hindi ka papagalitan ng teacher mo! Ako ang bahala baka nakakalimutan mo, ako ang President ng school." Sagot nya.


Meron din palang tinatagong kalokohan 'tong si Spencer akala ko inosente. Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nya at nakahinga ako ng maluwag. Parang sinasabi ng utak ko na 'Wag kang sumama dyan, pumasok ka nalang. Mas importante ang pag-aaral kaysa lumandi. Aral muna bago Landi' pero sinasabi naman ng puso ko ay 'Sumama ka na dyan kay Spencer, gusto mo rin namang sumama sa kanya eh! Pagkakataon mon a 'to.' May point naman yung utak ko pero iba talaga yung sinasabi ng puso eh, kaya puso ang papakinggan ko.


"Fine." Maikling sabi ko sabay ngiti.


"Maligo ka na at bilisan mo dahil naghihintay ako." Walang gana nyang utos. Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa kama at kinuha ko yung towel na nakahanger at pumasok agad sa CR.


Pagpasok ko ay agad akong naghubad, habang nagsha-shampoo ako ng buhok ko ay napapakanta ako ng Love Yourself. Syempre kailangan kong magpapansin kay Spencer dahil alam kong naririnig nya ang boses ko. Maganda ang boses ko kaya hindi ako nahihiyang iparinig sa iba 'to.


"My mama don't like you and she likes everyone.." patuloy lang ako sa pagkanta.


Pagkalabas ko ng banyo ay nandoon pa rin sya at nakaupo sa kama habang nakatingin sa baba. Nang naramdaman nyang lumabas na ako ng banyo ay agad syang tumingala at tumingin sa akin. Paano ako magbibihis kung nandyan sya? Papalabasin ko muna sya ng kwarto.


Tinaas ko ang dalawa kong kilay, nagtaka naman sya sa ginawa ko.


"Baket?" tanong nya.


"Magbibihis muna ko Spencer pwede bang lumabas ka muna." Sagot ko.

Revenge ni Beki (Complete)Where stories live. Discover now