Chapter Eighteen - Plan

5.8K 173 9
                                    

Note: Hello guys, dito nyo malalaman sa chapter nato kung ano ang magiging plano nila. Enjoy reading!

James POV

Nandito kami ngayon ni Ate sa loob ng kwarto, nag-uusap kami tungkol sa paghihiganting gagawin namin. Mukhang excite na excite sya pero ako? Hindi. Hindi ako nae-excited, sa totoo lang kanina pa ako nakatingin sa malayo at hindi nakikinig sa kanya. Kung ano ano ang sinasabi nya pero kahit isa hindi ko alam kung ano yon dahil hindi naman ako nakikinig.

"Hoy!! Nakikinig ka ba sa'kin?" bumalik ko sa realidad dahil sa pagtawag nya sa'kin.

"Ah, ang totoo hindi eh" sagot ko.

"Arrghh..!!" sabi nya na mukhang inis na inis nga. Hayaan mo nga syang mainis dyan, sya naman ang may gusto at pakana nito.

"Ano ba ang plano?" tanong ko. Nagdecide na ako na alamin ang plano namin, napagisip isip ko kasi na para rin naman ito sakin.

"Ang plano natin ay ang paghiwalayin silang dalawa. Balita ko kasi masayang masaya raw silang dalawa, papayag ka ba non? Sila masaya habang ikaw nagluluksa dyan? Hindi diba. Kaya ang gagawin natin, ibabalik natin sa kanila ang lahat ng sakit na ginawa nila sayo. Sinabi mong niloko ka nilang dalawa diba? Eh di lolokohin din natin sila. Ang gagawin mo ay aagawin mo si Spencer kay Taylor at paglalaruan mo si Spencer at guguluhin naman natin ang buhay ni Taylor! Hanggang sa mapaluhod natin sila sa harapan mo at manghingi ng tawad. Diba napakasimple lang, pero make sure na wag na wag kang mahuholog kay Spencer dahil kapag nangyari yon, aba matakot ka na dahil MATATALO KA!" sabi nya ng pagkahaba-haba at idiniin talaga ang huling salita.

So, yon pala ang plano. Medyo mahirap hirap din dahil hindi ko alam kung kaya ko silang paluhudin sa harap ko. Natakot din ako dahil baka nga mafall ulit ako kay Spencer. Nako! Ngiti palang naman non nakakahulog na. Shems!

"Ah..so kailan tayo magsisimula?" tanong ko.

"Sa pasukan." Maikli nyang sagot. Mukhang may magandang mangyayari ah.. Mukhang nae-excite na rin ako sa gagawin naming ito.

"Oh sige na may pupuntahan pa ako, kukunin na natin yung passport natin papuntang thailand dahil doon ka magpapatrans." Sabi nya.

Oh! Oo nga pala, kailangan ko nga palang magpa-palit ng kasarian. Kahit labag ito sa utos ng dyos ay gagawin ko ito dahil kailangan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nakamit namin ang aming hinihingi, ang makitang umiiyak at nagmamakaawa habang nakaluhod sa harap ko lang naman si Taylor at Spencer ang gusto namin eh. Hindi ko alam kung pagtapos ba ng paghihiganti namin ay liligaya kami? Ewan ko.

***

Lumipas ang isang buwan, marami na rin akong natutunan sa ate kong 'to. Tinuruan nya ako kung paano magmaldita sa mga paghihigantihan ko. Medyo natututo na ako, tinuturuan nya rin akong manampal. Pinapasample nya ako ng sampal ko sa binili nyang manikin.

Ngayon pala ang alis namin. Kinakabahan na ako dahil ngayon ang punta namin sa thailand, hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag magpapaopera na ako, kung mahihinatay ba ako kapag nandon na ako. Shet!

Isang buwan nalang pasukan na. Magsisimula na akong maghiganti. Unti unti ko na rin nakakalimutan si Spencer at nawawala na ang feelings ko sa kanya. Siguro dahil iyon sa hindi na kami nagkikita. Kamusta na kaya sya? Ang pagkakaalam ko lang kasi sa kanya eh okay na okay sya dahil masaya ang relasyon nila ni Taylor, tsk humanda sila pagbalik ko.

May kumatok sa pinto, agad ko namang binuksan ang pinto at bumungad sa'kin si ate.

"Oh ready ka na ba?" tanong nya sakin habang hila hila nya yung maleta nya. Tumango nalang ako at hinila na rin ang maleta ko na may lamang gamit.

Pagbaba namin ay sinalubong kami ni Mama. Kita sa mata ni mama ang lungkot dahil mawawala kami ng matagal. Gusto namin syang isama ni ate kaso kulang sa budget eh, sa airplaine palang.

"Oh, mga anak mag-ingat kayo!" sabi nya na may halong pag-aalala.

"Opo ma" sagot namin.

"Oh sige umalis na kayo at baka mahuli pa kayo sa flight nyo." sabi ni mama.

Lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa Airport.

Spencer's POV

1 month na ang nakakaraan pero hindi ko pa rin makalimutan ang mga masasakit na ginawa ko kay James. Ayaw ko naman talagang gawin sa kanya yon pero alang-alang kay Taylor, gagawin ko yon kasi mahal ko sya. Hindi ko ginusto yon, nagtataka nga ako kung bakit si James pa ang naisipang lokohin ni Taylor eh, marami namang iba dyan. May nagawa bang masama si James kay Taylor?

Nandito kami ngayon ni Taylor sa Thailand. Ito ang pinili napili naming bakasyunan. Maganda raw kasi dito, hindi naman ako nagsisisi dahil maganda naman talaga. Masaya ang relasyon namin ni Taylor, masaya kaming dalawa. Mahal namin ang isa't isa.

Isang buwan ko na ring hindi nakikita si James, wala nga akong balita sa kanya eh. Kamusta kaya sya? Alam ko sa sarili ko na mayroong kaunting nabuong feelings ako sa kanya.

Naglalakad kami ngayon dito, hindi ko alam kung saan 'to pero alam kong nasa bangkok kami. Ang daming street food na mabibili at makikita dito at ang dami pang tao. Parang pilipinas lang, marami na rin kaming napuntahan dito.

Hil-hila ko ang kamay ni Taylor habang naglalakad kami. Tumingin-tingin ako sa paligid, nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko. Namamalikmata ba ako? Pinikit-pikit ko ng ilang ulit ang mata ko. Totoo nga, pero anong ginagawa nya dito?! Sya ba talaga yon?

Nakita ko kasi si James na may kasamang babae habang tumitingin-tingin sa mga street foods. Hindi ako siguradong sya yon dahil hindi ko pa nakikita yung mukh. Nakatalikod kasi eh, pero parang sya yon. Likod palang eh, alam ko kung paano tumayo at ang tindig ng katawan ni James dahil nagkasama kami ng isang taon. Pero kung sya ngayon, anong ginagawa nya rito?! Nagbabakasyon rin ba sya? At sino ang babaeng kasama nya? Naging lalake na ba sya at naggirlfriend sya. Arrghh! Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko! Ang tanging paraan lang para malaman na kung sya ba talaga yon ay ang puntahan sya at tignan kung si James ba talaga yon.

Agad kong hinila si Taylor papalapit don, nagulat sya sa ginawa ko kaya naman pilit nyang inaagaw yung kamay nya sa'kin.

"Ano ba yon?! Bigla ka nalang nanghahatak?! Anong problema mo?! May humahabol ba sa'tin?!" sunod sunod nyang tanong pero hindi ko sya pinansin.

"SPENCER! ANO BA NASASAKTAN NA AKO!!" At dahil sa sigaw nya, binitawan ko sya at saglit kaming tumigil.

"What's wrong with you?!" tanong nya.

"Sorry" sabi ko. Kita sa mukha nya ang pagkainis, tumingin ako sa direksyon nila James pero wala na sila don. Sya nga ba talaga ang nakita ko?! Arrgh! Sayang.

Bigla namang naglakad si Taylor papalayo at sinundan ko sya.

"Hoy! Taylor saan ka pupunta?! Hintayin mo'ko!" Sigaw ko pero hindi nya ako pinapansin.

James POV

Hay, ang saya kumain ng mga street foods dito sa thailand. Ang dami at ang sarap pa, grabe busog na busog na ako.

"Hoy, baka nakakalimutan mo bukas ka na magpapatrans, kaya kita binili ng gusto mo." sabi ni ate. Tumango ako.

Oh my! Bukas na pala!! Syete ka, kinakabahan na ako. Ano kaya magiging itsura ko kapag naoperahan na ako? Sobrang ganda kaya? O maganda lang, o kaya panget lalo. Oh shet!

Nandito kami ni ate sa isang hotel. Maliit lang ito, sakto lang ang laki para sa'min ni Ate. May dining room, kitchen, isang cr at isang malapad na kama.

Hay, kamusta na kaya si Mama. Okay lang kaya sya? Wala kasi syang kasama sa bahay eh.

Note: hello guys, sorry sa mabagal na update. Muah

Revenge ni Beki (Complete)Where stories live. Discover now