Chapter TwentyThree - Vigan

5K 153 7
                                    

James POV

Umaga na nang makarating kami dito sa Ilocos, grabe ang layo pala nito! Nagpacheck in kami ng Hotel ni Spencer at ngayon nga ay nandito kami sa loob ng kwarto.

Pagkapasok namin dito, natulog agad si Spencer dahil hindi sya nakatulog kahapon dahil nga sya ang nagdrive papunta dito sa Ilocos. Ako naman, nanonood lang ng TV.

Ano kaya ang pwedeng gawin para naman matuwa sa'kin si Spencer? Alam ko na! Magluluto nalang ako para pag gising nya, ipapakain ko sa kanya ang lulutuin ko. Pero teka wala pala kaming dalang mga pagkain na pwedeng iluto. Makapag-grocery nga, may grocery naman ata dito diba?

Nang makarating ako sa grocery, naghanap na ako agad ng baboy. Ang naisipan ko kasing lutuin ay Sinigang. Nang makahanap na ako ng baboy, agad akong namili. Nang makakuha na ako ng baboy, naghanap na ako ng mga sangkap.

Nang mahanap ko na ang lahat ng kailangan, pumunta na ako sa counter at babayaran ko na lahat ng kinuha ko. Nang mabayaran ko na ay lumabas na ako ng grocery at bumalik na sa Hotel.
Pagbalik ko ng kwarto, nagsimula na akong magluto. Pagkalipas ng isang oras, natapos ko na rin ang niluluto. Naglagay ako sa isang malaking tasa at inilagay sa Lamesa. Ito kasing room na kinuha namin ay parang bahay, may mini sala, kusina at bedroom.
Tinakpan ko yung sinigang na niluto ko kung masarap ba. At napangiti ako ng malasahan ko ang niluto ko, ang sarap. Lumapit na ako sa kama at gigisingin ko na si Spencer. Tanghali na kasi eh.

Umupo ako sa tabi nya sabay kalabit at inalog-inalog sya. Laking gulat ko ng bigla syang gumalaw at yinakap ako kaya napahiga ako. Hindi ako makagalaw, ang bigat ng kamay ni Spencer.

Naramdaman ko ang init ng balat nya, namimiss ko na yung yakap nya na walang katulad.

"Spencer! Gising na" sigaw ko.

"Teka muna babe" sabi nya habang nakapikit at nakayakap pa rin sa'kin.

"Hah?! Babe?! Ano ba Spencer! Si Steph 'to!" Sabi ko pa.

Tinanggal nya bigla ang pagkakayap sa'kin at biglang umupo ng mabilis. Halatang gulat na gulat sya.

"Sorry ha." sabi nya.

"Ah, okay lang. Ang bigat mo pala" sabi ko naman sabay tawa.

Napangiti naman sya dahil sa sinabi ko, ang gwapo nya talaga.

"Bakit mo nga pala ako ginising?" Tanong nya.

"Ginising kita dahil tanghali na at naghanda ako ng pagkain natin" sagot ko.

"Nag abala ka pa."

"Okay lang." Sabi ko.

"Kain na tayo." Niyaya ko na syang pumunta sa sala para makakain na kami.

Tumayo na sya, ako rin at sabay kaming pumuntang sala at umupo sa upuan na nakaharap sa lamesa.

"Tikman mo yang sinigang, ako nagluto nyan." Sabi ko na may halong excitement.

"Ikaw nagluto?" Tanong nya.

"Oo naman, anong akala mo sa'kin hindi ako marunong magluto?" Sagot ko.

Tinikman nya na ang sinigang habang ako naghihintay sa sasabihin nya.

"Ang sarap ah, ang galing mo palang magluto." Sinabi nya pagkatapos nyang tikman ang sinigang na niluto ko.

Lalagyan ko sana sya ng kanin sa plato nya pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko at sabay sabing,

"Ako na"

Revenge ni Beki (Complete)Where stories live. Discover now