Nang humupa na ang pag-iyak niya, hindi niya napigilang maglahad pa ng kung paano sila nagkakilala ni Hina. Noong unang pagkikita nila. Kung paano niya niligawan na agad siyang sinagot. 'Yung memorable moments sa relasyon nila. Masayang-masaya pa nga siya habang nagkukwento. May kinang ang mga mata niya habang inaalala ang masasayang sandaling iyon. At kaya pala ganito na lang kung makaakto si Michael ay si Hina lang pala ang tanging naging girlfriend niya. Walang nauna, walang sumunod—–kung hindi kami magkakaroon ng chance ni Michael.

Nakikinig lang ako. Iyon kasi ang tinuro sa amin sa klase, kahit hindi ka psychologist, kapag nagkukwento specially, naglalabas ng sama ng loob ang isang tao, maging attentive lang, huwag munang tanong ng tanong o mag-react ng pasalita. Madi-distract kasi ang nagko-confess at baka hindi maituloy o masabi lahat ng gusto niyang ihayag. Sapat na ang patango-tango lang na ipinahahatid mo sa kanyang nakikisimpatya ka sa sinasabi niya.

Pero hindi ko pa rin napigilang magtanong sa kasagsagan ng pagre-reminisce niya.

"Hindi ba sexual attraction 'yung naramdaman mo noong nakilala mo siya?"

"Never," maikling sagot niya sabay iling.

"Talaga? Ang swerte naman niya." Napangiti ako ng mapait. Sana ako rin. "Bihira na nga lang 'yung lalaking matino, mapupunta pa sa babaeng hindi deserving. Katulad mo at ni Hina. Alam mong ganu'n siya pero hindi mo pa rin siya pinakawalan. Pero sinayang ka."

"Kasalanan ko rin kasi. T-in-olerate ko siya."

"Pero may nangyayari rin naman sa inyo, 'di ba?" lakas-loob na pag-i-invade ko sa privacy niya. Lubus-lubusin ko na tutal kanina pa sensitibo ang paksa namin. Atleast, nakinabang ka rin sa kanya.

"Never may nangyari sa amin."

Napakunot-noo ako at nanlaki ang mga mata. "Pero 'yung sa shower room sa gym, a-ano 'yun?"

Medyo natawa siya at napakamot sa ulo. "N-nu'ng nahuli mo kami noon, hindi namin 'yun naituloy." Napahalakhak siya ulit ng mas malakas. "Virgin pa 'ko."

Matatandaang noong lumabas ako sa paliguan ng gym dahil sa sakit at awkwardness na makita sila sa kababalaghang ginawa nila, sumunod sa akin si Hina. Pinabalik ko siya kay Michael dahil sa katunayang ayaw ko siyang makita at dinahilan na ituloy muna nila ang ginagawa nila nang hindi sila mabitin lalo na si Michael.

Napilitan akong tumawa para makisakay kay Michael pero mabilis na napawi iyon dahil sa sumunod na sumagi sa isip ko. "Kung makikipagbalikan siya... tatanggapin mo pa ba siya?" Tumingin ako sa kanya ng diretso.

"Hindi na. Ayoko na. Unang beses, kasalanan niya, pangalawang beses, kasalanan ko. Pero hindi lang ito pangalawang beses, maraming beses na, kaya ako lang din ang nananakit sa sarili ko."

Tayo kaya? Magiging more than friends kaya tayo?

Walang sabi-sabing kinabig niya ako at sumiksik siya sa balikat ko na ikinatulala ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa pisngi ko.

"Thank you sa pakikinig. Thank you sa pag-stay sa tabi ko. Pinagaan mo ang loob ko." Pagtagal ay kumalas na siya sa yakap.

Malaki ang ngiting ibinigay ko sa kanya. Pinipigilang lumabas ang kilig na nararamdaman ko. "'Yun din naman magiging career ko pagka-graduate ko. Kumbaga, parang advance on the job training 'to."

Hindi na ako pumasok sa mga sumunod kong klase at sinamahan ko si Michael. Ginawa ko ang lahat para mapasaya ko siya, para kahit paano 'y sandali niyang malimutan ang mapighating karanasan. Kung saan-saan kami pumunta, hanggang sa napadpad kami sa park kung saan maraming couples ang namamasyal. Nan-trip kami at nambulabog sa mga sweet moments ng mga tao roon lalo na sa mga halos nagme-make out na.

"Walang poreber! Maghihiwalay din kayo niyan."

"Hindi ka niyan mahal!"

"Sex lang habol sa 'yo niyan!"

"Aanakan ka lang niyan para remembrance pero bigla na lang 'yang 'di magpaparamdam."

Tawa kami ng tawa sa bawat sigaw naming iyon kapag nakikita namin ang reaksyon nilang ang iba 'y halatang naalibadbaran.

Si Michael talaga. Dahil nasira ang love life niya maninira naman siya ng relasyon ng iba.

Nang magsawa kami sa panggugulo, nilibre niya ako ng ice cream, cotton candy at palamig, at kumain kami sa isa sa mga bench doon. Heto ba 'yung tinatawag na "relationship goals"? Para kaming nagde-date.

"Pasensya ka na, ha. Naabala pa kita. May pasok ka pala, 'di mo sinabi," nakokonsensyang sabi niya habang dumidila sa ice cream.

"Okay lang 'yun, 'no. Wala naman kaming gagawin du'n," ani ko. Sigurado, iyong isang prof hindi na naman pumasok. Ang isa, nag-discuss lang nang nakaka-boring.

"Sayang 'yung attendance," panghihinayang niya.

"Ikaw rin kaya, hindi ka pumasok," pakli ko.

"Tutulo 'yung ice cream!"

Bumaling ako sa ice cream ko at nakita ko ngang tumatagas na iyon sa cone kaya hinimod ko nang biglang dumukwang si Michael at dumila rin sa ice cream.

Natigilan kami pareho. Maliit na distansya na lang ang pagitan ng mukha namin. Muntik ding magdikit ang mga dila namin.

Lumayo siya at umiwas ng tingin. "S-sorry."

Naisara ko ng mariin ang labi ko. "Ahmm... Okay lang." Pakiramdam ko, napapamulahan ako. Nagwawala nang labis ang maharot kong puso.

"Ako na lang ang kakain niyan. Bibilhan na lang kita ng bago. May laway ko na 'yan, eh," sabi niya.

"Hindi na. Okay lang. Hindi naman ako maarte, eh. Wala ka namang sakit, 'di ba?"

"Meron."

Napabaling ako sa kanya at parang kumirot ang puso ko dahil sa nabatid. "M-may sakit ka? A-ano 'ng sakit mo?"

"MERSCoV."

"Ano?!"

Napahalakhak siya ng malakas dahil sa reaksyon ko.

Pinaikot ko ang mata ko. Hindi halatang  galing sa heart break. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa ice cream. Mabilis na bumalik sa akin ang nangyari kani-kanina lang. May laway niya ang ice cream ko. Para na rin kaming nag-kiss. Iyong tinatawag na indirect kiss. At sa kalikutan pa ng isip ko, para na rin kaming muntik na mag-torrid kiss kanina.

Kalaunan ay nag-decide na akong pumasok sa work. Iyon, kailangang kailangan ko iyon at hindi ko dapat ipagpaliban. Pero hindi pa rito natatapos ang pagtulong ko kay Michael na maka-move on.

ExhibitionWhere stories live. Discover now