Chapter 46. Conun-drum

Começar do início
                                    

"How did you know that song?" Tanong ko sabay tingin sa direksyon kung saan ang piano.

"Ah? I don't know. . Habang naglalakad kasi ako kanina nakita ko yung piano kaya tumugtog ako ayon sa nararamdaman ko" paliwanag nya kaya tinignan ko sya.

"Ganun ba?"

Naiilang at di makapaniwala kong sabi at tinitigan ko ulit sya sa mata. Para akong hinihigop sa kulay brown nyang mata.

Agad syang umiwas ng tingin na kinagulat ko.

Napatulala ako ng sa lahat ng taong tinititigan ko sa mata para mabasa ang nasa isip sa kanya lang ang hindi ko mabasa.

Ibang klase. . .

Terrence POV.

     Napakagat ako sa daliri habang binabantayan ko yung CCTV kung saan malapit ang clinic. Kanina ko pa napapansin na ang daming studyanteng pinapasok na walang malay.

"What happen?"

Napalingon ako sa side ng mapansin din ata ni sion na ang dami ngang pinapasok sa clinic.

"Alam na kaya ni steve to?" tanong nya.

"Yeah.. nasa loob sya ng clinic kasama yung claire na yun"

Yung claire na yun!

Tss ilang beses akong naghilamos ng mukha para lang matanggal ang virus nya sa akin. Ang landi talaga nya, ang lakas ng loob na halikan ako ng basta basta.

Napasapo ako sa mukha ng maalala ko nanaman yung sobrang lapit nyang mukha. Napayakap ako sa sarili dahil kamukha nya talaga si eugine.

"Pfftt,, mukha kang tuod dyan!" Natauhan ako ng tapikin ako ni leslie.

"Ano bang iniisip mo't bigla kang kinilabutan? Ang alam kong terrence na kilala ko hindi kinikilabutan" sabi nya ulit kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Kung alam lang nya kung anong trauma ang inabot ko sa claire na yun.

"Let's go, samahan natin si steve" biglang sabi ni sion at nagmadaling lumabas.

"Maiwan ka nalang dito terrence" bilin ni leslie at tinuro ang CCTV.

Ou nga pala. . Alerto parin kami kung sakaling may kakaibang nangyayari. Napangiwi ako ng maalala ko si kaizer at yung tumawag sa akin.

"See you soon"

Yun ang hindi ko makalimutan, ayokong may isa nanaman sa amin ang mamatay.

Napakunot ako ng noo at inilapit ang mukha ko sa Monitor. Pinasingkitan ko pa yung mata ko sabay tingin sa may pinto.

Bigla akong kinabahan dahil may nakita akong lalaki na nakahood ng itim habang nakasandal malapit sa cafeteria. Tinignan ko yung ibang monitor sa cafeteria at nakita ko doon si french at eugine habang nag uusap.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si french.

Lumakas ang tibok ng puso ko ng nandoon parin yung lalaki nakasandal sa pader na mukhang may hinihintay.

"Why?!" Bungad nya pagkasagot.

"French umalis na kayo ngayon dyan! O kaya pumasok muna kayo dyan sa music room"

"Bakit?" kunot noo nyang sabi at nilibot ang tingin sa lugar kung saan sila.

"May nakita akongㅡ"

Nataranta ako ng bigla nalang nawala yung signal ng CCTV. (Imagine yung sirang channel xD)

Tinignan ko yung phone ko pero namatay na yung tawag.

Shit!

Agad akong tumayo at kinuha yung bow and arrow ko.

Bigla nalang bumukas yung pinto kaya napaatras ako.

P-paanong? Kanina lang nasa cafeteria sya.

Napalunok ako ng mapatingin ako sa stainless baseball bat na hawak nya habang hinihila sa sahig kaya naglilikha ng ingay.

"Now I see you" nakangisi nyang sabi. Hindi ko makita yung mukha nya kasi nakamask sya ng itim na halos balutin na nya yung mukha nya.

"I-ikaw yungㅡ"

"Yup! Ako nga yung tumawag" 

Lumapit pa sya lalo sa akin hanggang sa mapaupo ako sa lamesa at kumapa kapa doon sa ilalim.

shit! asan naba yung emergency botton!

Nagulat ako ng itinaas nya yung bat nya at handa na akong paluin ng saktong napindot ko rin yung EB. Umingay ang tunog na yun sa buong school kaya nagkagulo gulo na ang iba. Nagmistula ding shower room dito,

Napasmirk ako sa kanya at tinira agad sa kanya yung arrow ko pero naiwasan nya yun kaya tumama lang sa wall. Nababasa na kami parehas ng tubig.

Tumakbo sya palapit sa akin pero yumuko ako at binigyan sya ng upper cut kaya napaatras sya. Nakita kong bumaba yung mask nya ng konti.

"Go on kill me" sabi ko sabay smirk.

Mukhang dito ko na magagamit ang skills ko.

Tinapon ko nalang yung bow and arrow ko kung saan at hinamon syang lumapit.

Leslie POV.

"Anong nangyayari?" gulat na sabi ni steve.

Bigla nalang kasing umingay sa buong school kaya naglabasan silang lahat na animo'y may sunog na nagaganap.

Nakita naming tumatakbo din si french at eugine dito sa clinic.

"What happen?" Hinihingal nyang sabi habang hawak yung phone nya.

"Bakit ang daming studyante dyan sa loob" biglang singit ni eugine habang sumisilip sa loob.

"Terrence called me earlier" -French

"What did he say?" - Sion

"He said, umalis daw kami sa cafeteria o kaya magtago, I think something bad happen, kasi bigla nalang namatay yung tawag" - French

"Where's terrence anyway?" Biglang singit ni steve.

"Naiwan sya sa monitoring room para magbantay" sabi ko.

"Shit! Kaya pala alam nyang nasa cafeteria kami" sabi naman ni french at bigla nalang tumakbo kaya sumunod naman kami pero napahinto ako.

Nakita kong nagdadalawang isip si steve dahil may inaasikaso pa sya dito. Lumapit ako sa kanya at tinapik sya sa balikat.

"Kami ng bahala" sabi ko at hinila si eugine na tatakbo din sana.

"Maiwan ka din dito, tulungan mo si steve" tumango naman sya at iniwan na silang dalawa.

To be continued. . .

[Conun-drum - very confusing and difficult problem]

[AN:Sorry for late updated guy'z :( .. nag summer vacation po kasi ako hehe. Pambawi sa inyo dalawang chapters :)

Thanks for waiting and reading]

♧Extra extra♧ :D

*Sino kaya yung nakahood na yun? Si brizon o si dave?

*Totoo kayang buhay si brizon?

*Ano kayang mangyayari kay terrence?

*Malalaman na kaya ni Chan ang pagkatao ni eugine?

*Ano kayang magiging reaksyon ni eugine pag nakita na nya si claire?

(AN: kung ako yun, sasampalin ko sya dahil kinuha nya ang first kiss ni steve)

Masasagot lahat yan sa susunod na mga chapters na isusulat ko palang hahaha. (^_^)\/

School of Psycho (COMPLETED) Onde histórias criam vida. Descubra agora