Exception ♥ 3 - The Blessed Friend

Start from the beginning
                                        


"Oh sige na, may gagawin pa ako. Alam mo naaaa, President duties! Hahaha. See you again!" namaalam at naglakad na siya paalis.


"Aba, pa-president-president duties ka na haa, o siya na. Sasagutan na rin namin 'to. See you again to you too!" sigaw ko sa kaniya habang naglalakad at kumaway nalang din siya.



Nang matapos na kaming dalawa ni Steff sa pagsasagot at pagpasa ng form ay bigla ako nakaramdam ako ng pagkukulo sa tiyan. 'Isa itong pangyayari kung saan ang iyong tiyan ay kumukulo at ang iyong bibig ay naglalaway.' Ito ay ang tinatawag nating GUTOM!


"Bal, nagugutom ako. Kain muna tayo." ani ko.


"Sige, saan mo gusto? McDo nalang?" tanong niya sa'kin.


"Gora, sakay nalang tayo ng jeep." 


Nang makasakay na kami ng jeep ay nakapansin ako ng isang babae na akap-akap ang isang lalaki. Sexy si girl pero mukha at galaw tuko naman. May itsura din yung lalaki kaso mukhang playboy. Hayy, ba't ko ba sinasayang ang oras ko kakaisip sa dalawang 'to? Hmpp.


Nang makarating na kami sa McDo ay nagisip-isip nalang ako kung ano ang ipapakain ko sa tiyan ko ngayon. 


"Oh ano sa'yo?" tanong ni Steff.


"Sa'yo ba?" tanong ko rin.


"Ay letse bal. Nagtatanong ako tas isasagot mo tanong din?" pagaangal niya.


Ganun naman talaga tayo di'ba? Kapag di natin alam kung ano ang gusto natin, itatanong natin sa iba kung ano ang gusto nila? As always hmp.


"Parang gusto ko mag Yum at Peach Mango Pie." -Jamie


"Bal," sabi ni Steff sabay akbay sa isang balikat ko. "SA JOLLIBEE YUN! HINDI MO BA ALAM NA NASA MCDO TAYO NGAYON!? TAS MAGOORDER KA NG YUM AT PEACH MANGO PIE!? OK KA LANG BA BAL!?" sabay sigaw sa tenga ko.


Maraming tumingin sa'min na kumakain at eto pa ha, pinagtatawanan nila ako! Kasalanan 'to sakin ni Steff. Humanda ka lang talaga sa'kin mamaya sa bahay niyo!


Nakitawa nalang din ako sa mga tao at nang idinaan ko ang mukha ko sa katabi kong mokong, sinimangutan ko siya ng sobrang pait! Mas mapait pa sa ampalaya! "Uhm ano nalang sa'kin bal, McFloat nalang at Chicken Sandwich." sabi ko.


"Ah sige, ganun nalang din sa'kin." -Steff 


Kitams!? Ganun din naman pala sa kaniya. Nakakatawang isipin pero nakakainis talaga tong kaibigan ko eh! Pero siyempre mahal ko pa'rin siya kahit may sayad sa utak.


+++++++++++++++

"Mmmmm! Nagkalaman na'rin tong tiyan ko! Praise the Lord!" sabi niya habang nakataas pa ang magkabilang kamay at itinataas baba 'to.


"Ewwaaan ko sayoo! Halika na nga umuwi na tayo! Manuod nalang tayo ng horror!" pagaaya ko sa kaniya habang punas-punas ang bibig ko gamit ang tissue.


"Ah oo nga pala! May Batman Vs. Superman DVD ako dun sa bahay!" 


"Nyee! sabi ko horror!" napaangal nalang ako sa kaniya.


"Ihh, balita ko may scene daw dun na *toot* si Superman eh!" -Steff


"Ang imba mo talagang babae ka!" iniligpit na namin ang gamit namin at saka umuwi na sa bahay nila. 


Iniisip niyo kung bakit sa kanila pa'rin ako nakatira noh? Well, di pa kasi ako nakakahanap ng matino-tinong condominium dito sa lugar. May nakita naman ako na maayos kaso nga lang, wala pool! Gusto ko kung magkakaroon man ako ng sariling titirhan, gusto ko yung mageenjoy rin ako noh.




++++++++++++++

"Goodnight girl, sleep na ako." -Steff


"Goodnight din! Bitter Dreams." ani ko.


"Haystt, kinakasuklaman ko talaga yung tindero na 'yun. Makalbo sana 'yun!" walang tigil na pagsusuklam ni Steff sa tindero. Hanggang ngayon di pa rin siya nakamove-on sa movie.

Wala kasi yung inaabangan namin ni Steff na hot scene! Tulungan ko kaya si Steff sa pagkakalbo sa tindero?


"Hayaan mo na nga yun! Matulog ka na!" sabi ko.


"ZZzz.." tulog na pala siya. Ang bilis naman 'nun.





Hayyy, andami kong naranasan ngayong araw! Success ang enrollment ko, tapos nakita ko ulit yung long-time seatmate kong si Chean Sofia Dacera hanggang sa umabot na napahiya ako sa harap ng maraming tao. 


So here we go again, kausap ko na naman ang sarili ko habang nakatitig sa harap ng buwan. Nakabalot sa kumot at dinadama ang katahimikan ng paligid. 

Oh how I wish na lagi nalang ganito kasaya ang araw ko. Buti nalang ay may nakilala akong kaibigan na tulad ni Steff. Napakaswerte ko nalang sa kaniya at nabiyaan ako ng katulad niya. Marami na siyang ibinigay sa akin na kabutihan kaya sa darating na araw ay ipinapangako ko na makakabawi rin ako sa kaniya. 


Thanks Steff for being a wonderful friend! Malaki ang pasasalamat ko kay God dahil nagbigay siya ng napakabuting kaibigan katulad mo. I love you Bal! Mwuahh! I wish you all the best!


+++++++++++++++

AUTHOR'S NOTE:

Na-enjoy niyo ba? So ayun nalang muna. Next time ulit! 

Hello nga pala kay Chen Tabaranza dyan! Ayan na ha! Dinamay ko na ang pangalan mo sa story! At napakagandang role pa ang binigay ko sa'yo ha! Thank me later nalang! HAHAHA.

Be ready for the upcoming chapter! God Bless You all! 
















The Only ExceptionWhere stories live. Discover now