Chapter 33 [I'll chase you]

Start from the beginning
                                    

"Pia, hindi ako nagpapanggap. Simula noon---" 

"Simula noon? What, are you saying that you really loved me? Then tell me Justin, bakit mo ko iniwan noon para puntahan yung bestfriend ko? Bakit mo ko hinayaang umalis? Bakit hindi mo man lang ako nagawang habulin? Oo, sa simula, tinutulak kita palayo! Nasaktan ako noon. Galit ako. Pero alam mo, iniisip ko.. Kung hinabol mo lang ako.. Kung hindi ka lang sumuko agad.. siguro sooner or late, alam mo ba? Siguro nagawa ko ring patawarin ka! It's too late now for you to win me back, Justin " 

Namutla si Justin at humakbang papunta sakin. Umatras ako at papasok na sana sa kotse ko para umalis nung magsalita ulit si Justin.

"Hindi ko alam na aalis ka pala. G-gusto ko lang kitang bigyan noon ng konting oras at space. Para humupa yung galit mo. Tapos nung nalaman ko na nga na umalis ka pala... Sinubukan kitang sundan! Hinanap kita! Kaso.. hindi kita makita. Nagtanong ako.. kay Zac, kay Faith, kay Mico. Pero ayaw nilang sabihin. Oo, hinayupak lang, kahit isa sa mga bestfriend ko, ayaw akong tulungan. Kaibigan ko siya pero nilinaw niya sakin na ayaw niyang tulungan ako dahil baka saktan daw kita ulit ng sobra at nangako din siya kay Faith na hindi niya sasabihin sakin kung san ka nagpunta dahil ayaw mo. Kinain ko yung pride ko at kahit kay Enzo lumapit ako. Sinuntok niya ko." He laughed without humour.

Tinitigan niya ko sa mata at alam kong sa pagkakataong ito, nagsasabi siya ng totoo. He is baring his heart and soul to me right now.

Hindi ako sumagot. Ano naman ba kasing sasabihin ko? 'Ah ganon pala' o 'Okay' o di kaya naman 'too bad, it's too late'? Parang kahit ano naman hindi sakto sa sitwasyon namin ngayon.

 

"Hindi ako agad sumuko, Pia." Pumiyok yung boses ni Justin at nakita kong namumula na yung mga mata niya. "Pumunta ako ng New York, hinanap kita doon. Hindi pa rin kita makita. Naghanap pa ko. Pero masyadong malaki ang America, 22 out of 50 states ang nagawa kong suyurin sa loob ng dalawang taon na hinahanap kita. Hanggang sa naisip ko, paano kung wala ka pala sa America? Sa laki ng mundo, hindi kita mahahanap lalo na kung ayaw mong magpahanap. At kung mahanap man kita, anong mukhang maihaharap ko sa'yo? Napabayaan ko yung pag-aaral ko, wala akong natamong kahit anong maipagmamalaki ko sa'yo sa buhay ko. Pano ko mapapakita sa'yo na karapatdapat na ko para sa'yo?"

Napahawak ako sa gilid ng kotse ko at napasandal. Nanghihina yung tuhod ko sa mga sinasabi ni Justin.

Bakit ba niya sinasabi 'to? Bakit pa?

Ayoko 'tong marinig. Ayokong maguluhan pa lalo. Ayokong hayaang pumasok ulit si Justin sa buhay ko. Okay na ko eh. Masaya na ko kasama ni Enzo. Bakit ba laging pinapagulo ni Justin ang buhay ko?

"Kaya bumalik ako ng Pilipinas. Inisip ko, clean slate. Walang babae, walang magulong buhay ng isang kasama sa gang. Nag-aral ako ng mabuti. Inisip ko, para sa'yo. Para pagbalik mo, maipakita ko na nagbago na ko. Para magawa mong maniwala na hindi na ko yung dating Justin na nanakit sa'yo ng sobra. I was an asshole, Pia.. I know. Minahal mo ko pero ginago kita. B-but not anymore.."

 

Nanlaki yung mata ko nung nag-uunahang tumulo yung mga luha ni Justin. Pinunasan niya iyon gamit yung likod ng kamay niya. Kinagat niya yung labi niya para siguro pigilang tumulo pa yung mga luha niya.

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Where stories live. Discover now