CH. 25: Ang Katotohanan

7K 214 19
                                    

JULY

TAYONG LAHAT AY MAY mga tinatagong sekreto.

Ikabubuti man ang pagtatago nito o ikasisira ng ibang tao o bagay, hindi mo maipagkakaila na pagtatago pa rin ito ng sekreto. Gaya na lamang ng pagsisinungaling. Hindi porke't white lie ay hindi na pagsisinungaling yun. Either what you did was for the good or bad intention, it doesn't matter kasi it's the act itself is what matters.

Sumama nga ako kay Ev kahit pa kinakabahan ako sa pwede niyang gawin. But it lessen the anxiety when I asked for a condition na papayag lang akong sumama sa kanya pag kasama si Ruby. And yeah, Ruby is with us now.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang malawak na pasilyo. Pamilyar ang karangyaang nakikita ko sa palasyong yun pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Faerie Landia never fails to amaze me with it's awesome interiors.

Habang medyo distracted na ang isip ko sa designs na nakikita ko'y hindi ko na namalayang huminto na pala kami sa isang pinto. It was just a simple wooden door pero hindi maipagkakaila na matibay ito.

Binuksan ni Ev ang pinto at tumambad sa akin ang hindi ring maipagkakailang malaking silid. Kagaya ng ibang silid sa kastilyong yun, isa rin ito sa mga pinakamagandang silid.

Pagpasok namin ng tuluyan sa silid na iyon ay agad na bumalik ang kaba sa aking dibdib lalo na't nakita ko ang presidenteng nakaupo sa isang silyang naroon kasama ng hari at reyna, at ang iba pang mga kasamahan namin noong nakaraang pagtitipon.

'Eff! Is the president going to sue me?' sa isip ko. Hindi na ako makatingin sa presidente. Alam kong nakatingin ito sa akin ngayon at hindi ko kayang salubungin ang pukol na binibigay niya. I am so guilty na hindi ko maintindihan kung saang bagay ako may kasalanan.

Alam kong puno ng pagkadismaya at galit ito sa akin ngayon dahil sa kadahilanang I did not protect her daughter as her lady guard and the fact na tinalo ko pa ang anak nya. Hindi lang yun, though okay na sana na nakipagrelasyon ako sa anak nya, I did not treat Natalia right. What happened earlier ay pwede niya akong kasuhan ng sexual harassment dahil sa pambubugbog ko kay Natalia habang nag-aano kami. I'm sorry, hindi ko na masabi yung word na yun. Habang naiisip ko nga yun ay gusto ko ng baliin ang leeg ko dahil sa katarantaduhang nagawa ko.

"Umupo ka, July," narinig kong litanya ng hari. Agad akong naupo sa bakanteng upuan at nakayuko pa din. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa oras na yun. This is the first time that I felt so vulnerable but at the same time I'm willing to take the responsibility for what I did to Natalia. "Ev? Ako na ba magsasabi o---"

"Ako na, Jon," putol ni Ev sa hari.

Well, I guess sobrang close ng mga ito dahil first name basis na sila kung magtawagan. Hindi ko na alam ang naging sagot ng hari dahil all the way ay nakuyo lang ako. Tense na tense sa anumang pwedeng sabihin ng mga tao sa paligid ko, lalo na ang presidente.

"July, look up," someone said and patted my back softly. It was so comforting that I want to lean on and cry in her arms. Nang tumingala ako dito ay isang maganda at maaliwas na nakangiting babae ang nakita ko. She's familiar as well. Na-meet ko din sya sa pagtitipon. Sa pagtitipon kung saan gumawa ng eksena ang bruhang si Ely. I think her name is Clef. Oo nga, sya nga yun. "Everything will be okay," she added. Tumango lang ako sabay ng plain na pagngiti ko.

Kahit anong kumbinsi ko kasi sa sarili ko'y feeling ko talaga ay nilalaga ako ng buhay sa sitwasyon ko ngayon. But one thing is very strange, though I felt that way, yung feeling na parang safe ka pa din kahit parang feeling mo ang sama ng reputasyon mo sa mga taong nasa paligid mo. Hay. Ang dami kong iniisip. Tsk.

"Well, first of all," panimula ni Ev, "I want to apologize sa ginawang hindi appropriate ng aking kapatid. I think everyone knows right now what she did to Natalia para lang forcefully to be her fiance and blackmailing the president's daughter para sa hindi ko malamang rason pa nya." Ev doesn't sound frustrated pero kitang-kita sa mukha nya ang kalungkutan. "E-ely," she even stuttered while mentioning her sister's name. I do feel her. Mahirap talaga 'to para sa kanya, it's just that mas nangingibabaw ang inis ko kay Ely sa tuwing naalala ko sya. Speaking of the devil, nasaan nga ba ang bruha na yun? "Anyway, lalo na kay July whom I know na pinakabiktima sa nangyari." Then Ev looked at me and continued, "In behalf of my sister, sorry ulit for the nth time. I know damaged has been done and I can't turn back the time and pain na sinayang at binigay ng kapatid ko sa inyo ni Natalia. Pero yung sinabi ko kaninang I assure you that Ely will be punished in accordance with the law of supernaturals, I promise you that."

Supernatural Series 2 (KASAMBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon