CH. 5: Ang Daga

13.3K 370 26
                                    

NATALIA

"OH, BAKIT GANYAN kahaba 'yang nguso mo, girl?" tanong ni Haruka sa akin ng bumalik na ako sa kwarto.

Nasa tapat pa rin sila ng laptop and probably booking sa mga pupuntahan namin. They were so earnest about this trip dahil sila rin naman ang makakabenepisyo dito.

Busangot ang mukha at pasalampak na nahiga ako sa kama. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon na lang ako ka disappointed ng 'di ko nakita ang Agent July na yun.

Yes, hindi kami nagkita ni Agent July because this is what happened...

Flashback...

"Mr. President, may bisita po kayo," Jessa said, glancing at me and I just winked at her. Nakita kong namumula itong binaling ang tingin sa ama ko. I smirked at her bearing.

"Sino, Jes?" tanong naman ni Dad.

Jessa was also beautiful and sexy na secretary. Nerdy ang trip ng secretary ni Dad. Nakasuot kasi ito ng reading glasses instead of contacts pero bagay naman dito and that makes her look sexier.

The real score between Jessa and me?

S-E-C-R-E-T! *grin*

"Si Agent Mercado po," sabi ni Jessa.

Yung feeling na parang lumundag yung puso mo dahil sa excitement sa pagkarinig mo pa lang ng pangalan nya? Ayeee, ano bang nangyayari sa akin?

"Papasukin mo, Jes," Daddy commanded.

Tumango naman ang secretary at nilakihan ang pagkakabukas sa pinto. Ako naman ay napa-glue na ang mga mata sa pintuan.

Pagpasok nya, isang matikas na lalake na tantya ko'y kaedad ko lang. He was handsome too at hunk talaga. He gave a cute smile to me na alanganin ko namang ginantihan.

Where is that Agent July? Tanong ko sa isip ng masigurado kong wala na ngang sumunod na pumasok. Akala ko ba babae ang July na yun? Mali ba ang info na binigay sa akin ni Haruka?

Na-clear lang yung mga tanong sa isipan ko ng magpakilala ang lalake.

"Mr. President, I'm Agent Rizal Mercado. Substitute po muna ako ni Agent July because she has this urgent mission na inutos po ni Chief. I guess na-inform na po kayo ni Chief Emilio?" sabi ng lalake.

Ngumiti naman si Dad at lumapit dito para makipag-shake hands.

"Of course, iho. It's nice to meet another descendant of Emilio," narinig kong sabi ni Dad. Hindi ko kilala kung sinong Emilio ang tinutukoy nila. Aba't MA at PA ko ba. Malay at Pakialam ko.

Yung feeling na nakakita ka naman ng gwapo pero disappointed ka lang talaga at 'di mo ma-appreciate yung kagwapuhang nasa harapan mo? Ewan ko ba kung bakit ganun. Malakas naman ang sex appeal ng mokong na Rizal na ito but I guess I was too excited at ang laki ng expectation ko to meet that new Lady Guard of mine.

"This is my daughter Natalia," pagpapakilala sa akin ni Dad. I tried to pull my sweetest smile para naman kahit papano 'di masupladahan sa akin ang cutie na ito. Sayang din naman. Ang gwapo rin kasi eh.

"Hello, Miss Natalia," he said na nag-bow pa ng kaunti while smiling his boyish cute smile.

"Hello, Agent..." ganting ngiti ko. Rizal was oddly looking at me and I can see in his twinkling eyes na humanga ito sa akin instantly. Boys will always be boys. Hmmm...

Na-starstruck yata ang agent sa akin at tulalang nakatitig lang sa mukha ko. Dad was looking at us back and forth. Eh paano naman kasi kahit disappointed ako kanina, I was flirting with him through this staring contest.

Supernatural Series 2 (KASAMBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon