CH. 9: Sayaw sa Hita

12.4K 357 17
                                    

NATALIA

WALANG HIYANG BABAENG YUN!

Walanghiya! Walanghiya talaga! Grr!

Walanghiya siya dahil hindi nya ako tuluyang hinalikan! Sa halip, pinatayo nya lang ako ng maayos na parang walang epek yung nangyari, na parang walang spark! Meron nga ba? Ah basta, nakakainis! Ugh!

Akala ko talaga yun na eh. Ang lapit na eh. Kaunti na lang talaga. Inches na lang! Tapos ang sasabihin nya lang, sorry?!

Naku... Naku... Naku...

'Expectant ka kasi!' Oo na brain, expectant na kung expectant.

Masama bang mangarap? Wait... what? Ako? Si Natalia Aquino slash ang maganda't maalindog na anak ng president ay pinangarap na mahalikan ng bruhang malanding agent na yun? No! I must be insane! Egrr...

Malala na 'tong nararamdaman ko. Pwedeng may magpaliwanag nito? Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko. Buti na lang tahimik ang paligid at walang nag-iingay dito sa loob ng sasakyan ngayon. Tahimik lang naming binabaybay ang daan papunta sa ni-reserve naming hotel na lalagian namin dito sa Iligan ng ilang araw.

I was lost in my thoughts at nanggagalaiti pa rin sa nararamdaman ko mula sa 'muntikan' ng kissing scene namin ng ahente. My god, feel na feel kong tumunga ng bote ng alak sa oras na 'to.

Yeah, yun ang pinakauna kong gagawin paglapag na paglapag namin sa hotel mamaya. Maglalasing ako at mag-e-enjoy. Kakalimutan itong walanghiyang pag-flip ng tyan ko at matinding impact ng brown eyes nito at kilig tuwing makikita ko si July.

'I warned you!' Yes, brain. Susundin na kita. Don't worry! Hayy, palagiang away sa sarili? Kaloka!

~*~

SA HOTEL...

"Miss Aquino?" tawag pansin sa akin ng isang magandang dilag. Medyo nawala naman ang inis ko sa nakita. Uhm, magandang tanawin. "Good noon po. Sorry for interrupting pero ako nga po pala ang head producer slash host ng 'Saan gagala sa Freelipinas?'. Kinuha po kami ng presidente to cover your escapades at tour all over the country po para na rin po sa promotion ng bansa, dahil yun din naman po daw ang gusto nyo."

Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. Oo nga at sinabi ko yun kay Dad pero the fact na nangialam na naman sya'y medyo uminis sa diwa ko. Pakialamerong matandang yun ah! But anyway, maganda naman 'tong si miss sino nga daw ulit sya?

"What's your name?" diretsong tanong ko sa kanya.

Nakita ko namang parang na-intimidate ito sa akin and I can't help but to smirk because of that. I know na marami talagang nai-intimidate sa akin. Well, who wouldn't? Ako lang naman ang magandang anak ng long time president dito sa Freelipinas. Alam nilang, kung anong kapangyarihan meron ang ama ko'y ganun rin ang meron sa akin. O mas higit pa nga dahil hindi naman ako kayang tiisin ng mabait kong ama. *evil laugh*

Syanga pala, 'Saan gagala sa Freelipinas' ay isa sa mga pinakasikat na entertainment show dito sa Freelipinas. Ito nga ang specialty nila, base na rin sa pangalan ng show. So, ito pala ang host huh.

"A-ahh, A-ako nga po pala si Jacquilyn Gomez po and this is my staff, Andres as camera man and assistant ko po, si Allou," I heard her say at tinuro ang mga kasama sa likuran na ngayon ko lang napansin.

Nakababa na rin ang mga kasamahan ko sa sasakyan at naghihintay sa likuran ko. Syempre, todo bantay na yung mga guards ko at kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatayo sa 'di kalayuan ang nagmamasid na sexy'ng ladyguard.

Woah? Anong sabe ko? I just complimented her, again! Hayy, this has to end.

"Okay," uninterested na sabi ko. I'm itching to get to my room at makaalis na sa presence ng mga ito, lalo na sa paningin ni July. Ang gulo na ng isipan ko dahil dito. "Let's talk later, Jac. Papatawag na lang kita," sabi ko dito at dali-daling umalis.

Supernatural Series 2 (KASAMBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon