CH. 19: Ang Kaharian

8.8K 272 43
                                    

JULY

"WELCOME TO MY KINGDOM. Welcome to... Faerie Landia."

Narinig ko ng mabuti ang sinabi ni Ruby pero masyado lang akong na-amaze talaga sa nakikita ko ngayon.

"T-totoo ba 'to?" I heard Natalia say.

Pareho pa rin kaming nakatitig sa sinasabing kingdom ni Ruby. And it is, truly a kingdom!

"Oo naman!" magiliw na sabi ni Ruby. "Oh, tatanga na lang ba kayo dyan? Tara na sa kaharian namin." At nagpatiuna nga syang naglakad.

'Wow naman.' Wow talaga, wolf.

Sumunod na rin kami kay Ruby. Habang naglalakad papuntang kingdom nya, naglilibot rin ang paningin ko. My girlfriend there, is doing the same.

Ang laki ng kingdom ni Ruby. Wow, kakaiba ang ambience dito na 'di ko ma-describe. Indescribable eh. Talo pa ang mga nagtatayugang palasyo sa UK sa nakikita ko ngayon. And yo, the landscape and scenery here is breathtaking. As in awestruck talaga ang magiging peg mo.

May 20 meters pa bago kami makakaabot sa entrance ng palasyo nila Ruby. Kasi naman, sa dinadaanan namin ngayon ay isang bridge, no, hindi hanging bridge kundi concrete bridge, na sa baba neto ay ang mala-crystal na tubig dagat. And when I say crystal, pwede kang manalamin dun! As in makikita mo ang repleksyon mo sa tubig and you can also clearly see what's in the water.

Ang dami kong nakikitang naggagandahang sea creatures. School of fish, maliit man o malaki, coral reefs na parang nagsa-shining shimmering splendid pa sa ilalim ng tubig and other sea creatures. Parang ang saya nga nilang tignan. Natawa pa ako sa sarili ko ng parang narinig ko pa silang nagtatawanan. Weird. Pero parang totoo but I know hindi naman yun totoo.

Fishes and other sea creatures, laughing on the water? Psh. Kailan lang sila nagsalita at nagtawanan? Psh ulit.

Nakatingin pa rin ako sa baba, sa tubig when wait... Ang ganda namang isda nun pero... oh, half human? Totoo ba lahat ng 'to? Iniisip nyo ba iniisip ko? Kinusot ko pa mga mata ko para masigurado kung namamalikmata lang ako at namamalikmata nga lang ako kasi wala naman akong nakitang ganun pagkatapos kong imulat uli ang aking mga mata.

"Juls, hurry up." Hila sa akin ni Natalia.

Napatigil na pala ako sa paglalakad at napag-iiwan na nila. Tinignan ko muna ulit ang tubig at nagbabakasakaling makita ko ulit yung nakita ko kanina pero wala na talaga dun. I concluded, guni-guni ko lang yun.

Magkahawak kamay na kaming naghihintay ni Natalia dahil nakarating na pala kami sa napakataas na gate ng palasyo ni Ruby. At gaya ng mga normal na gate sa malalaking palasyo, may dalawang guards o gatekeeper, na parang tuod na nakatayo sa magkabilang side nito. Tinanguan lang naman ni Ruby ang dalawang tuod, I mean guard at within three smooth knocks ng isa sa mga ito'y nabuksan ang dambuhalang gate nila.

At first, liwanag pa lang ang makikita mo mula sa loob but when we stepped in at makita ng maayos ang nasa loob neto'y napanganga na lang ako. I don't know what happened to Natalia but I felt her stop also dahil magkahawak pa rin kami ng kamay.

"Welcome uli sa kaharian namin," narinig kong sabi ni Ruby pero wala na, para na kaming mga naengkanto sa reaksyon namin. Dahil yo, you wouldn't believe what we are seeing now.

'Totoo ba 'to?' Hindi ko na alam, wolf.

"Lhuby! (Ruby!)" Tawag ng cute na cute na batang lumilipad patungo kay Ruby.

Lumilipad? Luhhh!!! Oo, and there are lots of them in the sky at sa daan. Whoa!

"Oh my God!" Natalia squealed.

Supernatural Series 2 (KASAMBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon