CH. 14: Ang Kaliskis

8.4K 310 18
                                    

NATALIA

"OPAW! ANO BA? Relax, pre. Makakarating rin tayo kay bossing. Wag kang mag-alala," pigil ng piloto sa kalbo.

"Tumahimik ka rin! Bilisan mo ang pagpapatakbo. Nangangati na yung kamay ko sa perang makukuha ko kay bossing. Makakapagsugal na uli ako. Kaya magmadali ka na!" utos ng kalbo na ang pangalan pala ay Opaw, sa piloto. Tumahimik nga ito at sinunod si Opaw.

Meanwhile, me and July was still holding hands. Ang sweet na sana, 'di ba? Pero mas nababalot ng pagkatakot ang diwa ko sa nangyayari.

"Do you trust me, Nat?" bulong ni July sa akin. Ang lapit ko na pala dito dahil siniksik ko yung sarili sa kanya. Nakakatakot si Opaw eh! Baka maiputok nya yung baril nya. No! Hindi pa ako pwedeng mamatay!

"Nat, do you trust me?" ulit nyang bulong sa akin ng 'di ako sumagot.

Tumango na lang ako. Bigla naman itong tumingin sa gawi ko at medyo gahibla lang yung layo ng mukha namin ngayon. Nagkaroon kami ng staring contest at yung kaba kanina sa dibdib ko'y nadagdagan ng magtama ang mga mata namin.

"Thank you for trusting me," bulong na sabi nya ulit.

Tumatama sa mukha ko yung mabangong amoy ng hininga nya and ayun, I was captured by her captivating brown eyes.

"Anong binubulong-bulong nyo dyan?!" Panira moment 'to si Opaw eh! Natigil nga yung titigan namin ni July. Tsk. Sarap batukan ni Opaw! Yun na yun eh! Eggrr... Hindi kami sumagot. Instead, we just look unto them. "Pa good girl lang, girls, at 'di kayo masasaktan. Sayang naman yung mga ganda nyo kung tatagusan lang ng mga bala ko," nakakalokong dagdag nito.

Tahimik lang kami ulit. Hindi ko alam kung may pinaplano si July but as I've said to her, I trusted her. Lakbay ulit kami, magkahawak kamay pa rin kami ni July and by just holding her hands really relieves me. When suddenly, she loses her grip to mine. Magpoprotesta pa sana ako but I noticed na plano nyang sugurin si Opaw.

Nagulat naman si Opaw ng mabilis na nakuha ni July ang armas nito at tinutok pabalik dito. Ako? Amazed! Ang bilis ng pangyayari eh, 'di na naka-ek si Opaw at ang piloto.

"Sinong nag-utos sa inyo?" mariin nyang tanong sa mga ito.

Hindi sila sumagot. Aagawin sana ulit ni Opaw yung armas pero mabilis na nakaiwas si July at binagok sa ulo si Opaw gamit ng dulo ng baril. Kaya ayun, tulog si Opaw.

"Sh*t!" the pilot curses.

"Sinong nag-utos sa inyo?" sigaw ni July dito habang dito na nakatutok ang baril.

"P*ta! Sama-sama tayong mamamatay lahat!" sagot ng piloto at inilabas ang hawak na granada.

I gasped. Patay nga kami kung mababaliw ang pilotong tanggalin ang pin nun.

"Chill, man." Mismo ang agent ay nagulat rin. "Pag-usapan natin 'to. Dodoblehin ko ang bayad nyo. Just drive us home safely." Shucks! Granada! Mamamatay na ba kami?

"Huh! Hindi mo alam ang sinasabi mo, babae! I'd rather die than to betray my clan." Gosh, determinado si manong. Paano na kami? "Ibaba mo na yan. Umupo ka na lang dun bubwit at sumama ng maayos," sabi ng piloto kay July at ngayon nga ay ngumingiti ng nakakaloko.

Tsaka nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang ahente. His eyes sparkled with lust habang nakatingin sa ahente. Aba, maniac! Akin yan! Luhhh... Ansabe ko?

"Pwede naman natin 'tong pag-usapan ng maayos eh, lover boy." All of a sudden, nakipag-flirt yung ahente sa piloto. Wattahell! Nakita lang na pinagnasaan sya, nakipaglandian agad. Walanghiyang babaeng 'to!

I was about to react nang maalala ko ang pag-uusap namin kanina.

'Do you trust me, Nat?'

Her words keep replaying on my mind as I'm watching her, effortlessly, getting the attention of the pilot. Distracted naman masyado ang piloto lalo na nung sensual na hinawakan ni July yung braso nito where the grenade is, at hinimas-himas nito pataas-pababa ang braso ng piloto. Lunok ng lunok naman yung maniac na piloto. Buti na lang auto pilot yung chopper, kung 'di pa, baka kanina pa kami nag-crashed.

Supernatural Series 2 (KASAMBAHAY) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon