Exception ♥ 2 - The Comeback

Start from the beginning
                                        


Inalis niya kaagad ang kamay ko sa pagkakakurot sa pisngi niya. Hinawakan niya ang pisngi niya at hinimas-himas. "Ang kawawang pisngi koooo! P*ksh*t ka!" sigaw niya ulit pero mas malakas pa 'to kesa sa mga sigaw niya kanina.


"Hahahaha, sorry na! Namiss kase talaga kita eh!" sabay halakhak ko sa harapan niya. Itinuro ko ang pisngi niya. "Hoy namumula na 'yang pisngi mo! Hahaha." pang-asar ko pa lalo sa kaniya.


At alam niyo ba? Napansin ko na nagtitinginan na sa'min ung mga tao dito sa labas ng airport! Hayyy, kung tutuusin nga naman. Hindi pa 'rin kami sinapian ng hiya. Nakakamiss 'din tong bestfriend ko. Sana ganito nalang kami habambuhay, charr. Ang drama ko lol.


"Tss, oh siya na. Kanina pa tayo naghaharutan sa paligid! Mukha tayong mga unggoy na bagong laya sa lungga. Baka mamaya ay tumawag pa sila ng Zoo Keepers! Hahaha." sabi ni Steff


"Oh ano pa hinihintay natin? Gutom na gutom na rin ako, gusto ko nang kumain ng almusal sa inyo.  Ang mahal din kase ng tinda dun sa eroplano eh. Di ka na magtataka na may ginto dun sa pagkain!" reklamo ko.


"Hahahaha, kaya nga umuwi na tayo!"


"Oh asan na ung driver niyo? Akala ko may bagong kotse na kayo?" nagtatakang tanong ko.


Kahit may ugaling skwater 'tong kaibigan ko, eh may bahid din 'toh ng kayamanan. Negosyante kase ung magulang kaya ayun, richkid si bal.


"Eh bal uhm.., ginagamit ni Mader Nature ung kotse. Nagtaxi nga lang ako papunta dito eh." sagot niya.


"Ah okay, edi mag-taxi nalang tayo." suhestiyon ko.


"Uyy, di ka naman umasa di'ba?" malungkot na tanong niya.

Nangako kase si Steff kahapon na kotse nila ang sasakyan ko kapag nakauwi na ako dito, para naman daw hindi 'cheap' ang service ko dito. Eh eto naman ako, si UMASA, ayan tuloy. Biguan hahaha.


"Eh wala naman tayong magagawa eh, alangan papuntahin natin ung Mader Nature mo dito diba?"sarkastiko kong sagot sa kaniya at ngumisi.


"Eh yun ang sinabi mo eh, magtaxi ka mag-isa mo." tumalikod siya at naglakad palayo sa'kin.


Nakanang naman oo!, siya daw magsusundo tapos iiwanan niya ako dito? Ni hindi manlang niya ako tinulungan magdala ng mga gamit ko. Haystt, kaya MAHAL NA MAHAL ko 'tong kaibigan ko eh! 


Nakita ko siyang papunta ng parking lot. "Hoy, saan ka ba talaga pupunta?" sigaw ko sa kaniya. Di siya muna umimik at patuloy pa 'rin siya sa paglalakad.


"Bahala ka 'dyan!" sigaw din niya at saka tumakbo papalayo.


Ay putspa ng parlor naman! "Hintayin mo'ko!" sigaw ko ulit habang hinahabol siya.


Di ba niya iniisip na may mga dala akong bagahe dito? Hellooooo?? spell CONCERNED! 


"Bilisan mo! Ambagal moooo!" sabi niya at saka tumuloy sa pagtakbo.


The Only ExceptionWhere stories live. Discover now