Chapter TwentyThree - Vigan

Start from the beginning
                                    

"Hindi ako na" Alam nyo naman siguro kung bakit ko 'to ginagawa, para mahulog ang loob nya sa'kin. Binitawan nya ang kamay ko at hinayaan nya akong ako ang maglagay ng kanin sa plato nya.

"Bakit mo nga pala 'to ginagawa?" Tanong nya. Bigla akong nakaramdam ng kaba, ano ang isasagot ko?

Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin ako sumasagot. Kinakabahan na ako, ano kayang pwedeng isagot? Shet.
Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo?
Pero baka pagsinabi ko ang totoo ay magalit sya! Baka layuan nya na ako at kapag nangyari yon hindi ko na magagawa ang plano ko.

Nag-isip ako at ng makaisip na ako ay agad akong sumagot.

"Ah...eh diba napagod ka sa kakadrive kahapon?" sagot ko.

Kinagat ko ang dalawang labi ko dahil hindi ako sigurado kung naniwala ba sya sa sinagot ko. Shet!

"Okay" di pa rin ako sigurado kung naniwala ba talaga sya sinagot ko. Hayaan ko na nga lang.

Nang matapos na kaming kumain, naligo na sya agad at pagkatapos nya maligo ay ako naman ang naligo. Sinabi ko sa kanya na aalis kami dahil kailangan namin gawin ang research namin pero remember hindi naman kasama ang Vigan sa project namin, gusto ko lang talagang masolo tong si Spencer. HAHAHA!

Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako. Paglabas ko, nakabihis na si Spencer. Simple lang ang suot nya pero bagay na bagay sa kanya. Ang galing nya talagang magdala ng damit.

Kinuha ko na yung damit na susuotin ko at pumasok ako ulit sa banyo para doon magbihis. Ang isusuot ko ngayon ay simple lang rin.

Lumabas na ako ng banyo dahil tapos na akong magbihis. Nakaupo si Spencer sa sofa at nagce-cellphone. Humarap na ako sa salamin at nagsimulang ayusin ang sarili.

Spencer's POV

Nagfe-facebook ako ng biglang lumabas si Steph galing banyo. Ang ganda nya pala talaga. Kahit simple lang ang damit na suot nya ay bagay sa kanya.

Nagfacebook nalang ulit ako at inalis ang tingin ko sa kanya. Mahirap na baka mahuli nya kong nakatingin sa kanya.

"Let's go" sabi nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Inilagay ko na ang phone ko sa bulsa ko at tumayo na. Lumabas na kami ng room na kinuha naman at lumabas na rin ng Hotel.

Pumasok na kami sa loob ng kotse ko at ganon pa rin ang pwesto ng upo namin. Ako pa rin ang magda-drive at nasa tabi ko naman sya. Hindi ko alam kung bakit gusto nya akong makatabi, hindi ko alam kung may gusto ba 'to sa'kin?

"Ano ang pupuntahan natin?"


"Vigan. Yung mga bahay na luma" sagot nya. Pinaandar ko na ang kotse at pupunta na kami sa Vigan. May map app si Steph sa phone nya kaya siguradong hindi kami maliligaw.

Nandito na kami sa Vigan, yung may mga bahay na luma pero maganda pa rin at inaalagaan. Hindi ko alam kung ilang oras ang binyahe namin papunta dito pero palagay ko, mga dalawang oras.

Nagsimula na kaming maglibot-libot. Ang ganda dito at ang dami pang turista. Lahat ng makikito mo dito ay sinauna. Ang dami pang kalesa.
"Spencer, ngiti ka" napatingin ako sa phone ni Steph. Ngumiti nalang ako.

"Ang ganda ng picture natin, bagay pala tayo." Nagulat ako sa sinabi ni Steph habang nakatingin sa phone nya, tinitignan nya yung picture namin.

"Ay sorry, mag girlfriend ka nga pala." Sabi nya. Tinignan ko yung picture namin. Totoo nga ang sinabi nya, bagay nga kami.

Inilabas ko na ang dslr camera ko para kunan ng litrato ang mga bahay. Naghanap ako ng mga bahay ng biglang mahagip ng camera ang mukha ni Steph. Nakantingin sya sa isang bahay at nakangiti.

Aksidente kong naiclick ang camera kaya naman napicturan ko si Steph, bigla syang napaharap sa'kin dahil nasilaw sya sa flash ng camera.

"Pinipicturan mo ba ako?" Tanong nya.

"Ah...ah, aksidente ko kasing naclick ang camera eh sakto nahagip ka kaya nasama ka. Sorry!" sagot ko.
Lumapit sya sa akin at kinuha ang camera.

"Patingin nga" tinignan nya yung picture nya. Napangiti sya.

"Ang galing mo palang kumuha! Pwede kang maging Photographer! Ang ganda oh" sabi nya. Napangiti ako, totoo ang sinabi nya. Magaling talaga akong kumuha ng larawan, gusto ko ding maging photographer pero iba ang pinili kong course.

"Maghanap pa tayo ng pwedeng kuhanan" sabi nya. Naglakad-lakad pa kami.

"Spencer, picture naman tayo oh" sabi ni Steph.

"Diba nagpicture na tayo kanina?" Tanong ko.

"Oo nga pero gusto ko whole body naman." Sagot nya. Tumango nalang ako.

May kinausap syang lalake at hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila.
Nakita kong ibinigay ni Steph yung camera ko don sa lalake at lumapit naman sakin si Steph.

"Sya yung kukuha ng litrato sa'tin, oy ngumiti ka ah." Sabi nya sa'kin.
Nagready na kami, ngumiti ako. Nakalimang shot kami, kung ano anong pose ang ginawa habang ako purp ngiti lang. Di kasi ako sanay magselfie eh.

"Salamat" sabi ni Steph don sa lalake.

Umalis na yung lalake, pinakita naman sa akin ni Steph yung picture namin. Maganda ang pagkakakuha.
Nagresearch pa kami ng nagresearch. Nagsulat kami sa isang papel kung ano yung mga nalaman namin.

Mag-gagabi na kaya naisipan naming umuwi na. Pumasok na kami sa loob ng kotse, pinaandar ko na yung kotse para makabalik na kami sa Hotel.
Nagulat ako dahil sa sinabi ni Steph sa akin.

"Paano tayo makakauwi? Lowbat na ang phone ko at naiwanan ko sa Hotel yung charger ko" sabi nya.

Paano kami uuwi? Eh sa phone lang ni Steph may map app eh at wala sa phone ko. Naiwan ko din sa hotel yung charger ko! Putek paano na yan?!

"Paano tayo?" Tanong ko.

"Hulaan nalang natin yung daan. Meron naman siguro tayong natandaan na nadaanan natin kanina" sagot nya.

Pinaandar ko na yung Kotse. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Naliligaw na ata kami, hindi ito yung dinaanan namin kanina.

Paano 'to?

Note: HELLO GUYS! Siguro naman okay na yang update ko! Pambawi ko lang yan sa isang linggo kong walang update. At don naman sa Book 2 ng MSVMH! Hintay lang kayo. Muah! May wifi na kami ulit! Yesh! Yun nga lang, tuwing gabi lang ako pwedeng update dahil hindi gumaganda si utakels kapag tanghali at hapon! Gabi ako ginaganahan. HAHAHA!

Twitter: edrianxkathniel

Revenge ni Beki (Complete)Where stories live. Discover now