Liar 31: Flashback II

Começar do início
                                    

Napabuntong hininga na lamang ako at saka napahiga sa kama. Pumikit ako at tila kusang bumalik sa mga ala ala ko kung paano ko nakita muling si Light at kung paanong naging mag-asawa kami.

Flashback

Tinungga ko ang bote ng alak na nasa harapan ko. Ramdam na ramdam ko sa aking lalamunan ang hagod noon, na siyang nakapagdagdag pa ng emosyon ko na nararamdaman ko ngayon.

Malakas ang ingay sa loob ng bar na ito, at halos kumabog sa lakas ng musika ang puso ko. Bagaman, hindi ko iyon alintana dahil kahit gaano kalakas iyon ay tila mas malakas pa din ang isinisigaw na pangungulila ng isip ko.

Bumalik ako sa lugar kung saan ko nakita o namalikmata si Light subalit ni anino o hibla ng buhok niya ay hindi ko makita. Ilang araw na din akong pabalik balik doon subalit wala pa din talaga. Minsan nga ay naiisip ko na sumuko na lamang ako at bumalik na lamang muli sa Pilipinas dahil wala naman akong napapala dito.

Nasaang lupalop ka ba Light? Ganoon na lamang ba ang kagustuhan mong hindi ako makita?

Kumirot ang puso ko dahil sa aking sitwasyon kaya naman noong maubos ko ang isang bote ay muli akong kumuha ng isa at saka iyon muling ininom na para bang tubig kahit napakalakas ng hagod noon sa aking lalamunan pababa sa aking dibdib.

Napakainit na din ng pakiramdam ko ngayon. Nagtatalo din ang isip ko kung susuko na ako o magpapatuloy pa.

Habang nag-iisip ako ng ganoon ay biglang nawala ang malakas na ingay na halos bumubulabog sa buong lugar. Ang narinig ko na lamang ay ang isang musika na tila may halong mga echo ng boses. Hindi ko alam kung bakit tila naakit akong pakinggan ang musikang iyon.

Koryano ang mga salitang aking naririnig at pasalamat na lamang ako at naiintindihan ko iyon, at wari ko'y may bumara sa lalamunan ko dahil sa parang pabulong na tinig noong kumakanta subalit bawat salita ay napakalakas ng patama sa akin.

Ang tunog noon ay sadyang nakakapaghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.

"Will I see you again?"

Unang mga salita pa lamang ay parang iyong tinig na mismo ang naghatid ng gusto kong itanong kay Light. Makikita ko pa ba siya o hindi na? Iyong napakasimpleng tanong na iyon na ang sagot ay oo lamang o hindi ay isang napakahirap na palaisipan para sa amin.

"I'm standing in front of destiny
That has passed me by again
Was it a dream that we couldn't wake from?
You're getting farther away and I couldn't tell you
Not even once."

Nandito ako, ikaw, tayo. Muling hinaharap ang mapulit na hagupit ng kapalaran. Patuloy kang lumalayo at patuloy kang nagiging isang misteryo. Sa pagkakataong bang ito malalampasan pa natin ang lahat? O ito na mismo ang tamang panahon na idinikta ng tadhana upang huwag na muling magkrus ang ating mga landas?

"I love you
Deep inside my heart
Don't let me cry."

Napatulala ako at napalunok. Unti-unti lumabo ang paligid ko, dahil sa tubig na namumuo sa aking mga mata. Napa-awang ang aking mga labi at napapikit ako ng madiin. Doon ko naramdaman ang pagpatak ng mahahapding luha sa aking mga mata. Mahal kita, Light. Huwag mong hayaan na sumuko ako sa iyo...

"You're a dream that'll disappear once I touch you,
Like snow that melts
When I missed you, I became you."

She's a dream, I am a nightmare. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi kami para sa isa't-isa? Nakakatakot na masyado ang paglalaro sa amin ng tadhana. Sobra sobra na din ang pangungulila ko sa kaniya.

"I didn't hold onto you
Because I thought you'd come back
I thought I'd see you again if I kept longing for you
The start and end of my feverish feelings
I'm standing at the start and end."

Liars CatastropheOnde histórias criam vida. Descubra agora