Chapter 22: School ID

Start from the beginning
                                    

Sinalubong siya ni Adeline ng mahigpit na yakap. "I'm proud of you anak. I'm proud of you..." umiiyak na saad nito kay Hiro.

I know Mom. Ikaw lang naman ang kakampi ko sa pamamahay na ‘to.

“Kamusta ang byahe ha?” Pag-iiba ni Adeline ng usapan sa pagitan ng pagluha.

Napailing na lamang si Hiro sa inaakto ng ina. "Bakit ka ba nagtitiis sa kanya Mom? Nakakapagod intindihin si Daddy."

"Sssh. Unawain mo na lang ang Daddy mo. Kapakanan mo lang ang iniisip non. Tara, kumain ka na nga muna," sabi nito habang pinapahid ang mga luha sa mga mata.

Hindi na lamang sumagot si Hiro. Alam niyang ayaw ng Mommy niyang magtanim siya ng sama ng loob sa ama.

But it’s too late Mom. Tao lang din ako.

***

Kinahapunan ay nakatanggap ng text si Hiro mula kay Mark na nag-aaya kung gusto niyang sumama sa family day nila Charlie sa UST.

Agad naman siyang nagpaunlak at dali-daling gumayak. Ayaw niyang maburo buong maghapon sa mansyon nila. Sa katunayan ay nag-aaya din ang mga kabarkada niya sa banda at ilang kaibigan pero wala siyang ganang makipag-inuman. Mas gugustuhin pa niya ang magmukmok kapag ganoong wala siya sa mood.

Swabe siyang nagdrive ng kotse papuntang UST habang discreet na nakasunod ang mga bodyguards.

Napangiti na naman siya habang nagda-drive. Isa lang kasi ang ibig sabihin niyon.

Makikita niya muli si Louie.

Pagkatapos ipresinta ang student ID sa guard katulad ng kinagawian ay pumasok na siya sa loob. Pasimple niyang sinuksok ang ID sa bulsa sa likod ng pantalon. Kaibigan niya na din ang ilang guards na pamilyar na sa kanya dahil sa ilang beses na pagpunta sa UST.

Dahil alam na niya ang pasikot sikot sa campus ay inuna muna niyang hanapin ang classroom ni Louie.

Habang daan ay napansin niyang pinagtitinginan siya ng mga estudyante at ang iba ay ngumingiti pa. Dahil likas na palakaibigan ay ngumiti din siya sa mga ito. Kulang na lang ay literal na magtilian sa harap ng binata. Iiling iling na lamang si Hiro at lihim na natawa sa mga ito.

"Miss, alam mo ba kung saan yung classroom nina Louie?" Magalang na tanong ni Hiro sa nadaanang estudyante. Masyado kasing madaming tao kaya nahirapan din siya sa pag-isa isang pagcheck ng mga classrooms.

Madami dami na din ang mga napapatingin sa kanya.

Tinuro naman ng natanungan niya ang hinahanap kaya nakangiting nagpasalamat siya dito bago tinungo ang silid ng pakay na dalaga.

NYORKWhere stories live. Discover now