Chapter 22: School ID

10.8K 168 38
                                    

____________________________________________________

Pebrero

Tumayo si Lorenzo at padaskal na binagsak ang sobre sa harap ni Hiro ng makapasok ito ng study room.

"Explain this to me Lloyd Hiro!"

Kararating lamang ng binata mula sa anim na oras na byahe galing  La Union. Pinasya niyang Sabado na lamang bumiyahe upang huwag siyang gabihin pauwi. Iyon din kasi ang kagustuhan ng kanyang ina. Medyo maulan na din netong nakaraang araw at madulas ang daan.

Hindi man lamang muna siya pinakain ng tanghalian ng ama. Gusto daw siya nitong kausapin ng sarilinan.

At ito na nga iyon.

Nang buksan ni Hiro ang naturang sobre ay bahagya siyang nagulat sa nakita. Resulta iyon ng UPCAT. Nakasaad doon na naipasa niya ang kursong Industrial Engineering sa Diliman Campus.

Bahagya siyang napangiti sa kaalamang naipasa niya ang naturang exam. "I actually—"

"You actually what Hiro?! C'mon tell me. You actually made decisions without consulting your father?" Putol sa kanya ni Lorenzo.

"S-Sinubukan ko lang naman Dad..." pagpapaliwanag niya sa ama.

Nagpalakad lakad si Lorenzo sa loob study room habang kausap ang binata. "Sabi ko sa London ka mag-aaral. Pero pumayag na ako sa pakiusap ng Mommy mo na dito sa Pilipinas basta huwag sa UP. Di ba napag-usapan na natin 'to? Ano'ng mahirap intindihin sa mga sinabi ko Hiro?"

Napayuko na lamang si Hiro sa takot na salubungin ang galit ng ama. Alam niyang hindi siya mananalo sa kahit ano'ng usapan nila lalo't sinuway niya ang kagustuhan nito sa unang pagkakataon.

Matagal na sandali ang naghari bago sinubukan ni Hiro ang magsalita.

"D-Dad... A-Aren't y-you p-proud that I passed UPCAT? I-I heard i-it's difficult to—"

"Proud?! You disobeyed your father and you expect me to be proud?!" Maigting na saad ni Lorenzo sa anak. "You're unbelievable!"

Lihim na nakuyom ni Hiro ang mga kamay.

No Dad. You're unbelievable.

Alam niyang kahit kailan ay hindi niya maaabot ang mataas na expectations ni Lorenzo pero hindi niya pa rin maiwasang hindi masaktan sa harap-harapang pagpaparamdam nito sa kanya kung gaano kawalang kwenta ang mga desisyon niya.

"Any school except UP. End of discussion."

Nang umupo ang ama sa swivel chair nito at isinuot ang salamin sa mga mata ay alam na ni Hiro na tapos na nga ang usapan.

Marahan siyang tumalikod at naglakad palabas ng study room. Akmang susuntukin niya ang pader ng tuluyang makalabas pero mapansin niya ang kanyang ina na papalapit sa kanya.

NYORKWhere stories live. Discover now