Chapter 14: First Meeting

12.5K 178 31
                                    

________________________________________________

Pabiling-biling sa higaan si Hiro.

Hindi na halos makatulog ng maayos sa pag-iisip ng mangyayari kinabukasan. Maya-maya ay tumayo ito at nagtungo sa labas ng bahay.

Palakad lakad siya habang kinakausap ang sarili.

"Hi Louie! I'm Lloyd Hiro. I'm your destiny."

 

“Tss. How lame...”

"Louie! Hello. How are you? 'Doin’ great man?"

“Argh... Pangit. Tsaka hindi niya pala alam na kilala ko siya.”

He cleared his throat.

“Ehem ehem... Hi. You must be Louie, right? I'm Lloyd Hiro. Can we be friends?"

“Pwede na siguro yan hehehe.”

"HOY PANGET! Pumasok ka nga! Sino kausap mo? Nababaliw ka na ba?! Pwes huwag mo akong idamay! Nang-iistorbo ka ng tulog!"

Napakislot si Hiro sa tinig ni Charlie na nasa pintuan. "Papasok din ako mamaya."

"Aswang ka ba? Alam mo bang alas dose na? Pinapasundo ka kaya nila Mama. Magpatulog ka naman! Pumasok ka na bilis! Ayokong mapuyat may gagawin pa ako bukas hmp!"

Naiiling na sumunod na lamang si Hiro kay Charlie kahit gustung-gusto na niyang tirisin ito.

***

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na si Hiro. Masigla niyang ginawa ang mga nakatokang gawain habang pasipol sipol pa.

"Charlotte, ako na bahala diyan. Sige na." Taboy niya sa dalaga ng akmang pupunasan nito ang lamesa.

Nagdududang napaangat ang tingin nito sa binata. "Anyare sayo?"

"Wala lang." Ngiting-ngiting kumindat pa ito kay Charlie.

"Baliw." Sagot nito bago siya tinalikuran.

Pagkatapos maghugas ng pinggan at magpunas ng lamesa ay naligo na si Hiro. Pumasok si Charlie sa kwarto na inabutan siyang hindi magkandatuto sa pagpili ng susuotin. Nagkalat kasi ang mga damit niya sa kama.

"Hoy ayusin mo yan mamaya ha! Ang kalat kalat mo! Wala kang yaya dito noh!"

"Oo na. Lumabas ka na nga. Ba't ka ba nandito?"

"Kwarto ko din naman 'to ah! Tsaka iinggitin lang kita kasi dadating si bespren mamaya bleeeeh!"

"Alam ko."

Halos manlaki ang mga mata nito sa narinig.

NYORKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon