Chapter 29: The Cause

10.5K 155 56
                                    

____________________________________________________

"Grasa!"

Malakas na sigaw ni Hiro sa labas ng gate nina Taki. Nakita niya ang kaibigan na kasalukuyang abala sa paglalaro sa alaga nitong Dalmatian. Nagpapahabol ito sa alagang aso.

Parang timang lang.

“Taong grasa!” malakas niyang ulit at sa puntong iyon, napansin naman siya ng kaibigan. Saglit nitong iniwan ang alaga at pinagbuksan siya ng gate.

"O bakit?" Kunot-noong tanong ni Taki nang makalapit sa kanya.

"Ba't ang kupad mong kumilos? Para kang babae ah. Asan ba mga katulong niyo, ba't ikaw ang nagbubukas ng pinto?"

"Hindi po kami singyaman niyo senyorito. Pareho lang tayong solong anak pero isa lang ang katulong namin at kasalukuyang naglalaba," sarkastikong paliwanag naman kay Hiro ni Taki.

"Oo nga pala." Hindi pinansin ng binata ang pasaring ng kaibigan na lumingon lingon pa muna sa labas ng gate bago tuloy-tuloy na pumasok sa sala nina Taki.

"Wow naman. Parang hari kung umasta ah. Bahay niyo?" Puna ni Taki sa kanya. "At teka nga, anong nililingon mo sa gate eh ilang bloke lang naman ang pagitan ng bahay natin, may pinagtataguan ka ba?"

Mabilis na hinawakan ni Hiro ang kamay niya upang patigilin ang kaibigan sa pagsasalita. "Hinaan mo lang ang boses mo. Nandito ba ang Mommy mo?"

Ang alam ni Hiro ay tanging isang kawaksi, isang hardinero at Mommy lamang ni Taki ang kasama nito sa bahay. Kapitan kasi sa barko ang Daddy nito at madalas ay isang taon pa bago umuwi.

"Nagbakasyon sa Thailand. Bakit? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Nakahinga naman ng maluwag si Hiro sa narinig. "Mabuti naman. Yung bodyguards ang pinagtataguan ko. Kaya nga nilakad ko lang 'tong inyo para akalain ni Mommy na dito lang ako sa sub. Tara, labas naman tayo."

Tinitigan siya ni Taki saglit bago nagsalita. "May problema ba?"

"Wala."

***

 

Two hours earlier…

"Anak, alam mo maganda naman sa Aten—"

 

"Mom, tell me we're not really going to discuss this again. I've made up my mind," desididong saad ni Hiro sa ina na halos kakapasok lang sa silid niya.

 

Pagkatapos lisanin ng ama niya ang hapag kainan noong nakaraang araw ay kinukulit na siya ng ina na sa Ateneo mag-aral. Sinabi nito lahat ng pros and cons. Alam niyang ayaw lamang ng Mommy niyang magtampuhan ulit silang mag-ama. But he knew damn too well. Mas lamang ang katotohanang ayaw nitong suwayin niya ang kagustuhan ni Lorenzo, for the first time.

NYORKWhere stories live. Discover now