“Hindi ko alam Jaehee na joker ka rin pala.” Sabi ng isang kaklase namin.

“Oo nga. Ang bata-bata pa nila para magpakasal.” Sabi naman ng isa sabay hagalpak ng tawa.

“Ano ito? Nasa Wattpad ba tayo?” sabi naman ng isa.

I clenched my jaw. Kainis tong mga ito ah! Hindi na nga pala kasi uso sa panahon ngayon ang fixed marriage. Malamang, hindi sila maniniwala. Pero balitado naman na ikakasal si Taejoon ah! Ang weird naman ng mga tao dito.

“Mag-kiss nga kayo! Para maniwala itong mga ito!” utos ko sa dalawa.

Namula naman ang mga pisngi nila. Hala, mukhang nailang. Hindi ba sila nag-kikiss?

“What’s happening here? Go back to your seats!” nagulat kaming lahat sa pagdating ni Mr. Lee. Nagsibalikan kami sa mga upuan namin. Kasunod niyang pumasok ang iba naming mga kaklase. Napatingin ako kay Krystal. Wala siyang katabi. Nasaan si Taejoon? Naunang pumasok sa akin yun eh.

“Nakita mo ba si Kang-Kong?” bulong ko kay Amber na inaantok. Umiling siya.

“As you can see, wala si Kang Taejoon dito ngayon.” Ayun, mukhang sasagutin ni Sir ang tanong ko. Narinig kaya niya yung bulong ko kay Amber? “Nagttraining siya ngayon. Excused siya sa buong araw ninyong klase.”

Oh. Okay.

Boring ang buong araw. Duh, paduguan ng utak. Nakakaloka. Nagdoodle lang ako ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko. Mga walang kwentang bagay.

Kasabay kong naglunch sina Amber, Luna, Victoria at Krystal. Medyo awkward nga lang dahil nandiyan si Krystal. Simula noong intense na paguusap namin noon, hindi na niya ako pinansin. So technically, si Amber, Luna at Victoria lang ang nakakausap ko.

After ng lunch, nagpaalam ako sa kanila na may gagawin ako. Pero ang totoo lang, pupuntahan ko si Taejoon sa gym. Baka hindi pa siya naglulunch yun eh. Bumili kasi ako ng extra food kanina.

Pumunta na ako sa gym, naka-sara yung pinto. Sumilip ako kaso ang dilim sa loob. Imposible namang nandoon siya sa loob tapos naka-off yung ilaw diba? Saktong pagtalikod ko, may dumating na lalaking nakakatakot. Ito ata yung coach.

“Anong kailangan mo?” tanong nito. *lunok*


“A-ah.. Alam niyo po ba kung nasaan si Taejoon?” kinakabahang tanong ko.

Marrying My Ex [MinSul]Onde histórias criam vida. Descubra agora