Hindi siya sumagot. Umupo siya sa may sofa at nakita ko siyang yumuko at nakatingin sa sahig.

“Dalawang linggo tayong hindi nagkita, anong gusto mo ng gawin ko? Lagi na lang bang ganito?” tuluyan na kong humihikbi habang nagsasalita ako, “Kung hindi ka magkakaroon ng time para sa akin, mabuti pang mag-cool off muna tayo. Hanapin mo na lang ako kung sakaling okay ka na,” at pagkasabi kong ito, lumabas na ako ng apartment niya.

*End of Flashback*

Kaya hindi ko lubusang maisip kung bakit ganoon na lang ang narinig ko sa faculty room nung isang araw. Isang professor ang nagsasabing, Rye is hers kuno. Nakakairita. Cool off hindi break up ang sinabi ko. Napakaliwanag.

Second Sem na. Second sem na nang buhay ko nang nakilala ko siya. May mali ba sa akin? Willing naman akong magbago… para sa kanya.

“Excuse me, is this a Values Ed. Class?” tanong ko sa isang babaeng nakatayo sa labas ng Room N304.

“Opo, irreg po kayo?” tanong niya. “Oo,” maikli kong sagot.

“Ay ate, dito po kayo,” tumingin siya sa loob ng classroom tapos may sinenyasan siyang matabang lalaki na kumuha ng upuan para sa akin. “RJ! Pakuha naman ng upuan si ate! Bilis!”

Nakita kong nagbigay talaga sila ng upuan sakin. Nag-thank you naman ako. Tapos, uhm. Ang weird lang. Hindi ko kasi inexpect na papasok pa ulit ako. Sht. Hindi ko matanggap. Okay, I am supposed to be teaching na talaga.

Halos kalahating oras na rin akong naghihintay sa loob ng room na ‘to. At sa paghihintay kong yun, may sapilitan akong nakilala. Si Kisha, Trixia, at Irene. Lahat sila, magkakaseat mate, katabi ko rin naman sila. Uhmm. Medyo fashionista tong mga batang ‘to. Binigay ko number ko sa Kisha, para daw kapag wala si Ma’am eh itetext niya raw ako.

“Classmates, hindi daw darating si Ma’am, pero may iniwan siyang homework,” sabi nung babaeng umabang sa akin sa may pintuan. Siya siguro ang presidente ng classroom. Uhuh.

Ganitong ganito rin kami sa classroom last sem eh. Kaya lang, wala naman akong kaclose no’n bukod kay Roxanne at iba pa. Ganitong ganito rin yung scenario nang una kong makita si Sir.

Pagkatapos kong kumpoya ng assignment at magsulat sa attendance, lumabas na ko ng classroom. Bumalik ako kay Miss Soriano para sabihing wala ‘yung professor na impaktang kembot na Chloe na yan. Then, I decided to go home. Kaya lang, nasalubong ko na naman si Rye at Chloe. Of all people! Siya pa? What the f.

“Hi. Rye,” kung makabati naman ako, as if walang cool off na naganap. Eh mahal mo eh. Kapag mahal mo talaga ‘yung tao, willing kang magpakatanga para dito.

“Rebecca. Are you free today? Pwede ka bang makausap?” he asked. Kaya lang…

“Sir Medrana. I think you are the one who’s not free today, may meeting po tayo mamaya with Dean. Urgent. As in, I received her text just now.”

“No Ma’am Solomon, it’s okay. She’ll understand,” tapos tumingin siya sa akin. “Ano Bec, 12nn later sa canteen ha?”

“Sure,” at si Chloe ang tinignan ko. Well. Inirapan ko siya. Ang angas ko for looking at her that way. Hahaha. “Sige na Rye, at Ma’am CHLOE *sarcarm here*, I need to go to library first,” then I smiled sarcastically. Logical naman ang argument ko di ba? Hindi ko naman siya sinaktan, physically. Mentally? YES!

***

As soon as I arrived at the Library, nakita ko si Denise do’n. Yes! Naalala ko na ang pangalan niya. Nagulat ako, kasi mag-isa lang siyang nakaupo at nagbabasa ng libro. Ang librong binabasa niya pa ay Have A Little Faith.

Tumabi ako sa kanya, “Kamusta?” ang random na tao ko lang. Kasi naman, hindi naman kami close nito. Wala lang talaga kong makausap kasi may klase si Roxanne.

“Ayos lang po Ate Bec. Kayo? Musta rin kayo ni Sir Rye? Bakit parang hindi kayo nagpapansinan?”

Ay intregerang bata.

“Uhm. Mahabang kwento. Isang buwan siguro kailangan ko para ikwento. Hehe. Musta Debate Club?”

“Si Ma’am Anna at Sir Rain na po ang coach namin. Si Arnold pa rin ang president. Nagquit na ko. Study first muna. Tsaka, nag-student assistant ako this sem eh.” Sabi niya.

“Uhh. Kaya pala. Mabuti ‘yon. Anyway, anong balita sa school?”

“Last two weeks, nagkaroon ng teambuilding ang Faculty. Ayon, 1 week rin ‘yun. Out of the town, kaya kung may makikita kong super close teachers, ‘wag ka na pong magtaka.”

“Ay oo! Wala namang kataka-taka kay Sir Rain at Ma’am Anna, hehe,” at nagflashback bigla ang panggugulo sa amin ni Rain dati.

“Hindi ‘yun ang tinutukoy ko. Si Ma’am Chloe at Sir Rye. Ang close na kasi nila masyado. Cool off ba kayo nun?”

Mas naging intimate ang tanong niya. I’m sure, mas random siya sa akin.

At biglang nag-shhh ang matandang librarian sa gilid.

“Uhm. Denise. Sorry ha. Pero kung balak mong siraan si Rye sa akin, matatanggap ko. ‘Wag mo lang siyang i-link sa iba. Ayos na ‘yun sa akin.”

“Ate Bek, hindi naman sa sinisiraan ko siya noh. Ang akin lang, mag-ingat at magmasid ka. Minsan kasi, nakakalimutan na natin ‘yung mga taong nagmamahal sa atin dahil nakapokus tayo sa kapintasan nila,”

Medyo natulala ako sa final words niya. Pero, after no’n, natanggap ko na ‘yung text ni Rye.

“See me now at Room 604.”

 

Akala ko ba sa canteen? Shall I tell him what Denise just told me?

***

Hello pips! Pangatlong araw na po ngayon after last chapter kaya may UD na. Mehehe. Sana 'wag kayong magsawang suportahan ito.

Keep safe everyone. Iloveyouallnatalaga.

fb.com/imtheweirdapple

@imtheweirdapple -- twitter

Sir, You're Mine. FINISHEDWhere stories live. Discover now