Chapter2: The Mysterious School

En başından başla
                                    

“Even though marami ang sinisiraan ka at nilalayuan, we’ll stand by your—” Hindi ko na pinatapos mag-salita ‘yung lalaking president daw ng fansclub ko dahil nakaramdam ako bigla nang pagkainis sa sinabi niya.

“Sorry, pero kung hindi kayo customers na bibili dito, p’wede ba umalis nalang kayo? Kailangan ko pa mag trabaho. Now, if you excuse me.” I impassively said and turned my back on them.

“Sandali, bibili kami! Bibili kami, miss Eris!” Napalingon ako sa kanila. Nakita ko pang nakataas ang kamay niya na para bang isang bata. Naningkit ang aking mga mata at napailing. Seriously, I suddenly feel tired already.

“Bibilhin namin lahat ng cakes na ‘yon, but in exchange makakapagpa-picture kami sa’yo.” napataas bigla ang aking kilay habang tinitingnan siyang nakaturo sa counter na may sampu na ibat-ibang klase ng cake. Pero hindi dahil doon kung bakit ako napataas ng kilay, kun’di dahil sa ‘exchangena sinasabi niya.

Dahil sa offer niya, napa-isip ako. Kung mauubos agad ang cakes namin, siguradong matutuwa ang boss ko at maaga akong makakapag out, pero yung kapalit... Hmm.

Picture lang naman kaya, “Sure, deal.”

Napangiti siya at sumigaw ng, “Yes! Whoo! Thank you, miss Eris!”

“Please calm down, naiistorbo mo ang ibang customers.” I sighed as I stressfully closed my eyes.

Akala mo naman nanalo siya sa lotto kung sumigaw. Napa-iling nalang ako at lumapit sa counter para sabihin na bibilhin nila ang lahat ng cake namin. Palibhasa mga mayaman kaya ayos lang sa kanila ang gumastos nang malaki. Barya lang ‘yon para sa kanila.

Matapos ibalot lahat ng cake at mabayaran nila, ay agad naman akong niyakap nung president nila. Hindi agad ako nakapag-react sa ginawa niya pero ilang segundo lang naman ‘yon at siya na mismo ang nagkusang kumalas sa pagkaka-yakap. Napatitig lang ako sa kaniya nang walang emosyon, habang siya naman ay sobrang lapad ng ngiti.

Is that really enough for him to be this happy? I really don’t get him.

“Salamat, miss Eris! Thank you talaga! sa’yo na ‘yung dalawang cake, ha? Ang dami kasi niyan, ‘di ko alam kung kanino ko pa ibibigay ‘yung iba. Hehe.” nahihiyang natawa siya nang mahina at napakamot sa kaniyang ulo.

Hah~ See? Iba talaga kapag mayaman.

Matapos ang halos walang katapusan na pag papa-picture nila sa’kin ay nag handa na ako para pumasok sa school. Afternoon classes lang ang meron ngayon. Ganito talaga kapag working student. Kailangan ko mag ipon at para maging proud din sa akin si Hannah, na kaya ko na tumayo sa sarili kong mga paa.

Sa katunayan, kayang-kaya ko na tustusan ang aking sarili kahit hindi ako mag-trabaho pero gusto ko parin mag-ipon. Actually, malaki rin ang naiwan na pamana sa akin ni lola. Lahat ng ari-arian niya napunta na sa akin, and because of that I can actually make a living, but I choose to stand on my own two feet. We already have business, but since I’m still underage and lacks of experience, I left it with our trustworthy acquaintance— my grandmother’s right hand man, Sir Bennett.

Okay, I’ll be honest. I just can’t bring myself to spend my grandmother’s savings. Hanggat hindi ko pa ‘yon kailangan, hindi ko muna ‘yon gagamitin.

“Ma’am, alis na po ako.” paalam ko at marahang yumuko bilang pag-galang. Bitbit ko na rin ang dalawang box ng cake na ibinigay sa akin. ‘Yung isa siguro iuuwi ko nalang at ang isa naman ay ibibigay ko sa mga guards doon sa school. Malaki din kasi ang pasasalamat ko sa kanila.

“Sandali lang, hija!”

“Ah, Bakit po?” lumapit sa akin ang boss ko at nginitian ako. Iniabot niya sa akin ang isang sobre. Naguguluhan naman akong napatingin sa kaniya.

Allison AcademyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin