Chapter1: The Name is Eris

7.8K 304 34
                                    

ERIS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ERIS

“Good morning!”
“Good morning!”
“Tara na bes! Sabay na tayo.”
“Pre, late ka ata? Hahaha!”
Tinanghali kasi ako ng gising. Napuyat ako kakalaro kagabi hahaha!”
“Ayan, laro pa! Hahaha”

Napangiti nalang ako nang mapait habang pinagmamasdan ang mga ka-schoolmates ko na nakangiti, tumatawa, at higit sa lahat, kasama ang mga kaibigan nila.

Nakakainggit.

Nasa hallway ako ngayon patungo sa aming classroom at heto, pinag-titinginan na naman ako ng mga estudyante.

Sa araw-araw na pagpasok ko sa eskwelahan, palagi nalang nila akong pinag-titinginan at nilalayuan na parang bang hindi ako dapat kinakausap o kinakaibigan.

“Look, and'yan na siya.”

“Nakakatakot siya 'no?”

“Yeah right, and you know what? Kahapon nag resign siya sa pinag-tatrabahuhan n'yang grocery store.”

Ehh? Bakit naman?”

“Ang sabi ng owner nung shop, basta nalang daw siya umalis at binasag pa lahat ng salamin!”

“Creepy...”

I frustratingly sighed after hearing those words. Ayan na naman sila, pinag-kukwentuhan na naman ako. Nagbubulungan pa sila, e naririnig ko rin naman.

Wala talaga nakakalampas sa mga tsismosang katulad nila. Kahapon lang ‘yon nangyari pero alam na agad nila. I'm sure ilang minuto lang mamaya at kakalat na 'yon sa buong school, and after an hour kalat na 'yon sa buong bayan namin. Worst abot pa sa mga karatig bayan.

Ang sabi nga nila, ‘May pakpak ang balita, may tenga ang lupa,’ kaya hindi na ako mag tataka kung maging usap-usapan na naman ako sa buong lugar namin.

Ginawa niya 'yon?

Ay girl, oo! At hindi lang 'yon, sinaktan pa niya 'yung owner ng grocery store! Puro pasa nga siya e. Oh my gosh talaga!

Grabe... Nakakatakot.

“Hah! I know right!?”

I just clenched my fist in anger, dahil hindi naman ‘yon ang totoong nangyari. Sabihin na natin nabasag ko nga ang mga salamin sa shop pero hindi ko naman siya sinaktan nang sobra. I just slapped him, that’s all.

Why do they always have to make stories para lang i-justify side ng mga taong may maling nagawa? ‘Yan talaga ang problema sa kanila, pinapakinggan nila ang side ng ibang tao pero yung side ko, never nilang inalam. Ako na nga ang biktima dito, ako pa ang naging masama.

Allison AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon