Chapter2: The Mysterious School

6.5K 294 32
                                    

ERIS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ERIS

“Thank you ma’am, please come again.” masiglang bati ko sa customer namin bago siya tuluyang makalabas ng shop.

“Good Morning, miss Eris!”

Napalingon ako sa taong tumawag sa’kin at agad na nanlaki ang aking mga mata.

Oh my gosh! Anong ginagawa nila dito!?

Papalapit sa akin ngayon ang isang lalaki. Ka-schoolmate ko siya pero until now hindi ko parin siya kilala. I usually see him for the past two years. I think nagpakilala na siya sa akin dati pero hindi ko na maalala kung ano ang pangalan niya at wala din naman ako balak alalahanin pa.

Yayakapin niya sana ako pero inunahan ko na siya. Iniharang ko agad ang aking kamay sa kaniyang mukha para hindi na niya maituloy ang kaniyang binabalak.

“Bakit andito kayo? Paano ninyo nalaman na nag ta-trabaho ako dito?” Kunot noong tanong ko sa kanila.

I always act like this, I have to be cold at them. Hindi naman talaga ako ganito, hindi din ganito ang pakikitungo ko sa ibang tao before pero kailangan kong gawin para lubayan nila ako. Ang problema lang, minsan walang epekto sa kanila, kahit ipag-tabuyan ko pa silang lahat hindi nila ako tinitigilan. Talk about being so persistent on pestering my life.

Itinulak ko naman ang pagmu-mukha nitong lalaking nasa harap ko. Inayos niya ng mabilis ang kaniyang sarili sabay kindat sa akin. Napa-taas tuloy ang aking kilay.

Wow? Saan humuhugot ng lakas ng loob ang lalaking ‘to?

He smiled widely, “Uyy~ curious siya kung paano namin nalaman.” pang-aasar pa niya sa‘kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at mukhang naintindihan naman niyang wala ako oras para makipag-lokohan.

He laughed awkwardly and cleared his throat, “Dahil kami ang masusugid mong fans! Ako ang President sa Eris lovers fansclub kaya alam ko ang lahat ng tungkol sa’yo. Marami kaming communications kaya nalaman namin na dito kana sa coffee shop na ‘to nag-tatrabaho, miss Eris.” nakangiti at sobrang sigla niyang sagot sa’kin.

I just look at them blankly.

Ahh... Fansclub daw? Corny, hindi naman ako artista.

Hindi ko alam na nag e-exist ang gano’ng klaseng fansclub, ngayon ko lang nalaman. Hindi ko rin naman kailangan ng fans. Ang gusto ko lang ay lubayan na nila ako, so I can have a peaceful life.

“Inaalam namin ang lahat ng tungkol sa’yo, pati na rin kung saan ka nag ta-trabaho, miss... Miss Eris.” sagot ng isang batang babae na kasama nila.

Aww~ She’s cute and I think she’s just an elementary student. Bakit siya sumasama sa lalaking ‘to? Tsk, tsk. Baka mahawa siya sa kakornihan ng lalaking ‘to.

Allison AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon