"Sige!" Agad na inalis ni Zian ang pagkakahigit ni Allen sa kwelyo niya at tinulak ito sa balikat. "Tara sa parking lot, ano?"

"Tangina, akala mo uurungan kita?" Tinulak din ni Allen si Zian sa dibdib.

"Oo, tama!" Sumabat naman ulit ang pinsan ko. "Do'n kayo sa labas! Ang tatapang niyo, ah? Sige, magpatayan kayo hangga't gusto niyo. Pero wag dito. Nakakahiya kayo. May mga pasyente sa kabilang kwarto, sigawan kayo nang sigawan! Lumabas kayo, labas!"

Napahilot na ako sa noo ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga pinaggagawa nila.

Is this really happening? Kung ganito lang pala ang mangyayari sana hindi na muna ako nagising. They're doing all these in front of me! Parang hindi ako makapaniwala. Parang hindi totoo.

Si Zian ang unang umatras. Inayos nito ang suot na damit at saka inangasan ang asawa ko. "Hihintayin kita sa labas."

Sinundan ko lamang siya ng tingin habang naglalakad ito palabas ng silid.

Diyos ko, ang tapang niya para hamunin ang asawa ko nang gano'n! I've witnessed them duel many times before at kahit kailan hindi siya nanalo kay Allen. My husband was stronger and tougher than him. Ano bang nagpapalakas ng loob niya ngayon?

Nalipat ko ang tingin ko sa asawa ko. At kinabahan na lang ako nang makita na ang sama ng titig niya sa 'kin. Para bang sasaktan o sisigawan niya ako ano mang oras.

Buti na lang hinarangan agad siya ni Leila. "Oh, anong tingin 'yan, Allen? Walang kasalanan si Vannie rito, ha. Hindi siya ang kaaway mo. Ando'n." Tinuro nito ang direksyon kung saan lumabas si Zian.

Doon lang tila natauhan ang asawa ko. Pumikit ito nang madiin bago ako muling tiningnan nang matalas. "You stay here." Tapos mabilis na ring lumabas.

Napabalik na lang ako ng higa rito sa kama. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko, pero hindi talaga ako mapakali!

Hindi ko na lang namalayan na napaiyak na naman ako. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Patong-patong na. Ang totoo, hindi naman talaga si Zian ang sumira sa buhay namin ni Allen eh. Ako. Dahil lang sa kasalanan ko, kailangan pa silang umabot sa ganito. Humikbi ako at tsaka ko naramdaman si Leila na lumapit sa 'kin.

Hinaplos niya ako sa buhok. "Relax lang, Vannie. Everything will be okay."

Tiningnan ko siya. "Bakit mo naman sila hinayaan nang gano'n? Ikaw pa 'tong naging promotor."

Napabuntong-hininga siya. "Hayaan mo na sila."

"No! Sana pinag-usap mo na lang silang dalawa. Ayokong masaktan pa si Allen. Asawa ko pa rin siya kahit na anong mangyari."

"Ano bang ine-expect mo? Na magsisigawan lang sila hanggang sa may mag-walk out? Syempre hindi. Mga lalaki 'yong mga 'yon. Mas pipiliin nilang magsuntukan para mailabas ang mga galit nila."

"You really don't know my husband. You don't have any idea what he can do! Baka mapatay niya si Zian, eh. Alam mo naman kung gaano kagalit 'yon sa kaibigan niya."

"Mag-relax ka nga lang. Kanino ka ba talaga concerned ha, kay Zian o sa asawa mo?"

Nabigla ako sa tanong niya. Kinunutan ko siya ng noo. "What kind of question was that? Syempre sa asawa ko!"

"Fine. Okay, okay." Tinaas niya pa ang magkabilang kamay na parang umaarteng suko na siya.

Pumikit na lang ako nang madiin at muling hinilot ang ulo ko. Imbis na gumaling ako ay parang mas lumala pa yata ang bigat ng pakiramdam ko.

I took a deep breath. "Papaano ba kasi nalaman ni Zian na nandito ako? Sinabi mo na naman ba? Ikaw din ba ang nagbigay ng number ko sa kanya at ng bago naming address?"

A Wife's CryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang